Chapter 24

19 2 0
                                    


MAG-AAPAT na araw na noong mangyari ang isyu sa kabilang university. Mag-aapat na araw na ring suspended si Jayvion sa university namin dahil sa gulong ginawa niya.

Pumunta sa kabilang university ng walang permission, nagwala at nanira ng gamit at higit sa lahat, muntikan ng makapatay ng estudyante doon.

"Yohan!" rinig kong tawag ng kung sino man kaya napalingon ako at nakita si Veron na papalapit sa akin.

"What is it?" tanong ko at napansin ang pag-aalala niya.

"Ano ng gagawin ng university kay Jayvion?" tanong niya.

Isa rin siya sa unang nakasagap ng balita sa nangyari kay Jayvion.

Actually, naging mainit na usapin sa buong university ang nangyari. May video pa na kumalat pero nakita lang sa video yung nangyari pagkatapos.

Ang lala ng ginawa ni Jayvion doon kay Adrian. Hindi na nga nakalakad puro bangas pa ang mukha.

"Pupuntahan ko pa lang ang mga nakakataas para alamin ang naging pasya nila." sagot ko at napatango siya.

"Sana hindi i-expell si Jayvion sa university." nalulungkot niyang sambit.

"Hey! Hindi namin hahayaang mangyari 'yun!" sambit ko para palakasin ng loob niya.

Kahit hindi ko naman talaga hawak sa leeg ang mga nakakataas at hindi ko rin hawak ang pagpapasya nila. Kung desidido sila sa pasya nila at nagawa na namin lahat ng magagawa naming pangungumbinsi para huwag patalsikin si Jayvion, hanggang doon na lang kami.

"Sige, salamat." nakangiti niyang sagot bago magpaalam.

Hinawakan ko ang ulo ko dahil nananakit na ito sa pag-iisip sa gulong pinasok ni Jayvion. He's really causing me much headache. Sinabihan ko na siyang huwag pumasok sa university na iyon.

Though, maganda naman ang naidulot niya dahil napigilan niya ang maaaring mangyari kay Alliana. Kahit ako siguro ang nasa lugar niya, gagawin ko yun o baka mas matindi pa.

Nagagalit nga rin ako sa lalaking gumawa niyon kay Alliana pero mas magandang gawin ay makumbinsi ang nakakataas na huwag ng patalsikin si Jayvion sa university.

Kaya ito ngayon, papunta sa Dean's office para tanungin kung ano ng magiging hatol niya sa kaso ni Jayvion. Binuksan ko ang office niya at tumungo sa upuang nasa tapat ng desk niya. Humarap siya sa akin at pinagkrus ang daliri niya.

She looks like a student here but she's already 40 years old. Though, wrinkles and some ageing signs on her face isn't present. She has the body of a super model and all I can say is she has those wonderful eyes. I don't fantasize her, I just describe her.

"What is it, son?" bungad niya.

Meet my mother. Yorei Tan-Bellandrez. She's always have those intriguing eyes.

Yes, I'm the son of a Dean but I didn't used that to be a King-wannabe in this university or made my own rules and disobey the regulation. I have my reason about that.

"About Jayvion, Mom." sagot ko.

Napabuntong hininga siya at napatayo. Mukhang masama ang kahihinatnan nito dahil sa postura niya.

"Your friend break many school regulations in our university and on University of Pinagpala." panimula niya at napalakad papalapit sa akin. "The committee decided to expell him immediately—" naputol ang sasabihin niya ng tumayo ako.

"What?!" pagkagulat ko. "Ginawa niya lang naman yun para sa—" pinutol niya rin ako ng magsalita siya.

"I'm not finish yet, Yohan! Sit down!" nagagalit niyang tugon kaya agad akong napaupo dahil sa takot sa boses niya.

Sinabi niya sa akin ang lahat ng napag-usapan ng committee at ng committee ng kabilang university. Hindi ako makapaniwala sa naging desisyon nila.

Siguro magugulat din si Jayvion kapag nalaman ito. Pagkatapos naming mag-usap ay nagpaalam na ako sa kanya.

Nang makalabas ako ng office niya ay nakahinga ako ng maluwag bago napatingin sa lalaking nakasandal sa pader. Nilapitan ko siya at sinenyasan niya akong sundan siya.

"Ms. President wants to see you." pagbibigay alam ni Hervy habang naglalakad kami. "Mukhang dito na magsisimula ang sakit ng ulo mo." dagdag niya kaya napaihip na lang ako ng hangin.

Bakit ngayon pa gagawin 'yun ni Ms. President? Napapagod na ba siya sa tungkulin niya? Hays!

"Magiging busy na pala ang mga fourth years ngayon." sambit ko.

"Nga pala, anong nangyari sa kaso ni Jayvion?" usisa niya.

Kaming dalawa ni Hervy ang nag-ayos ng problemang ginawa ni Jayvion. Naalala ko na namang galit na galit siya noong nalaman ang nangyari.

Tumapang bigla nang nalamang naospital na yung reresbakan niya.

"Ayos na 'yun." narinig kong napabuntong hininga siya.

"Nakakadalawa na 'yung lalaking 'yun. Siguro napuno lang si Jayvion kaya ayun pinatulan na siya." komento niya.

"Hindi ganun 'yon. Galit na talaga yun dulot ng ginawa niya kay Alliana." sagot ko at napatingin siya sa akin.

"Nakakatakot talagang magalit si Jayvion, no?" napangiti ako sa sinabi niya. "Nang nainis nga lang siya noong night ball tapos nagsalita na parang galing imyerno yung boses nanginig na ako. Ito pa kayang binaldado niya." kwento niya kaya napatawa ako.

"He just really care for girls a lot." sagot ko at napatapat kami sa isang pinto.

"Ito na ang kailangan mong gawin." sambit niya.

"Kailangan ko na ba talagang gawin ito?" tinatamad kong tanong.

"Oo, matagal ka ng nagtatago kaya oras na para magpakilala sa university." natatawang sagot niya. "Kailangan mo na ring tanggalin yang mga piercing mo sa tainga pati yung sa dila. Magiging mabuting ehemplo ka na para sa university." dagdag niya kaya napabuntong hininga na lang ako.

"Okay, open the door." napayuko naman siya sa akin bago buksan ang pinto.

"Of course, Mr. Real President," maloko niyang sambit kaya napangiti na lang ako bago pumasok sa loob ng kwartong yun.

I don't need to act as the reigning king in the university. Bakit pa ako aastang naghahari-harian kung ako naman talaga ang totoong hari?

Maybe, it's time to sit on my throne and stop disguising as the gangster of the university. It's time to act as king of the university and do my job.

Yes, I'm the real president of the Central Student Government, the highest student committee in the university.

In A Relationship ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon