NAPAMURA ako ng ilang beses sa utak ko bago mapagtanto ang nagawa ko. Tinignan ko si Versailles bago ayusin ang sarili ko."Sorry." paghingi ko ng tawad sa kanya at napatakbo para habulin si Alliana.
Bawat paghakbang ko ay isang mura ang natatanggap ko mula sa sarili ko. Ang gago ko kasi nagawa ko yun sa kanya. Parang pinupunit ang puso ko ng makita kong umiyak siya kanina. Hinanap ko siya sa ball pero wala siya doon.
"Pre, may naghahanap sa'yo. Si Alliana." napamura ako ng biglang sumulpot sa harap ko si Yohan at sinabi yun. "May problema?" pero hindi ko na lang siya sinagot.
Pumunta ako sa pinagparadahan ko ng motor at nagsuot ng helmet. Malamang pauwi na siya. Putek talaga! I start the engine at pinaharurot ang motor.
Tinitignan ko siya magkabilang daan maging sa mga sasakyang makakasalubong at madaraanan ko. I felt so much guilt on myself. Nagawa ko siyang saktan ng sobra.
Tang! I! Na!
Dumagundong ang kalangitan at nagbabadya ng isang malakas na ulan. Mamaya pa ay biglaan na ngang umulan. Kahit basa na ang kalsada ay mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo not minding kung maaksidente ako. Mas inaalala ko si Alliana, kung anong kalagayan niya, kung nababasa ba siya ng ulan.
Bwiset ka, Jayvion! Gago ka!
Dumiretso na lang ako sa bahay nila at baka nakauwi na siya. Pagkarating ko roon ay agad akong nagpunta sa tapat ng bahay nila.
"Alliana!" sigaw ko at hindi pinapansin kung nakakabulahaw na ako ng ibang natutulog. "Nandyan ka ba?!" pero walang sumasagot.
"Hoy!" napatingin ako sa nagsalita at nakita si Geraldine na nakapayong at nakatingin sa akin. "Wala d'yan si Alliana." pagbibigay alam niya.
Napalapit ako sa kanya. "Nasaan siya?" ang bigat na ng paghinga ko dahil sa pagod at pagkagalit sa sarili ko.
"Pinuntahan ka, ah? Hindi ba kayo nagkita?" sagot niya. "Basang basa ka na. Magpalit ka muna." nagpasalamat na lang ako. "May problema ba?" usisa niya pero napailing na lang ako.
"Pakisabihan na lang ako kapag nakauwi na siya." sambit ko at nagtungo na sa motor ko.
Pinuntahan ko naman si Aling Deng at baka nandoon siya. Nang makarating ako doon ay nakita ko si Aling Deng na nakaupo sa isang bangko habang may sinusulat.
"Aling Deng!" sigaw ko kaya napatingin siya sa akin.
Nilapitan ko siya at nagulat siya sa nakita niyang itsura ko. Napatayo siya at hinawakan ang damit ko.
"Anong nangyari sa'yong bata ka?!" bungad niya. "Basang basa ka na, eh! Magpalit ka muna sa loob." aya niya.
"Hindi na po. Napadaan ba dito si Alliana?" usisa ko at tinignan ang loob ng kainan niya.
Naguguluhan siyang napatingin. "Hindi siya napapadaan, bakit?" usisa niya. "Magpalit ka muna ng damit! Magkakasakit ka niyan!"
"Sige po, salamat." umalis ako at tinungo ang motor ko.
"Hoy! Jayjay!" hindi ko na lang pinansin ang pagtawag ni Aling Deng at pinaharurot ang motor paalis.
Ngayon kinakabahan na talaga ako. Baka kung saan na pumunta 'yun.
Ang gago ko kasi!
Madulas na rin ang daan kaya muntikan na akong sumemplang sa bilis ng pagmamaneho ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko o kung saan ko siya hahanapin. Paubos na rin ang gas ng motor kaya mukhang maglalakad na lang ako mamaya.
Binalikan ko na lang ang daan papuntang university at nagbabaka sakaling makikita ko na siya. Nagmamaneho ako pabalik nang mapansin ko ang isang babaeng nakajacket na itim at mabagal na naglalakad sa gilid ng daan ng walang payong kahit naulan.
BINABASA MO ANG
In A Relationship Contract
RomanceA boy and a girl. A very cliché and over used plot and storyline. A boy fall in love with a girl. The girl responded on his love. Just the simple one. The only thing that differs is a contract so read it to know their story.