"Anong laro?" takhang tanong ko dahil wala naman kaming malalaro dito."10 lives." napakunot ang noo ko ng sabihin niya yun. "Think that each of finger in your hand is your life. If I say, minus one to those who love cats then it will be deduction to you if you love cats. First to lose all of life will take a dare or question, gets?" paliwanag niya kaya napatango ako.
"Okay, game!" sambit ko para naman may pampalipas oras kami habang nakaupo.
"You start stating your point." utos niya kaya napaisip ako.
"Ah! Minus one ang matangkad." napangiti naman siya pero hindi niya binawasan ang buhay niya. "Huy! Matangkad ka, ah!" reklamo ko.
"Hindi kaya, may mas matangkad pa sa akin kaya hindi ako matangkad. Be precise, lady." maloko niyang paliwanag kaya napasimangot ako.
"Madaya ka!" napatawa na lang siya.
"Minus one kapag may Alliana sa pangalan." napasimangot ako lalo ng sabihin niya 'yun.
Nagpatuloy ang laro hanggang sa natirahan na lang ako ng dalawang buhay samantalang pito pa ang kay Jayvion. Puro kasi siya kadayaan at laging ako ang nababawasan.
Ngayon, siya na ang magsasalita at malamang isa na lang ang matitira sa akin.
"Minus one kapag mahal si Alliana Haven Armari." nagulat ako sa sinabi niya. "And I left with no lives." naguluhan ko siyang tinignan. "Because I love her every Monday, Tuesday, Wednesday, Thursday, Friday, Saturday and Sunday. Seven days in a week and that's every week. These seven lives aren't enough to fill all the days that I love her." paliwanag niya kaya nagulat ako.
"Sira!" sambit ko at ibinaba ang kamay ko.
"So what's your dare or question?" tanong niya.
Mukhang ginusto naman niya ito kaya napaisip ako. Inisip ko na kaninang magsasayaw siya sa gitna ng kalsada kaso baka mageskandalo pa siya kaya huwag na lang. Tinignan ko siya na mukhang hinihintay ang sasabihin ko nang biglang may pumasok sa isip ko.
"Jayvion."
"Yes, what's your question, lady?" tugon niya.
"Are you going to leave me?" nakita kong nagulat siya sa tinanong ko kaya napatungo ako.
Bigla naman niyang pinitik ang noo ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Of course not, don't think that way." sagot niya.
"Sigurado ka?"
"Nasa kontrata ko yun. Isa 'yun sa magiging dahilan para hindi kita saktan o iwan." sagot niya.
"Ibig sabihin, you're just doing this because of that contract. Ibig sabihin, napipilitan ka lang." malungkot kong sambit.
If I am right, he's just doing this in sake of that contract. That contract is the center of our relationship so we're just on a contractual relationship.
"No!" mariin niyang sagot. "I love you and that's not a lie. Hindi ko pinanghahawakan ang contract na yun para magwork ang relationship natin. Hindi kita iiwan dahil mahal kita, Alliana." dagdag niya.
"Paano kung dumating sa point na hindi mo na ako mahal at napipilitan ka na lang mag-stay because of that contract?" paliwanag ko at naramdamang papaiyak na ako.
Naramdaman kong bigla niya akong niyakap. "Hindi mawawala 'yung pagmamahal ko sa 'yo at kung dumating man sa point na unti-unti na itong nawawala. Iisipin ko kung bakit nga ba kita minahal, bakit nga ba kita pinili. Iisipin ko 'yung pakiramdam nang unang tumibok ang puso ko para sa iyo. Iisipin ko 'yung masasayang araw nating hanggang sa mapuno ulit ako ng pagmamahal ko sa 'yo," sambit niya habang niyayakap ako. "Hindi ako mapipilitan na pakisamahan ka. Ikaw yung pinili ko kaya ikaw yung ipaglalaban ko hanggang dulo." dagdag niya.
BINABASA MO ANG
In A Relationship Contract
RomanceA boy and a girl. A very cliché and over used plot and storyline. A boy fall in love with a girl. The girl responded on his love. Just the simple one. The only thing that differs is a contract so read it to know their story.