TUMAYO ako at pumasok sa loob ng event. Marami pa ring nasayaw sa gitna at mukhang dinarama ang musika. I'm already calm. Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko. Nang makalapit ako sa table namin ay agad kong iniabot kay Yohan ang cellphone niya."Done?" tumango naman ako at umupo.
I saw Versailles laughing with some ladies besides her. She looked at me and smiled like the usual. I just smile back and turn away.
"This night is awesome!" komento ni Hervy na kakabalik pa lang mula sa siguro sa pagsayaw.
"Ang dami mo kasing sinayaw." napatawa si Yohan ng sabihin ko yun.
"Alam niyo, kayong dalawa..." napatingin kami sa kanya. "Ang unsupportive niyong mga kaibigan. Dapat happy kayong may gwapo kayong laging nakakasama." pagpapatuloy niya.
"Wow! Buhat ng sariling bangko." komento ni Yohan.
"Sinabi mo pa." kaya napasimangot siya sa amin.
"Yohan!" napalingon kami sa nagsalita at nakita si Bryan.
"Bryan! What's up?" bati ni Yohan.
"You seem having fun here." komento niya. "Wanna join our table?" turo niya sa direksyon kung saan nakaupo ang mga varsity.
"Baka ma-OP lang kami." sagot ni Hervy.
"Nah. Kasama niyo naman si Yohan. Malakas sa akin ito." sambit niya at nilingon ako. "And even Jayvion. Kasali siya sa team." turan niya sa akin.
"I'm not. I only played some games."
"Parang mas mao-OP ako, ah!" tugon ni Hervy.
"Don't think that man." komento niya. "Isama niyo ang partners niyo." dagdag niya.
Nagkatitigan kaming tatlo bago napasang-ayon.
"Okay." sagot ni Yohan at tumayo.
Nilapitan ko si Versailles at inayang tumayo.
"Lilipat na tayo ng table." sambit ko at napatango siya bago tumayo.
Ako ang nagbitibit ng gamit niya papunta sa kabilang table.
"Hey, guys! Listen up!" kinuha ni Bryan ang atensyon ng mga ka-team niya. "I want you all meet my friends from BS Psychology." panimula niya.
"Zup!"
"Yow!"
"Hi!"
"This is Hervy Dela Rosa and Yohan Bellandrez." pagpapakilala niya sa dalawa kong kaibigan.
"Yow, Hervy!"
"Nice to meet you, Yohan!"
"You already know Jayvion, right? The monster rookie on court." napatawa naman sila at napatango. "And his partner, the campus crush. Versailles Honoria." napakapit naman siya sa kamay ko kaya tinignan ko siya. "Have a seat." alok ni Bryan kaya umupo na kami.
Napansin ko ang ilan na nakatingin kay Versailles. Kita ko ang pagkailang ni Versailles dahil doon.
"Do you wanna move us back to our table?"
BINABASA MO ANG
In A Relationship Contract
RomanceA boy and a girl. A very cliché and over used plot and storyline. A boy fall in love with a girl. The girl responded on his love. Just the simple one. The only thing that differs is a contract so read it to know their story.