Chapter 27

12 2 0
                                    


MATAGAL ko ng medyo hindi nakakausap ng matino si Jayvion. Biglang lumamig ang pakikitungo niya sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Nagmumukha na naman akong tanga kakaisip dahil bumalik siya sa dati niyang ugali na mahirap basahin.

"Anak, hawak mo na naman ang cellphone mo?" komento ni Mama habang naghuhugas siya ng pinggan. "Hindi ka pa rin ba kinakausap ni Jayvion?" tanong niya kaya napanguso na lang ako bago patayin ang cellphone ko.

Tumungo ako sa lamesa at tumahimik na lang. Hindi ko na rin naman alam kung sasagot si Jayvion. Hindi ko siya maintindihan.

"Aalis na ako." napaangat ako ng ulo ng magpaalam si Papa.

"Aalis ka na naman?" mahinahong tanong ni Mama at nilapitan siya.

Lately, napapansin kong hindi na siya nagagalit pero yung lungkot niya mas nadaragdagan. Siguro nasanay na siya sa pag-alis ni Papa kahit mas nasasaktan lalo siya.

Napagod na siguro siyang magmakaawa ng atensyon kay Papa. Maging ako ay unti-unti na lang na natatanggap ang lahat. Unti unti na kaming kinakalimutan at binibitawan ni Papa.

"Oo." sagot niya Papa at akmang lalabas na ng bahay ng matigilan siya dahil sa pagsasalita ni Clyde.

"Aalis ka po ulit, Papa? Iiwan mo ulit kami?" malungkot na tanong ni Clyde kaya napaupo si Papa at hinarap siya.

"Babalik ako, buddy. Kailangan ko lang pumunta sa work." pagsisinungaling ni Papa dahil alam ko at ni Mama na pupuntahan niya lang ng babae niya.

"Mama, hindi mo po siya pipigilan?" napansin kong hinawakan ni Clyde ang damit ni Papa habang nakatingin kay Mama.

Bigla akong napatayo ng mapansin kong lumuha si Clyde. Nagulat ako sa mga sumunod na pangyayari.

"Aalis na kasi si Papa para magtrabaho kaya bitawan mo na siya." naiiyak ding sagot ni Mama.

"Buddy, why are you crying?" tanong ni Papa habang pinupunasan ang luha ni Clyde.

"Papa, pwede po bang amin na lang oras mo?" nagulat si Papa sa tinanong ni Clyde.

"A-anong sinasabi mo?" takhang tanong niya.

"Alam ko pong pagod na si Mama na pigilan ka at manghingi ng oras mo kaya ako na lang po hihingi." marahan akong napalapit sa kanila dahil tuluyan ng umiyak si Clyde.

Ang bigat ng pakiramdam ngayon dito sa bahay. Ang hangin ay parang nakakalunod at nakakapanghina ang emosyong kumakalat sa buong lugar.

"Huwag kang umiyak, buddy. Babalik naman si Papa." sagot ni Papa pero ayaw siyang bitawan ni Clyde.

"Pa! Huwag ka na doon sa babae mo. Sa amin ka na lang!" pagmamakaawa ni Clyde habang patuloy siya sa pag-iyak.

Lahat kaming nakarinig sa sinabi niya ay napahinto. Parang isang malungkot na musika ang pag-iyak ni Clyde. Nagulat kami sa sinabi niya kaya walang nakapagsalita agad.

"Ma! Pigilan mo po ulit si Papa!" baling niya kaya Mama habang puno ng luha. "Pa! Ayoko na pong makita si Mama na naiyak kasi iniwan mo kami. Ayoko na pong si Mama na lang yung maggu-goodnight sa akin at hahalik sa noo ko bago matulog. Ayoko na pong matulog na iniisip ka. Pa! Ayoko na rin pong magtanong kung bakit mas gusto mo sa kanila." narinig ko ang paghagulgol niya kaya hindi ko namalayang napaiyak na lang din ako.

"Anak, aalis na si Papa. Bitawan mo na siya." naiyak na sambit ni Mama at hinihigit si Clyde pero ayaw niyang bitawan si Papa.

"Pa! Hindi mo na po ba kami mahal?" tanong niya at napaiyak na lang ako.

"Hindi ganoon, anak. Hindi mo maiintindihan." naiyak na sagot ni Papa bago alisin ang kamay ni Clyde na nakakapit sa damit niya. "Babalik si Papa, ha?" sambit niya bago halikan si Clyde sa noo.

Agad siyang umalis ng bahay at naiwan kaming naiyak. Napaupo ako sa hagdan bago napatungo. Umiyak ako dahil maging ang kapatid ko ay nasasaktan na rin sa katotohanan tungkol sa pamilya namin.

Narinig kong tumakbo si Clyde at nagkulong sa kwarto niya. Si Mama naman ay napaalis na rin sa pintuan.

Natahimik ang pagligid at maging ako ay napatigil sa pag-iyak. Napag-isip isip ko na lang ang lahat ng bagay na kailangan kong pagtuunan ng pansin. Isang oras na siguro akong nakatungo kaya nakaramdam ako ng ngalay.

"Tita! TITA!" narinig kong sumisigaw si Geraldine kaya napaangat ako ng ulo.

Nakita ko siyang humahangos habang nakatayo sa pinto. Nagtataka ko siyang nilapitan.

"Bakit?" tanong ko at napansing hinihingal siya na parang galing sa pagtakbo.

"Alliana... si Tito... Allan..." hinihingal niyang sambit kaya napakunot ang noo ko.

"Anong mayroon?" napalingon ako ng marinig si Mama na kakarating lang.

"Si Tito Allan daw... nabangga!" sagot niya kaya nagulat ako.

"ANO?!" pagkagulat niya.

"Sinugod na raw po siya sa ospital." dagdag ni Geraldine.

"Ano ba ito?!" napansin kong papaiyak na siya. "Alliana! Puntahan mo ang kapatid mo." utos niya kaya agad kong pinuntahan si Clyde.

Pagkabukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin si Clyde na nakahiga sa kama niya. Nilapitan ko siya at hinawakan. Laking gulat ko ng maramdamang parang nagaapoy siya. Natataranta ko siyang hinarap sa akin at napansin kong sumusuka siya ng dugo. Natataranta ko siya binuhat palabas.

"Maaa! Si Clyde!" sambit ko at lumapit sa amin si Mama.

"Anong nang— jusko po! Anong nangyari kay Clyde?!" natatarantang sambit ni Mama.

Lumapit sa amin si Geraldine at nakita ko ang pagkagulat niya. Sinabihan ko siyang tumawag ng masasakyan. Nagmamadali siyang lumabas at ilang sandali pa ay dumating siya kasama si Kuya Roman na isa sa pinsan ko.

"Dalhin natin si Clyde sa ospital." utos niya kaya kinuha ni Kuya Roman si Clyde at isinakay sa tricycle niya.

Sumunod sa kanya si Mama samantalang naiwan akong blangko pa rin ang pag-iisip. Hindi ko alam kung bibigay na ako. Una si Papa tapos sumunod si Clyde.

"Alliana!" napabalik ako sa reyalidad ng marinig ang boses ni Geraldine. "Kailangan na nating sumunod!" sambit niya kaya napatango ako.

Kinuha ko ang phone ko sa lamesa bago lumabas ng bahay. Nakita kong naghihintay si Geraldine sa daan. Binuksan ko ang message ko bago magtipa.

"Jayvion, si Clyde isinugod sa ospital!" bago i-send sa kanya.

Kahit alam kong hindi niya ako pinapansin sa hindi ko malamang dahilan ay pinaalam ko sa kanya ang nangyari. Alam ko na pupunta siya dahil si Clyde ang nasa peligro. I know he will come.

In A Relationship ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon