Tumayo siya. Papalapit siya sa akin. At sa bawat hakbang niya, pakiramdam ko ay umurong ang dila ko hanggang sa lungs ko.
Nakatayo na siya sa harap ko. Walang salita, pero yung titig niya? Parang nagbabasa ng biodata ko, pati yung mga kasalanan ko nung high school, parang nahahalungkat niya.
Napatingin din agad ako sa flat stomach niya na nakalitaw sa suot niyan hanging sleevless.
How come this girl had a really such nice body? Samantalang ako, isang donut lang, parang tatlong buwan nang buntis?
Napakurap pa ko ng ilang beses.
"Tara na?" Nagising ang diwa ko sa boses ni Emily.
Kasama niya yung nurse na kinausap niya kanina. Nakita kong napatingin na din si Emily sa babaeng mistisa.
"Anong tinitingin-tingin mo?" Sabi agad nang babaeng mistisa habang tinaasang ng kilay si Emily.
Lalo pa siyang gumanda sa malipatan nang mapatayo na din ako sa kinauupuan ko saka tumabi kay Emily.
"And ikaw.. What's your name?" Tanong ng babaeng tumingin sakin saka ngumiti.
Nakakahawa naman ang mga ngiti niya kaya napangiti na rin ako.
"Cecelia, tara na" Nagsalita agad yung nurse na kausap ni Emily kanina saka lumapit sa babaeng mistisa na tinawag niyang Cecelia.
"Don't touch me! Maldita," Singhal agad nung Cecelia sa nurse saka pumiglas sa pagkakahawak ng nurse sa kanya.
"Cruel, you're all cruel," Bulong niya.
She's very pretty.
Ano ba namang naiisip ko, muntik ko ng makalimutan na may problema sa pag-iisip ang taong pinupuri ko at iba pa ang tumatakbo sa isip ko.
Dinala siya palayo, pero hindi niya inalis ang tingin sa akin. Parang may magnet ang mga mata namin.
"Papasok na tayo sa kwarto mo, It's time for your med--" Pumiglas ulit si Cecelia sa nurse at sa pagkakataong iyon ay naitulak na niya yung nurse.
Hala natumba!
"Sabing wag mo akong hawakan! Ayoko na uminom ng gamot!" Sigaw niya sa natumbang nurse.
"Ayaw ko, ayaw ko..ayaw ko!"
Nagwawala na ata siya!
"Tara na dali, Pandora! " Yaya agad sakin ni Emily at hinatak na ako palayo sa nagwawalang pasyente na si Cecelia.
"Pandora?" Tinawag niya ang pangalan ko kaya napatigil ako at napalingon sa kanya.
Lumakad ito papalapit samin.
Parang nag-slowmo ang paligid habang naglalakad si Cecelia patungo sakin.
Her hips swaying like a runaway model. Kung hindi lang 'to mental hospital, iisipin ko talagang nasa fashion show ako.
"Pandora?" Tawag niya.
"Tara na hayaan mo na yan. Maldita, este Matilda ihatid mo na yan sa kwarto niya" Sabi agad ni Emily sa nurse na nakatayo na.
Hindi pa rin maalis ang tingin ko kay Cecelia.
"Pandora, tara na.." Hinatak ulit ako ni Emily saka nag-patuloy sa pag-lakad.
BINABASA MO ANG
Fruitcake Sanctuary (GL)
RomantikSi Pandora Del Rio ay isang registered nurse na magduduty sa Luna De Vista Mental Institute. Isang sanctuario kung saan ang mga babaeng wala na sa katinuan at sariling pag-iisip ang kanilang inaasist at inaalagaan ng mga katulad niyang nars. Sa kany...
