Chapter 22

16 2 0
                                    

GANOON pa rin ang pakiramdam ng pagtuturo ni Ma'am. Naboboring pa rin ako at walang gana sa oras na ito. Hindi sa hindi ko siya ginagalang pero ngayon kasi talagang tinatamad ako. Sa oras niya pala lagi. Buti na lang hindi na niya ako tinatawag at pinapasagot kasi nasasagot ko naman siya.

Matapos niyang magsalita sa unahan ay nagpakuha siya ng one-forth kaya napaayos ako ng upo at napatingin ako sa mga kaklase kong nakuha na ng papel nila.

Humingi ako sa katabi ko at buti na lang mabait siya at binigyan ako. Nagsusulat pa lang ako ng pangalan ng magtanong na si Ma'am. Narinig ko ang pagkagulat ng mga kaklase ko pero wala lang sa akin yun.

Pagkatapos kong magsulat ng pangalan ay nasa number three na sila kaya napabuntong hininga na lang ako at napangalumbaba sa harap ni Ma'am. Nagsalita siya ng mga bagay na hindi ko naman maintindihan kaya wala akong naisasagot.

Nilibot ko ang paningin ko at napansin ang mga kaklase kong todo isip sa isasagot. May ilang nagkokopyahang hindi napapansin ni Ma'am.

Hindi ko na lang din sila pinansin at tumingin na lang sa papel kong pangalan ko lang ang nakalagay. Wala nga rin itong number.

Walang gana akong napayuko at hinantay na lang na tumunog ang bell dahil wala naman akong isasagot sa mga itinatanong ni Ma'am. Hindi naman ako nakinig sa nilesson niya kaya walang kwenta kung mag-iisip pa ako.

"Pass your papers forward!" kasabay ng pagsasalita niya ang pagtunog ng bell kaya nagsitayuan na rin kami.

Gaya ng ginagawa niya araw-araw nagsalita na naman siya ng kung ano ano pero alam kong ni isa sa amin walang pumansin sa sinabi niya.

Nang makalabas ako ng classroom ay nakita ko ang dalawang lalaking naghihintay sa akin at sinabayan ako sa paglalakad.

"Kamusta Intramuros?" pagtatanong ni Hervy na mukhang nakita na ang pinost ni Alliana kung saan nakatag ako.

"Ayos lang." tipid kong sagot.

Wala talaga akong gana ngayong araw dahil siguro sa pagkain ko ng pritong itlog at sinangag na kanin bilang almusal.

Iyon siguro yung dahilan o baka naman yung pagkaalam ko na mago-OJT na ang mga fourth year kung saan kasama si Bryan at ako ang ginagawang acting team captain ng Hornets.

Para sa iba, nakakagana yun at isang magandang balita pero para sa akin ay isa yung masamang balita. Araw-araw na kasi akong mapapagod sa training at practice at hindi ko na rin magagawa yung normal kong nagagawa dahil may responsibilidad ko sa pagiging captain ng basketball team.

Napabuntong hininga na lang ako at nagtungo sa cafeteria para kumain. Paano kaya kung si Khali na lang? Pero hindi pa naman nag-aaral dito yun kaya problema talaga ito.

Ayaw naman ng ibang third year na maging captain at ako ang itinuturo nila. Hindi nga ako pormal na kasali sa roster ng team.

"Bakit parang tinatamad ka ngayon?" tanong ni Hervy.

"Hindi ka pa nasanay." sagot naman ni Yohan kaya hindi ko na sinagot si Hervy.

Nilaro ko na lang ang straw ng binili kong inumin bago tumungo sa lamesa. I get my phone before opening the messenger. Napansin ko ang isang mensahe mula kay Alliana kaya binuksan ko ang conversation namin.

"Anong ginagawa mo?" tanong niya.

"Wala. Puntahan kita diyan mamaya. Wala na kasi akong klase." pagtitipa ko bago pindutin ang send.

"Jayvion!" tawag ni Yohan pero hindi ko siya tinignan. "Jayvion!!" pagtatawag niya ulit kaya iniaangat ko ang ulo ko para tignan siya.

May nginuso siyang direksyon kaya napatingin ako dito. Halos mahulog ako sa upuan ng makita siya. Nagulat ako dahil hindi ko namalayang nakatayo na pala siya sa tabi ko. Masyado yata akong pokus sa pagiging bored at hindi ko napansin si Versailles.

In A Relationship ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon