Chapter 28

14 2 0
                                    


NABALITAAN naming kailangang operahan si Papa dahil may mga butong nabali at tumusok sa baga niya. Alam ko inooperahan na siya sa ospital na pinagdalhan sa kanya. Ngayon, nakapokus kami kay Clyde na dinala sa ER.

Nakita ko si Mama na napupuno ng luha kaya napapaluha na lang din ako. Kanina lang ganoon siya kalungkot dahil sa pag-alis ni Papa tapos ngayon naospital silang dalawa.

Hindi ko makayanang buhatin yung bigat dahil dalawa sa mahalagang tao sa buhay ko ang nasa peligro ngayon.

"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Geraldine kaya napatango na lang ako.

"Ano ba kasing nangyari kay Clyde?" natataranta kong tanong.

"Kalma ka lang, Alliana." sambit ni Geraldine. "Nasabi mo na ba kay Jayvion 'yung nangyari?" tanong niya.

"Kanina ko pa siya sinabihan." sagot ko at napahawak sa noo ko.

"Nasaan na raw siya?" tanong ni Geraldine.

"Ewan ko. Hindi naman siya sumasagot." naluluha kong sagot.

"Nag-away ba kayo?" napailing ako sa tanong niya.

"Ewan ko. Hindi ko alam." sagot ko at nararamdaman kong may kung anong mabigat sa loob ko.

Isa pa itong si Jayvion na hindi ko alam kung bakit nagkakaganoon. Bigla-bigla na lang siyang lumamig.

Napapaisip ko tuloy kung may nagawa akong mali o kung may nasabi ako sa kanyang hindi niya nagustuhan. Hindi ko alam. Hindi ko na naman siya maintindihan at ngayon pa kung kailan kailangan ko siya.

Tinignan ko na naman ang conversation naming dalawa. Nakita kong na-seen na naman niya ang message ko pero hanggang ngayon wala pa siya. Siguro hindi na siya pupunta.

Napabaling ako ng tingin sa pinto ng ER at naalala na naman ang itsura ni Clyde kanina. Napaiyak ako dahil naaawa ako sa kapatid ko. Napakabata niya pa pero parang ang hirap ng dinanas niya ngayon.

"Huy! Teka lang. Huwag kayong mag-iyakang dalawa. Hindi ko kaya kapag pati kayo maospital. Sandali lang!" pakiusap ni Geraldine pero hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko.

Hindi ko lubos na maisip ang nangyayari kaya patuloy lang ako sa pag-iyak. Napalingon ako sa daanan at nagbabaka sakaling dumating si Jayvion pero hindi ko siya nakita. Napabalik na lang ako ng tingin sa pinto ng ER at umiyak.

Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng yabag pero hindi ko siya nilingon at pinag-abalahang tignan siya. Pero may nagtutulak sa aking tignan siya kaya marahan akong napalingon. Nagulat ako sa nakita kong lalaking nagmamadaling naglalakad papalapit sa amin.

Kusang gumalaw ang paa ko at sinalubong siya. Agad ko siyang niyakap dahil sa pangungulila ko sa kanya. Akala ko hindi siya pupunta. Napaiyak na lang ako sa kanya at mahigpit siyang niyakap.

Akala ko hindi ka na pupunta, Jayvion? Bakit ka kasi biglang nanlamig? May mali ba akong nasabi sa'yo? May ikinagalit ka ba sa akin? Napapagod ka na sa akin?

Napuno ako ng tanong habang kayakap siya pero hindi ko magawang masabi sa kanya. Hindi ko matanong dahil natatakot ako sa sasabihin niya. Pero nagpapasalamat akong dumating siya dahil may mahahawakan ako bago tuluyang bumagsak.

NAGMAMADALI akong pumunta sa ospital na sinabi ni Alliana para alamin ang nangyari kay Clyde. Hindi ko masyadong pinapansin si Alliana dahil nakapokus ako sa pagtatrabaho para sa pinaplano kong outing namin kasama ang pamilya. Ngayon kailangan ko ng magpakita sa kanila.

Pumunta akong emergency room at nakita ko si Alliana na nakaupo sa tapat ng pinto ng ER. Nilapitan ko siya kaya napansin niya ako. Napatayo siya at sinalubong ako ng yakap. Umiyak siya kaya inalo ko siya.

In A Relationship ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon