Chapter 7

13 2 0
                                    


HINARAP ako ni Jayvion at saka siya napabuntong hininga. Pinitik niya ang noo ko kaya napasimangot ako na ikinatawa naman niya.

Suot niya pa rin ang jersey niya at mukhang magpapalit na siya kung hindi lang ako nakita.

"Why strolling here alone?" tanong niya.

"Nawala si Joan. Kasama ko kanina, eh!"

Napangiti na lang siya at inaya ako. "Let me guide you back." at hinawakan niya ang kamay ko bago maglakad.

Napatungo na lang ako habang naglalakad kami dahil na rin sa tingin ng ibang estudyante sa amin. Pinilit kong bawiin ang kamay ko kay Jayvion pero mas hinigpitan niya ang paghawak.

Napasimangot na lang ako habang naglalakad kami. Nang makarating kami sa daanang kakaunti na ang tao ay binasag ko ang katahimikang namamayani sa aming dalawa.

"Uhm! Jayvion?" napatingin naman siya sa akin at nagtanong kung ano yun. "Yung kanina..."

"Sorry, nakita mo pa 'yun." paumanhin niya at napatigil kami sa paglalakad sa may garden ata dahil maraming bulaklak at halaman sa gilid ng daan.

Hinarap niya ako at napansing nagbago ang tingin niya. Parang nangungusap ang mga niya. Binitawan niya ang kamay ko sa hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Bakit?"

"Sensya na. Ginawa ko yun sa kaibigan mo." sinsero niyang paghingi ng tawad kaya napangiti na lang ako.

"Ayos lang," sambit ko. "Ngayon ko lang nalaman na marunong ka palang magbasketball at ganoon ka kagaling." dagdag ko.

Napatawa naman siya ng mahina. "Di ba nga, sabi mo dati na gusto mo yung lalaking marunong mag-basketball." napatigil ako sa mga salitang yun. "Kaya kahit mahirap, ginawa ko. Nagbabaka sakaling maging isang dahilan yun para maging kwalipikado sa mga lalaking magugustuhan mo." seryoso niyang sambit.

Kita sa mga matang totoo yung mga sinabi niya kaya parang nag-init ang pisngi ko. Kung kanina parang naiinis ako sa kanya, ngayon, parang nabura lahat ng 'yun.

"Hindi mo naman kailangan gawin yung ganoon?"

"Bakit?"

"Just be yourself." turan ko at napangiti siya bago pitikin ulit ang noo kaya napahawak ako dito. "Bakit ba lagi mong pinipitik ang noo ko?" naiinis kong sambit.

Nagsisimula na naman akong mainis sa kanya. Napatawa siya. Kita mo yan tumawa pa.

"I find you cute everytime I'm doing that," hala! Parang tanga. "Are you blushing or what?" tanong niya kaya pinaningkitan ko siya ng mata.

"Naiinis ako." hinawakan na naman niya ang kamay ko saka ako inayang maglakad ulit. Nakakailang hakbang pa lang ng maalala ko yung narinig ko sa CR. "Jayvion."

"What?" tanong niya pero hindi ako tinapunan ng tingin.

"Nevermind." sagot ko. "By the way, sino yung babaeng kasama mo kanina sa court?"

Oops! Ano itong pinagsasabi ko?

"Ahh! Ayun ba? Si Versailles, kaklase ko lang 'yun." sagot niya kaya napatango ako bago napatahimik. "Bakit? Selos ka?"

Wow, ha?! Feeling na siya.

"Never!" pagtataray ko at saka siya napatawa.

Nang makarating kami sa gym ay nadatnan naming wala na halos katao tao rito. Wala na ring mga schoolmate ko ang nandirito kaya nagulat ako ng bahagya.

"Wala naman sila rito." kaya kinuha ko ang phone ko at tinignan ang messenger. Napansin ko ang message ni Joan kaya tinignan ko yun.

"Nasa gate na kami. Sorry! Hintayin ka na lang namin dito."

In A Relationship ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon