TNQ 54: Second War (Ragon clan) King vs. Queen

8.1K 267 16
                                        

Louie's POV:

Kaagad na akong lumipad papuntang New York upang makausap si Monique. Kailangan kong malaman ang lugar na kinaroroonan ni Gab.

God! How much im pissed with her dahil kaytagal niya na palang alam kung nasaan ang asawa ko yet she didn't bother to tell me..

Pagkababa pa lang namin ng eroplano ay isang lalaki kaagad ang sumalubong sa amin. Naalala ko siya, siya yung nasa kabilang isla ng invisible island.

"Mr. Aragon? Im Carlos.. Monique is waiting for you.." saad nito at nagpatiuna na sa paglalakad. Sininyasan ko ang mga tauhan ko at sumunod sa kanya.

Dalawang van at isang kotse ang nakaabang sa amin sa labas kaya sigurado akong di basta bastang tao ang kaharap.

Maybe his just like us..

Pinapasok niya ako sa kotse habang iginiya naman niya sa mga kasama ko ang van. Nagbyahe kami sa kahabaan ng NY hanggang sa makarating kami sa isang bahay.

Simple lang ito at di ganun karangyang tingnan, pero malawak ang lupaing nasasakupan at tila bantay sarado ng mga cctv cameras.

Nagsibabaan kami ng kotse at pumasok sa loob. Saglit na umalis si Carlos at pagbalik nito at kasama na si Monique.

"Let's talk at the cottage.." saad ni Monique. Tumango ako at sumunod sa kanila. Pagpasok namin sa sinasabi niyang cottage ay lumabas naman ang dalawang naroon.

Control room pala ang nasabing bahay at puno ito ng mga monitors na nakaset sa buong NY yata.

"Matagal ko ng alam kung nasaan si Gab.. And... I'm sorry for not telling this to you.. Alam kung may misyon kayo ni Lian kaya sinikap kong kusang gumalaw upang hanapin siya at iligtas.." panimula ni Monique.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. I don't know why she's here and having all of these monitors. Pero may duda na ako kung bakit. And im sure Lian is behind it..

"But... But i failed, Louie.." napakagat labi niyang sambit. Napabuntong hininga ako. Tila nanlamig ang katawan ko habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

May kinalikot siya sa keyboard at tila nahigit ko ang paghinga ng lumabas ang isang larawan sa monitor.

"F-uck! Bakit mo hinayaang aabot sa ganyan!?" humulgapos talaga ang kinikimkim kong poot at napasigaw ako sabay bagsak ng dalawang palad sa mesa. Medyo napaigtad pa si Monique sa biglang pag-alsa ng aking boses.

"It's not her fault!" sawata kaagad ni Carlos. Tinaliman ko siya ng tingin. Napayuko naman si Mon.

"Then who's fault it is? Matagal na pala niyang alam kung nasaan si Gab yet she didnt tell me!" nangangalaiti kong tanong.

"Calm down Mr. Aragon.." pilit akong hinawakan ni Carlos pero tinabig ko siya at sinuntok sa panga. Napatili pa si Mon sa ginawa ko.

The hell i care!

Pinahid naman ni Carlos ang dumugong labi at idinura ang dugo.

"Stop it! Louie hindi ko ginusto ang nagaganap. Im so fucosed on my mission kaya natagalan ako sa paghahanap ng paraan upang makapasok sa isla. But i try!" saad ni Mon.

Ikinuyom ko ang kamao at napatiim bagang na lang.

"Then tell me, where is Gabriela?" tanong ko.

ILYMG Final Book: The New QueenMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon