NAGING topic namin ngayon ang date namin ni Jayvion sa Intramuros. Kita ko ang pagkainggit nila sa ginawa ni Jayvion para sa akin at sa first date namin."Nakakainggit ka naman, sis!" komento ng isa kong kaklase kaya napangiti na lang ako.
"Di ba, 'yung Jayvion 'yung magaling magbasketball sa kabilang university?" napatango ako sa tinanong niya at narinig ang pag-irit nila.
"Kainggit ka talaga. Ikaw na, sis!" komento naman ng isa.
"Ganun lang talaga siya pero simpleng tao lang siya." sambit ko at napansin ang mga reaksyon nila.
"Ang swerte mo naman sa kanya. Sana all!"
"Patingin nga ulit kami ng ibinigay niyang singsing." iniangat ko ang kaliwang kamay ko at nakita ang pagningning mga mata nila.
"Ayan nga 'yun! 'Yung Astro ring, authentic at original siya kaya siguro ang mahal niyan." sambit ng kaklase ko.
"Siyempre mas mahal ni Jayvion si Alliana." narinig ko ang pangangantiyaw nila kaya napangiti na lang din ako.
"Yieee! Kailan kasal niyo?" kantiyaw nila pero napangiti na lang ako.
This ring really cost a lot. Not the monetary value but his words, his promise, his faithfulness on me.
Nagpaiwan ako sa loob ng classroom pagkatapos ng huling subject namin sa morning session. May hahanapin kasi akong files na nasa likuran ng room. Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap ng mapansin ko ang isang lalaking nasa pintuan kaya napalingon ako sa kanya.
"Adrian!" tawag ko sa kanya at napalapit siya.
Lagi na lang siyang napunta sa classroom namin para tignan at kamustahin ako. Kahit na busy siya sa training at practice ng basketball nila. Hindi ko alam kung anong trip niya pero hinahayaan ko na lang siya.
"You should eat your lunch first." paalala niya pero napailing na lang ako.
"Saglit lang ito!" sagot ko sa kanya habang may hinahanap sa isang envelope.
"Alliana!" tawag niya sa akin.
"Bakit?" tanong ko pero hindi ko siya nilingon dahil abala ako sa pagtingin ng papel.
"Remember noong high school tayo, lagi kang inaasar ni Jayvion sa amin ni Juls." pagpapaalala niya kaya napangiti ako.
"Marami talagang kalokohan si Jayvion." natatawa kong sagot.
"But it's not a joke." napatingin ako sa kanya at napansing seryoso siya sa sinabi niya.
"Forget about it." komento ko at ibinalik sa loob ng steel cabinet ang envelope na hawak ko.
"I try to forget it but I can't, Alliana! Pero araw-araw unti-unti lang akong nahuhulog sa'yo!" nagulat ako sa sinabi niya.
"Lasing ka ba?" tanong ko kahit ramdam kong seryoso siya sa sinabi niya.
"I'm not!!!" naramdaman kong nagalit siya kaya kinabahan ako.
"Okay, but kami na ni Jayvion. Mawawala rin 'yan. Sorry." sagot ko at napansing napatahimik siya kaya mas lalo akong kinabahan.
Nilapitan niya ako kaya marahan akong napaatras hanggang sa maramdaman kong nasa likod ko na ang pader. Nakita kong parang nag-iba na ang ambience sa paligid kaya kinabahan.
"A-anong ginagawa mo, A-adrian?" natatakot kong tanong pero hindi niya ako sinagot.
Napahakbang ako paalis pero itinulak niya ako sa pader bago marahas na hinalikan. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya at hindi agad ako nakakilos.
Inisip kong itulak siya pero hinawakan niya ang dalawang kamay ko. Mas malaki siya sa akin at malakas kaya hindi ako makalaban.
Napatingin ako sa labas pero walang sinuman ang napapadaan kaya mukhang walang makakatulong sa akin. Gusto ko mang sumigaw ay hindi ko magawa dahil sa labis niyang pagnanasa sa labi ko.
Tinignan ko siya sa mata at napansin ang isang bagay. His eyes are full of lust and I think he won't stop until he didn't get what he wants.
Nagpumiglas ako pero mas hinigpitan pa niya ang pagkapit sa kamay ko at ang pagpwersa sa akin sa pader. Parang nawala ang dugo ko sa buong katawan ko ng maramdaman ang isang kamay niyang tinatanggal ang pagkakabutones ng damit ko. Naisip ko na lang kung si Adrian pa ba itong nasa harap ko o hindi.
Bigla naman siyang napatigil sa ginagawa niya ng may humigit sa kanya palayo sa akin. Saka lang ako napaluha ng matigil ang ginagawa niya.
Nakita ko si Jayvion na bakas ang gulat. Hinubad niya ang jacket niya at itinakip sa katawan ko.
"Did he hurt you?" may pag-aalalang tanong niya habang inaayos ang buhok ko pero napaluha lang ako.
Nilingon niya si Adrian bago lapitan at paulanan ng suntok sa mukha. Sinubukang lumaban ni Adrian pero agad siyang tinadyakan ni Jayvion kaya napatumba siya sa sahig. Patuloy si Jayvion sa pagtadyak sa kanya kahit sumuka na ito ng dugo.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nanghina ang tuhod ko at napaupo sa sahig.
Nakita kong kumuha ng monobloc chair si Jayvion at nakita kong inihampas niya ito sa nakadapang si Adrian bago ibato sa kung saan. Narinig kong may nabasag na salamin pero mas nangingibabaw ang pagmumura ni Jayvion sa kada suntok kay Adrian.
"FUCK YOU, ADRIAN!!!" bakas ang sobrang galit sa boses niya.
Kinuwelyuhan niya si Adrian na hinang-hina na bago ulit suntukin sa mukha. Napansin kong biglang dumating sina Joan at Juls. Umawat si Juls samantalang lumapit sa akin si Joan.
"Hey, what happened?" naiiyak na tanong ni Joan pero napaiyak lang ako habang yakap ang sarili ko. "Huy!" nakita kong napaluha na rin siya.
"DON'T FUCKING INTERVENE, JULS! I'M NOT FINISH YET IN THAT FUCKING— TANG INA KA, ADRIAN!!!" nagwawala ng boses ni Jayvion sa loob ng classroom.
"Stop! Awat na!" pagpigil ni Juls pero ayaw magpaawat ni Jayvion.
"BITAWAN MO AKO! TANG! I! NA!—" napatigil siya ng magsalita si Joan.
"Jayvion! Si Alliana!" sigaw niya sa kanya kaya agad siyang napalapit sa akin.
"H-hey! S-stop c-crying, lady." nangangatog siya sa hindi dahil sa takot.
He's trembling in rage and anger. He wipes my tears away and help me stand up.
Niyakap niya ako at narinig ko ang mabibigat niyang paghinga at mabilis na tibok ng puso niya. Pinapatahan niya ako pero mas lalo akong napapaiyak.
"S-sorry..." sambit ko sa pagitan ng pag-iyak ko.
"Shh! Don't say sorry, lady. Wala kang kasalanan kaya hindi sinisisi." sagot niya at niyakap ako ng mas mahigpit.
"S-sorry..." sambit ko ulit at lalong napaiyak.
"Stop it, lady. Hindi ako nagagalit sa'yo. Hindi ako magagalit sa 'yo." sagot niya at hinagod ang buhok ko.
Last thing I remember is that he's hugging me with full of security. I am crying that time while he's comforting me before it turns black.
BINABASA MO ANG
In A Relationship Contract
RomanceA boy and a girl. A very cliché and over used plot and storyline. A boy fall in love with a girl. The girl responded on his love. Just the simple one. The only thing that differs is a contract so read it to know their story.