---
Monique's POV:
Katatawag lang ni Brad at sinabing di siya matutuloy sa pagpunta rito kaya nakahinga ako ng maluwag.
Pero ang ipinagtataka ko ay may importante na naman daw siyang misyon galing kay Uno na di niya pweding sabihin. Instead he told me to stay fucosed and keep safe. At hindi iyong pangkaraniwan.
May nangyayari ba na di ko alam?
Kaagad na tumawag ako kay Lian pero di niya ito sinasagot. Mas domoble tuloy ang kaba ko.
"Princess, you need to see this!" biglang sulpot ni Carlos sa sala. Napaigtad pa ako ng konti sa pagkagulat.
"Mahalaga ba yan?" naiirita kong tanong.
"It's about Gab.." sagot ni Carlos na puno ng pag-alala ang mukha.
Napalunok ako at nagpatiuna ng lumabas ng bahay. Ang lakas ng kaba ko habang tinungo namin ang cottage na kasalukuyang tinitirhan ni Carlos at ng dalawa niya pang knight.
Sila kasi ang pinagkakatiwalaan ko sa tracking.
Pagbukas pa lang ng pintuan ay napansin ko kaagad na napalunok sina Dick at Joh nang makita ako.
"Anong meron?" tanong ko kaagad ng makalapit at tumutok sa monitor na nakapalibot sa buong cottage.
Tila nagdalawang isip pa sila na ipakita sa akin ang nadiskubre nila.
"Ano ba!? Sasabihin nyo ba oh paparusahan ko kayong lahat!" tuluyan ng humulagpos ang pagtitimpi ko. Kanina pa kasi ako kinakabahan kaya di nako makapaghintay pa.
Saglit silang nagkatinginan bago kumilos ang kamay ni Joh at nagtipa sa kaharap na keyboard. Mula sa screen ay isang mensahe ang lumabas.
Nanlaki ang mata ko ng makita ang lugar.
Isla Del Rio!
At mas nanginig ang kamay ko ng makita ang lumabas sa screen.
Gabriela......
Tila nanghihinang napaupo ako sa sofa. Ramdam ko ang panginginig ng aking katawan.
Si Gab... Si Gab... Nakahandusay sa damuhan.. Punit ang damit at punong-puno ng pasa. Naliligo ng sariling dugo!
Hindi ko namalayang nag-unahan na pala sa pagpatak ang aking mga luha. Naramdaman ko nalang na hinawakan ako sa balikat ni Carlos.
"H-hindi.. H-hindi totoo yan!" nangangatal ang labi ko pero di ko magawang ialis ang tingin sa screen.
Pinatay ni Dick ang screen.
"Kanina namin yan natanggap. Mukhang alam nila na tinatract natin sila. Kaya iniba namin ni Joh ang system ngayon para di nila matract kung nasaan tayo." paliwanag ni Joh.
"You need to go back to Forks.. Delikado kana rito princess... At isipin mo si Alexa." untag ni Carlos sa pagsawalang kibo ko.
"H-hindi ko nailigtas si Gab... N-napabayaan ko siya..." wala sa sarili kong usal.
"M-monique.. Hindi pa natin siguradong patay na nga si Gab. Ipapahanap ko siya.." usal ni Carlos.
Tumango ako at saka tumayo. Hindi ko alam ang gagawin. Sa unang pagkakataon ay nawalan ako ng ideya sa mga magaganap.

BINABASA MO ANG
ILYMG Final Book: The New Queen
ActionSecond Half: Clash of Empires. I love you, Mr. Gangster book 3 continuation kaya pakibasa nalang po muna sa 1st half.. Mobsters, Mafia and Gangsters.. Three different Empires. Seven different leaders. One Goal.. To rule the world.. Who will win the...