KAYA ngayon, nasa isang halfcourt kami. 'Yung lagi naming pinaglalaruan ni Khali.Kasama ko si Alliana at Prince. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ni Khali at hinamon si Adrian pero alam ko na siguro may kinalaman ito sa babaeng 'yun.
"Ate Alli, sino po yung dalawang lalaking 'yun?" usisa ni Prince.
"Kaibigan ko ang dalawang 'yun." sagot niya kaya napatango si Prince.
"Matatalo 'yung kalaban ni Kuya Khali." komento ni Prince kaya napatingin sa kanya si Alliana.
"Bakit naman? Magaling maglaro ng basketball si Adrian."
"Gan'yan po kasi itsura ni Kuya Khali kapag seryoso siya. Iba yung ngiti niya, parang mangangain ng buhay." sagot ni Prince kaya napatingin si Alliana kay Khali habang napatawa naman ako ng mahina.
"Marunong bang maglaro si Khali ng basketball?" tanong ni Alliana kaya napatingin sa kanya si Prince na parang hindi makapaniwala.
"Hindi po ba nasabi sa 'yo ni Kuya Sage na si Kuya Khali 'yung nagturo sa kanya?" sambit ni Prince kaya napalingon sa akin si Alliana at napatango na lang ako sa kanya.
Hindi niya nga pala napanood yung paglalaro namin ni Khali dati kasi naging busy siya sa pagse-cellphone noon. Tinignan ko yung dalawa at mukhang handa na silang maglaro.
"Why don't we made it two on two?" tanong ni Juls. "Kakampi mo si Jayvion tapos kakampi ko si Adrian." paliwanag niya.
Tinignan ko si Alliana at napailing siya.
"Kahit kayong dalawa at akong mag-isa." pagmamayabang ni Khali.
"Natatakot ka, Jayvion?" tanong ni Juls. "Let's make a pledge. Kapag nanalo kami, hihiwalayan mo si Alliana. Pero kapag—"
"Pero kapag nanalo kami ni Jayvion, uuwi kayong nagapang sa lupa." sambit ni Khali kaya parang natakot si Juls.
Nainis ako sa sinabi ni Juls kaya napalapit ako pero pinigilan ako ni Alliana at tinignan na nagsasabing huwag mo ng patulan. Hinarap ko naman siya at pinitik ang noo niya.
"I'll just gonna play basketball, lady. No worries, I'm just up for fun." nakangiti kong sambit kaya binitawan niya ako.
Lumapit ako kay Khali at tinignan ang dalawang kalaban namin. Hindi naman marunong maglaro ng basketball si Juls kaya nakakagulat na maghamon siya ng laro.
"30 minutes ang laro. No shot clock, no time limit on ball possession, meaning pwedeng nasa'yo ang bola in all game. Padamihan lang ng score before time runs out." paliwanag ni Khali. "Sa inyo na ang bola." ibinato siya ang hawak niyang bola kay Adrian.
"Okay." sagot ni Adrian.
"Prince, set the timer for thirty minutes!" utos niya.
"Okay! Go!" hudyat ni Prince.
Nagsimula na ang laro at binabantayan ko si Juls samantalang binabantayan niya si Adrian. Gaya ng inaasahan ay hindi makalusot si Adrian sa pagbantay ni Khali hanggang sa maagaw niya ang bola. Ngayon ay si Khali na ang may hawak ng bola.
"You can pass at me. If I will let you." nakangiting panghahamon ni Adrian.
"Makakahabol ka ba, Adrian?" pang-aasar ni Khali at sinimulan na ang pagpapakitang gilas niya.
"Wala kang galang sa nakakatanda sa iyo!" rinig kong sambit ni Adrian.
"Kagalang-galang ka ba?" at ayan na naman si Khali sa mga salitaan niya.
His dribbling now with more precise and faster movement. Hindi masundan ni Adrian ang bola at kita naman na nahihirapan siyang masundan ang liksi ng paggalaw ni Khali. Ilang sandali pa ay natumba na siya at kita sa mga mata niya ang gulat.
BINABASA MO ANG
In A Relationship Contract
RomanceA boy and a girl. A very cliché and over used plot and storyline. A boy fall in love with a girl. The girl responded on his love. Just the simple one. The only thing that differs is a contract so read it to know their story.