Chapter Thirty.

11.6K 434 182
                                    

Ang ekspresyon sa mukha ni Doktora Gabe said it all.

Nakaupo lang ako sa upuan ng kanyang clinic, kinakahabang napakagat ako sa kuko ng dalir ko. Sinubukan kong igalaw ang mga paa ko, nakakagalaw naman ako wala akong diperensya, nawalan lang ako ng malay pero nakakagalaw ako, nakatayo, nakakaupo, nakakalagakad, nakakapagsalita.

I'm not even a quadriplegic!

"Your lab work came back," ang mga mata ni dok Gabe ay nakatuon sakin saka bumaling sa aking mga magulang.

Napatigil ito.

Ilang sandali lang, humagulgol na ng iyak si Mama na inaalo naman ni Papa na bakas din ang sa mukha nito ang lungkot at nanggigilid na mga luha.

Hindi parin ako makapaniwala sa mga naririnig ko...

Parang kalokohan lang ang lahat.

Isang malaking kalokohan.

Isa lang itong bangungot.

"There is no known cure for spinocerebellar ataxia, which is considered to be a progressive and irreversible disease, although not all types cause equally severe disability. In general, treatments are directed towards alleviating symptoms, not the disease itself. Many patients with hereditary or idiopathic forms of ataxia have other symptoms in addition to ataxia. Medications or other therapies might be appropriate for some of these symptoms, which could include tremor, stiffness, depression , spasticity, and sleep disorders, among others. "

NO CURE.

PROGRESSIVE.

THERAPHY.

And I was thinking about the total result.

Reality slaps me left and right at may pahabol pang batok.

Hindi na ako napalingon pa sa mga magulang ko para alamin ang mga naging reaksyon nila. Napatitig lang ako ng blanko sa mga paa ko. Parang ilang oras ang lumipas bago muling may nagsalita.

"Ano pa po ang pwedeng maaring options dok?" Tanong ni Papa sa basag nitong boses.

I've known Ataxia and it's a damn curse!

Napaangat ako ng tingin kay Dok Gabe. Napatitig lang ito sa mesa niya, tinanggal nito ang kanyang salamin at ipinatong sa ibabaw ng file ko.

"Around of therapies" Tumingin ito sakin at nagpatuloy "At kailangan kang imonitor, in case na umatake muli ang sakit mo,"

Tumango lang ako, not knowing what to say. Ang bara sa lalamunan ko ay nagpapahirap sa paghinga ko. Narinig ko ang mga ganitong eksena over and over again, at hindi ko eneexpect na ngayon, ako naman ang nasa sitwasyon ng mga pasyenteng inaalagaan ko dati. Hindi to naging madali. Napaupo ako ng tuwid at matapang na nagsalita.

"Kailan ako magsisimula ng theraphy?" Tanong ko, tucking my hair behind my ears. My focus stayed on Dr. Gabe, kapag lalo ako napatingin sa mga magulang ko, I'd break down. And I couldn't do that.

"Monday. but sorry to say, Pandora... you are not permitted as of now to work with the patients anymore,"

****

Ataxia really had the impact to change my whole life and just like that I needed my coping mechanism, gusto kong makita si Cece na maging maayos na ang lagay niya, na makabalik na siya and being with her arms again...she's my cure, pagkatapos kong umalis sa hospital ay nagpaalam muna ako sa mga magulang ko na pumunta ng dorm. Hindi na nila ako pinigilan.

Wala ako sa diwa ko habang naglalakad patungong dorm, pero dinaramdam ko ang bawat galaw, bigat at bilis ng pagkilos ko.

Walang problema sakin!

Fruitcake Sanctuary (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon