TNQ 36: His Death

7.8K 236 12
                                    

Gian's POV:

Halos pigilan ko na ang paghinga habang pinagmamasdan ang nakahiga at walang malay na si Jaya.

Puno ng samu't saring aparato ang kanyang katawan at maputla na din ang kanyang itsura.

Mabilis ang hakbang na lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.

"Love.... Im sorry.." mahinang bulong ko at hinalik halikan ang kamay ni Jaya.

One thing i realize mula sa nangyayari sa amin.

I'm in love with Jaya.. So much more than what i feel for Chase..

***

Nina's POV:

Napagkasunduan namin ni Kate na umuwi na lang total naroon na naman si Gian upang magbantay kay Jaya.

Kaagad na sumalubong sa akin si Nian pagkabukas ko ng main door. Kasalukuyan lang pala itong nanonood ng kanyang favorite anime.

"Mommy...!" pasigaw nitong sambit at mabilis na tumayo upang yumakap sa akin.

"Hi baby.. Si Daddy?" tanong ko at naupo sa sofa katabi niya.

Umiling naman si Nian.

"Wala pa po eh.." sagot nito at muling tumutok sa tv.

Tumayo na ako upang magbihis.

"Have you had dinner baby?" pakli ko bago umalis.

"Nope! Hinihintay ko kayo eh.. Para sabay tayo ni Daddy.." sagot nito.

Napatango nalang ako at humakbang na papunta sa silid. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng hagdan ng bumukas ang pintuan.

"Hi daddy.." bati ni Nian kaya napalingon ako.
Humalik pa siya kay Nick bago muling bumalik sa panonood.

"Hubby.. Saan ka galing?" tanong ko ng makalapit si Nick sa akin. Humalik siya sa noo ko bago iniyakap ang isang braso sa aking bewang.

"Im with Rave. Galing kami sa Underground Arena." sagot nito at sinabayan ako sa pag-akyat sa taas.

Napatingin ako sa kanya at bakas ang pag-alala sa aking itsura.

"Ano? Bakit kayo nagpunta doon? Diba iba na ang naghari harian doon?" tanong ko.

Ngumiti naman si Nick.

"Don't worry wifey.. Were safe.. Kami pa rin ang BPG.. The rank 1." usal ni Nick at hinapit pa ako papalapit.

Inihilig ko ang ulo ko sa kanyang dibdib.

Sana nga maging okay na ang lahat at wala ng kaguluhang magaganap..

****

Darius POV:

Nakarating kami sa rooftop sa aming paghahabulan ni Matt.

Mukhang plano niyang tumakas gamit ang isang helicopter na nakaparada doon.

Aakyat na sana siya sa sasakyan kaya pinaulanan ko kaagad siya ng bala.

Nakangising humarap siya sa akin. Nakatutok ang baril ko sa kanya at nakangising nagtaas pa siya ng dalawang kamay.

"The Jung King.. Darius Santiago Jung.. Hindi ko aakalaing ang isang lampang bata na katulad mo ay magiging ganito kaagressibo upang pamunuan ang paglusob sa aking emperyo." pagsasalita nito at humakbang pa pagilid.

ILYMG Final Book: The New QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon