Chapter 6

12 2 0
                                    


KASALUKUYAN kaming nasa gymnasium ng Cariño Veritas Silangan University para manood ng basketball game. Kalaban kasi namin ang school na ito.

At first, I got shock knowing that Jayvion is part of today's CVSU basketball team. Pinaliwanag naman niya sa akin na hinugot siya para maglaro.

Way back highschool, akala ko hindi siya naglalaro ng basketball kaya hindi talaga ako makapaniwala nung sabihin niyang maglalaro siya sa game ngayon. Naalala ko tuloy yung tanong niya kahapon kung anong team ang ichi-cheer ko and that was left unanswered.

"Kanino ka magchi-cheer ngayon, Alliana?" usisa ni Joan kaya sinimangutan ko siya.

"Sa school natin, malamang." pagtataray ko at tumingin sa court.

Magandang pwesto pala ang naupuan namin dahil kita ang buong court. Marami rin kaming mga manonood sa magaganap na laro kaya maingay na agad sa gym.

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng lugar at napansing mas maraming audience ang kalabang school kaya mukhang talo kami sa crowd.

"Let's start the warm up practice from University of Pinagpala Miracles!" anunsyo ng commentator kaya pumunta sa court ang basketball team namin suot ang yellow and blue jersey kaya nag-ingay kaming mga Pinagpalean kahit hindi amin itong court.

"GOOO TROYYY!!!" sigaw ng sangkabaklaan sa team captain ng UP Miracles kaya napatingin sa direksyon namin si Troy at napangiti.

Narinig naman namin ang pag-irit nila ng gawin niya 'yun.

"Gwapo naman si Troy, ah?" komento ng katabi ko kaya napatingin ako sa kanya. "Bakit gan'yan ka makatingin?" takhang tanong niya.

"Wala." sagot ko at pinanood ang ginagawang pagpapraktis ng team namin.

"Oh! Eto!" biglang sambit ng bagong dating na si Juls at umupo sa tabi ni Joan.

Inabutan niya kami ng bottled water at sandwich bago napatingin sa court. "GOOO! ADRIAN! WOOHHH!!!" sigaw niya.

Kasali rin pala si Adrian sa basketball team ng school namin kaya hindi namin siya kasamang manood ngayon. Siya yung alam kong marunong maglaro ng basketball kaya hindi mapagkakaila na magiging varsity siya.

"Sino kayang mananalo?"

"Malamang yung school natin. Ano ka ba, Juls? Kay Troy pa lang talo na sila." pagmamayabang ni Joan.

"Bukambibig na si Troy, ha?!" sabat ko at sinamaan niya ako ng tingin kaya napatawa ako.

Matapos ang practice nila ay sunod na pumasok ang kalabang koponan.

"Warm up practice for CVSU Hornets!" anunsyo ng commentator.

Kanina ko pa hinahanap si Jayvion pero wala naman siya sa mga narito sa court. Tahimik ang crowd nila at akala namin ay ganoon talaga pero isa pala yung paghahanda para sa chant nila.

"Sting them~ Crush them~ C! V! S! U! HORNETS!" with matching paghampas pa sila ng mga dala nilang plastic bottle.

"BRYAN!!! Take the spotlight!" sigaw ng isang babae matapos nilang mag-chant.

Pinapatungkulan ata niya yung lalaking nakasuot ng number 4 na jersey. Natapos ang practice nila at tumunog ang buzzer bilang paghuhudyat ng pagsisimula ng laro. Kasali si Adrian sa first five.

Nang mag-jump ball ay nakuha ng UP Miracles ang bola kaya naghiyawan kami lalo na nung una kaming makapuntos galing kay Troy.

"ANG GALING MO TALAGA, TROYYY!!!"

"For the Win!!!"

"I love you, Troy!!!"

Kakasimula pa lang ng laro pero mainit na agad ang mga manonood sa pagchi-cheer. Parang salitan lang ang nangyayaring pagpuntos. Ang naging defining factor siguro ay ang lakas ng audience impact ng dalawang school na magkaharap. Bukod kasi sa basketball, naging competition na rin ang palakasan at pagandahan ng cheer tuwing may makakapuntos.

In A Relationship ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon