Lian's POV:
Nakailang oras na ako sa harap ng computer at hinahanap ang butas ng mga reports na ipinasa sa akin. Masakit na ang ulo ko dagdag pa na wala pa akong sapat na tulog mula kahapon sa pagbabantay kay Aileen.
Yeah, nagpresenta akong bantayan siya. Hindi ko rin alam kung bakit ko iyon ginawa but maybe blood is really thicker than water.
Nakita ko ang ginawa niyang pagligtas kay Nina and im thankful of that.
Isinandal ko ang likod sa upuan at hinilot ang sentido. I need to find out kung sino ang lumusob sa amin.
Marami akong maaaring maging suspect because all of high ranks in mafias are there. And Rave is also there. Kaya mas nagiging mahirap ang pagkalap ko ng impormasyon.
Who could have done that?
A mafia?
Or a gangster?
Uu nga pala.. Simula ng maging Uno ako ay di pa ako nadadalaw sa underground society at arena ng mga gangsters..
Rave's been busy too dagdag pa na nakisali sa eksena si Leen..
Tok.. Tok.. Tok....
Napaayos ako ng upo ng bumukas ang pintuan at bumungad si Dos.
Umarko pa ang kilay ko pagkakita sa hawak niyang boquet of flowers.
"Hi! Yayayain sana kita for a date pero mukhang im late na.. Here! Someone delivered this for you.. Ako nalang ang nagpresentang magdala." sambit niya at ipinatong ang bulaklak sa ibabaw ng mesa.
"So this is not yours?" tanong ko.
Ngumisi naman siya.
"Why? Are you expecting me to bought you flowers? I can do that.." may himig panunuksong usal niya.
Inirapan ko siya at kinuha ang card sa bulaklak.
"Nah! Sayang ang pera mo.. Malalanta din naman.." sagot ko.
Napahalakhak naman siya at napailing iling.
"Just as i expected.." sagot niya na tila sarili lang ang kinakausap.
Binasa ko ang card.
Walang nakalagdang pangalan doon but the message alone tells me who sent the flowers.
Im sorry, im really sorry.. Alam kong nasaktan kita ng labis sa ginawa ko. I failed my promise to Love you and be faithful.. I know you hated me for that.. But im still hoping for another chance. Like the second life you've given me.. I Love you, my Angel. I really do..
Napalunok ako ng ilang beses sa nabasa.
Itinabi ko ang card sa loob ng bag at muling hinarap ang computer. But i can't concentrate now. Bumabalik sa isip ko ang message sa card.
Sinulyapan ko si Dos na nagbabasa ng magazine. I know he's just watching me secretly.
"Bakit ka nga pala narito? Don't tell me its just a friendly visit coz we're not friends either. Wala akong kaibigang nagtatago ng sekreto sa akin." usal ko.
Tumawa naman siya at ibinaba ang hawak na magazine.
"I'm just following the rules Lian.. But so much for that. Gusto kong ipaalam sayo na kasalukuyang paparusahan ng pentagon ang mga knights mo.." kaswal na sabi nito.
Napatayo ako sa sinabi niya.
"What?! My knights? Why?" sambit ko at mabilis na tinungo ang pintuan.

BINABASA MO ANG
ILYMG Final Book: The New Queen
AksiSecond Half: Clash of Empires. I love you, Mr. Gangster book 3 continuation kaya pakibasa nalang po muna sa 1st half.. Mobsters, Mafia and Gangsters.. Three different Empires. Seven different leaders. One Goal.. To rule the world.. Who will win the...