Chapter 11

17 3 0
                                    

MATAPOS kong manood ng movie sa laptop ay kinuha ko ang phone ko para magbasa. It's already ten in the evening so he might enjoying the night. Napansin kong nagshut down na ang laptop ko kaya ichinarge ko na muna ito.

Lumabas ako ng kwarto at napansing madilim na sa salas dahil pinatay na ang ilaw. Pumunta ako sa ref para uminom ng tubig nang maalala ko bigla yung pananakot ni Jayvion sa akin kaya marahan akong gumalaw ng hindi nalingon. Pagkatapos kong uminom ay isinarado ko ang ref at patalikod na naglalakad.

Bwisit ka, Jayvion! Kasalanan mo ito.


Nang bigla akong nasaging kung ano kaya parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko. Nagpigil ako na sumigaw bago napatakbo papunta sa kwarto ko.

Para akong galing sa panonood ng horror-suspense movies dahil sa kabang nararamdaman ko. Lagot talaga sa akin itong si Jayvion.

Binuksan ko na lang ang cellphone ko para malibang ako. Tinatamad pa kasi akong matulog. Laking gulat ko ng bumungad sa akin ang miss calls sa unknown number.

Nagtayuan ang balahibo ko ng maisip na isang killer ang tumawag at nasa labas na siya ng kwarto ko kaya agad kong tinungo ang doorknob at ni-lock.

Napaupo ako sa gilid ng kama at inabot ang cellphone ko. Binuksan ko ang messenger bago ang conversation namin ni Jayvion. Nagtaka ako dahil wala pang siyang message, siguro ay nasiyahan siya sa event.

"HOYYY! JAYVION! SIRAULO KA!!!"

Message ko sa kanya at bigla akong may narinig mula sa labas ng kwarto kaya napakislot ako at nagtaasan lalo ang balahibo ko.

"Huy! Natatakot na ako dito T^T" message ko ulit at may narinig na naman ako sa labas ng kwarto.

Lalo akong kinabahan. Gusto kong umakyat sa taas kaso baka tulog na si Mama at biglang magising tapos paglitan pa ako dahil gabi na at nambubulabog ako. Kaya naging sandigan ko na lang ang cellphone ko at ang convo namin ni Jayvion.

"Jayvion, sumagot ka!!!"

Muli ay nakarinig na naman ako ng kung ano mula sa labas kaya nabitawan ko ang cellphone ko at napapunta sa sulok ng kama ko.

Napayakap ako sa tuhod ko bago nagdasal. Kasalanan talaga ito ng lahat ng pananakot sa akin ni Jayvion sa chat at mga napanood kong horror movies.

Kumalma ako nang tumahimik ang paligid. Kinuha ko ulit ang phone ko at chinat si Jayvion na hindi pa rin ako nirereplyan.

"Huy! Ano bang ginagawa mo?"

Nang isend ko ay may narinig ulit ako sa labas ng kwarto ko kaya kahit natatakot ay sinubukan kong alamin.

Hawak ko pa lang ang door knob nang maisip kong baka may nakatayo sa likod ng pintong ito tapos hinihintay lang pala akong buksan ang pinto. Nabitawan ko ang doorknob dahil sa pago-overthink ko pero nilakasan ko na ang loob ko at pinihit ang doorknob bago buksan.

Nang mapansin kong walang nakatayo ay nakahinga ako ng maluwag. Lumabas ako at napalinga sa madilim na salas kung anong meron. Napansin ko ang isang liwanag sa may ibabaw ng cabinet kaya marahan ko itong nilapitan.

In A Relationship ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon