TNQ 43: Pain

7.9K 220 18
                                        

Rave's POV:

Kaagad na lumuwas kami pabalik ng manila pagkatanggap sa tawag na iyon ni Nina. Halos tulala pa din si Lian sa nalaman.

Walang kibo ito habang nakatingin lang sa daan. Buti nalang at di nagkukulitan ang kambal at baka magalit pa ito.

Madilim ang aura ni Lian. Alam konv naguguluhan siya at di pa rin makakapaniwala sa natanggap na balita. Pero si Nina mismo ang tumawag kaya tiyak kaming di ito nagbibiro o nagpaprank lamang.

Ginagap ko ang kamay niyang nakasalikop sa may hita niya gamit ang kanang kamay ko habang nagmamaneho ang kaliwa saka ito pinisil ng marahan.

"You can cry, angel ko.. Just let it go." mahinang usal ko. Nakita ko ang bahagyang pag-iling niya.

"I can't believe it.." usal niya na tila sarili lang ang kinakausap.

Pinisil kong muli ang kanyang palad pero wala akong sinabi kahit isang salita.

Sapat na munang maramdaman niya na di siya nag-iisa..

***

Lion's POV:

Halos tabigin ko ang lahat ng nakaharang sa aking daanan ng makarating ako sa lugar na pinagkakitaan ng bangkay ni Mommy.

Marami ang nakapalibot na mga tao doon pero nacontain naman sila ng mga pulis upang di makalapit pa ng husto.

"Bawal po kayong lumapit sir!" harang ng isang pulis sa akin.

"Fuck! Padaanin mo ako o papatayin kita!" singhal ko sa kanya. Lumapit naman ang isang pulis at may ibinulong sa kasama saka ito umalis sa pagkaharang sa daraanan ko.

Mabilis kong pinasok ang lumang bodega at marami pang nakakalat na pulis din doon. Nakita ko sa semento ang bangkay na nakakalat.

"Nasaan ang mommy ko!?" pasigaw na tanong ko sa kanila. Tinuro naman ng isa ang bangkay na natatakpan ng kumot.

Kaagad na nilapitan ko ito at binuksan ang kumot..

F**k! F**k! F**k!

Nagtagis ang bagang ko sa nakitang itsura ng aking ina. Halos di na makilala ang mukha nito sa damk ng pasa at sugat.

Naikuyom ko ng mahigpit ang kamao at buong lakas na isinuntok sa sahig upang mailabas ang emosyong namumuo sa dibdib ko. Nagkaroon naman ng bitak ang semento at napatigil pa ang tangkang paglapit ng mga pulis sa akin.

Matapos maibuhos ang naramdaman ay dahan dahan kong

"Sinong nakakita sa naganap dito?" tanong ko sa kanila. Saglit pa silang nagkatinginan bago itinuro ang isang matandang nakaupo sa may dulo ng bodega. Nakatungo ito habang kausap ang mga pulis.

Lumapit ako sa kanila at tiningnan ang matanda. Nakatungo pa din ito. Basta ko lang siyang pinagmasdan at di na ako nagsalita.

"Dadalhin na po namin ang mga bangkay Mr. Vena.." paalam ng isang pulis.

Tumango ako..

Tahimik akong sumunod sa kanila sa morgue. Alam kung sa mga oras na ito ay pabalik na ng maynila si Lian.

Whoever did this to you, i swear.. I'll hunt you till death..

***

Nick's POV:

Shock pa rin kami hanggang ngayon sa nalaman. Taga ospital na ang tumawag sa amin na naconfine doon sina Phantom at Eagle matapos maambush ang kanilang sinasakyang kotse.

ILYMG Final Book: The New QueenMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon