Chapter Thirty Five

11.7K 413 275
                                    

"I can't do this."

Sinuklay ni Cece ang mga daliri niya sa buhok nito at umiling.

Hinimas ko naman ang gilid ng mukha niya, the softness of her face soothing my the back of my hand.

Napatingin naman sakin si Vivi na halatang hindi rin handa na muling bisitahin ang mga magulang nila sa dahilan na maalala pa muli nilang dalawang magkapatid ang kanilang nakaraan.

Nagbuntong hininga muli si Vivi saka nagsalita na ito.

"Yes, we can." Sagot ni Vivi at ngumiti kay Cece

"Nandito lang ako," Bulong ko kay Cece.

Pinagmasdan ko si Vivi na nakaupo sa driver sit, hindi gumalaw ng ilang sandali.

Nang paandarin niya muli ang sasakyan ay napangiti ako at sinuri ang paligid papasok ng sementeryo.

Ang unang nakakuha ng atensyon ko ay ang malaking puno sa bandang gilid ng sementeryo. Madabong ang mga dahon nito at parang ang gandang tambayan dahil sa lilim na ibinibigay ng puno. Something about it filled me with peace.

Dalawang lapida din ang nakita ko sa ilalim ng puno, kulay abo at kumikinang ito kapag natatamaan ng sinag ng araw. Sa isip ko, yun na ang pagmamay-ari ng kanilang mga magulang.

Muli akong bumaling sa magkapatid. Ang mga mata ni Cece ay nakabukas na at nakatitig ng derecho sa tanawin kung saan naka libing ang kanilang mga magulang.

Si Vivi naman ay nanatiling nakatingin sa manebela saka sinulyapan kaming dalawa ni Cece at tinanguan.

"Cece, Vivi" Tawag ko, kinuha ko ang kamay ni Cece at ngumiti kay Vivi.

Hindi naman nakapagsalita si Cece, tumango lang si Vivi.

Hinawakan ko na ang door handle ng sasakyan ni Vivi at nagtangkang lumabas nang pigilan ako ni Cece.

"Sandali lang," Hinila ni Cece ang kamay ko, napahinto naman ako.

"Maybe just give her another minute," Suhesyon ni Vivi.

"Okay,"

Isinara ko ang pinto ng sasakyan at sumandal sa likod ng upuan. Naalala ko ang mga bulaklak sa likod, umikot ako ng katawan at inabot iyon ng isa kong kamay. Pinatong ko yun sa lap ko, hindi ko naman binitawan ang kamay ni Cece.

Sa wakas ay nagbuntong hininga si Cece. Tiningnan niya ako, her irises were cloudy. Ngumiti naman sa kanya si Vivi. Kumawala ito sa hawak ko at kinuha ang bulaklak sakin.

Binuksan nito ang kabilang pinto ng sasakyan saka lumabas, mabilis itong umikot sa kotse at pinagbuksan agad ako. Hindi ko naman maiwasang magblush sa pagiging gentle woman niya.

Lumabas na din si Vivi at agad itong lumapit sa puntod ng mga magulang nila. Kinuha ni Cece ang kamay ko at naglakad na kami palapit sa puno.

Nang nasa harap na kami ng puntod ay napatingin ako kay Cece, nakatitig lang ito sa lupa. Nagbuntong hininga muli ako at napatingin kay Vivi na nakaupo na malapit sa puntod.

Kumawala din si Cece ng malalim na hininga bago ito napatingin sa puntod ng mga magulang nila.

"Okay lang yan Cece," Sabi ko at sumandal sa balikat niya.

Tumango siya at umupo katabi ni Vivi. Hinawakan ni Vivi ang balikat niya saka niya ipanatong ang mga bulaklak sa gilid ng mga puntod ng magulang niya.

Sa kaliwa ay ang puntod ng Mama nila, at sa kanan ay ang sa kanilang Papa. Pinag-aralan ko ang ekspresyon ng mukha ni Cece.

Nangingilid ang mga luha sa mata nito sa sinag ng araw. Si Vivi naman ay hindi rin naiwasang maging emosyonal.

Ang perpekto tingnan ng magkapatid pero sa likod nun ay makikita ang mga kalungkutan at masasakit na dinanas nila sa kanilang nakaraan.

Fruitcake Sanctuary (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon