TNQ 20: The Cursed Queen*

9.5K 280 20
                                        

*Part 1*

"What the f*ck your talking about?" magkahalong galit at gulat ba sambit ni Lion.

Napayuko ako. Alam kong magugulat talaga sila sa sinabi ko. Inasahan ko na ang bagay na ito. Pero iba pala talaga pag nasa sitwasyon kana.

Tila napipilan ako at sinulyapan si Lian.

Hindi ko mabasa ang nararamdaman niya ngayon. Nananatili pa ding blangko ang ekspresyon niya sa kabila ng narinig.

"Sit down Lion! Let her finish!" utos ni Eagle sa anak.

"So you know all of this and you never care telling us?" baling ni Lion sa kanya. "Oh right! May anak ka nga rin pala sa iba kaya naintindihan mo!" puno ng hinanakit na sambit ni Lion at sinulyapan si Nina.

Napakagat labi ako. Having Nina is a big revelation on Eagle's part pero tinanggap nila ito dahil kaibigan naman ni Lian si Nina. But Aileen is different, she's their enemy.

"Shut up Lion.. Take your seat and let Mommy explain.." walang emosyon na sabat ni Lian. Napabaling sa kanya ang lahat.

Wala namang nagawa si Lion kundi padaskol na muling naupo sa kanyang upuan.

She just sip her wine and look at me. Binigyan ko siya ng isang pinong ngiti bilang pasasalamat.

"Hindi ko maisalaysay ang lahat ng nangyayari sa loob ng taong nawala ako, but i'll tell you my story before i became their prisoner, just like your father.." usal ko at nilagok ang alak.

Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga bago sinimulan ang kwento sa kanila.

****flashback****

24 years ago..

"Good evening! We will soon be landing in Invisible Island. Please turn off your cellphones and fasten your seatbelts.." boses ng piloto mula sa speaker ng eroplano.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga at inihanda ang sarili.

Narito ako ngayon sa isang lugar kung saan napakalayo sa kinagisnan kong bansa. I was born to be a heir at bago ko makukuha iyon ay kailangan ko munang mapatunayan sa kanila na karapat dapat ako sa trono.

They dont exile me but they throw me away to my own palace. Kaya narito ako ngayon, kasama ang iba pang nagnanais na maging matatag at matagumpay, nakikipagsapalaran sa natanggap na imbitasyon.

Sa pagkakaalam ko ay pili lang ang nakatanggap ng itim na liham. Kaya kokonti lang kami na sakay ng eroplano.

Kinakabahan ako sa magaganap. Uu at may kaalaman ako sa pakikipaglaban but being her makes me nervous.

Naramdaman ko ang pagtigil ng eroplano at nagsitayuan na ang mga kasamahan ko sa eroplano.

Tumayo na din ako at kipkip ang bag ay sumabay na ako sa hugos ng pasaherong nagbabaan.

"Welcome to invisible island.. Your home for a month.. I am Ana, your host!"

Sinalubong kami ng isang magandang babae. Sexy ang kasuotan niya at halos litaw ang pribadong parte ng katawan.

Napapasipol naman ang iilan sa mga lalaking naroon.

Nakangising binalingan ito ni Ana.

"Do you find me sexy or hot?" mapang-akit na tanong nito at ikinawit pa ang isang braso sa leeg ng lalaking sumipol.

Tila naman mas lalong ginanahan ang lalaki.

ILYMG Final Book: The New QueenMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon