Nick's POV:
Pagkapasok namin ni Rave sa loob ng UA, kaagad na naghiwalay kami ng distinasyon. Tinungo ko ang left wing kung saan kami madalas dumadaan ng BPG patungo sa center ng arena.
Bawat hallway na madaanan ay ikinakabit ko ang isang maliit na micro camera chip sa pader.
Kailangan naming makakuha ng footage sa loob ng arena upang malaman ang galaw ng namamahala dito.
Papaliko na sana ako sa kabilang hallway ng marinig ko ang yabag ng papalapit.
Mukhang isang grupo ang mga ito at nag-uusap kaya kaagad na nagtago ako sa dingding.
Saktong tumapat sila sa akin at nakita kong apat sila. Tila hindi naman nila ako napansin at lumagpas lang sa pwesto ko kaya patingkayad akong umalis sa pagkasandal sa dingding.
Pero saktong pagharap ko ay nakasalubong ko ang isa pa pala nilang kasamahan. Nagulat ito ng makita ako pero kaagad ding nakasigaw.
"May nakapasok!" sigaw nito at sinugod ako ng suntok. Panay naman ang iwas ko. Ayoko sanang mahuli dahil tyak na matatagalan ako pero nakita na nila ako kaya wala ng atrasan pa.
May nagbunot ng kutsilyo at tinangkang saksakin ako pero kaagad na nahawakan ko ang kamay nito at saka inikot at pinilipit. Kasabay ng paggalaw ko papunta sa likuran nito hawak ang braso nito ay isinaksak ko ang kutsilyo niya sa kanyang likod.
"Aaaarrrgggghhh..." napahiyaw ito sa sakit. Binitiwan ko siya patulak sa kanyang mga kasama kaya natumba silang lima.
Mabilis namang nakabangon ang isa at agad na sumugod sa akin.
Pero sumabay na rin ako sa pagsugod niya at tumalon sabay sipa sa kalaban. Parehas kaming bumagsak pero napasuka ito ng dugo ng bumalandara sa dingding.
Tumayo ako at humarap sa kanila.
Nahintakutan namang kaagad na dinaluhan ng apat ang kasama at mabilis na inalis sa harap ko.
Tatalikod na sana ako nang may mapansin ako sa sahig. Kaagad ko itong dinampot at pinagmasdan.
Ano ito?
***
Rave's POV:
Nakalock ang pintuan ng office pero sinubukan ko pa ring buksan ito gamit ang combination code namin dati.
Napangisi naman ako ng bumukas ito. Dumikit ako saglit sa dingding at humakbang papalapit sa cctv. Gumagalaw ito pakanan kaya sinabayan ko ito at lumipat ako sa kaliwa.
Saktong nasa bahagi na ako ng di abot ng cctv kaya mabilis akong pumunta sa vault na nasa gilid.
May CCTV pa ito pero may pipindutin lang sa gilid para maipose ang pagkuha ng video. Ito ang madalas kong gawin pag binubuksan ko ang vault upang di nila makuha ang kumbinasyon nito.
Matapos masigurong nakaset na ang cctv ay mabilis na binuksan ko ang vault gamit ang combinasyong ako lang ang nakakaalam.
Mukhang di pa nga ito nabuksan ng kung sino man ang naghahari harian doon dahil tumambad sa akin ang alikabok pagkabukas ng vault.
Kaagad na kinuha ko ang mga files ng Underground Arena at muling isinara ang vault.
Nakalagay lang ito sa isang brown envelop kaya madali lang bitbitin.
Lalabas na sana ako pero narinig ko ang tunog ng sinumang na akmang papasok sa opisina.
Napatingin ako sa bintana.
BINABASA MO ANG
ILYMG Final Book: The New Queen
AcciónSecond Half: Clash of Empires. I love you, Mr. Gangster book 3 continuation kaya pakibasa nalang po muna sa 1st half.. Mobsters, Mafia and Gangsters.. Three different Empires. Seven different leaders. One Goal.. To rule the world.. Who will win the...
