Lian's POV:
Marahan kong inilapag ang dalang bulaklak sa ibabaw ng lapida at saka naupo sa damuhan.
Tapos na mommy.. Wala ng gyera.. Sana andito ka.. I miss you mom.. Konting panahon lang na nakasama kita but its worth the fight..
Hinaplos niya ang pangalan na nakatatak sa lapida.
Lara Yoon
I still don't get him. Why declare a war against us gayong mahal na mahal ka naman niya..
Humugot ako ng isa pang buntong hininga at saka pumikit at tumingala. Malamig na ang simoy ng hangin tanda ng nalalapit na kapaskuhan.
"Lets go.. Susunduin pa natinang kambal.." marahang haplos sa aking balikat ang nagpamulat ng aking mata.
Bumungad ang nakangiting mukha ni Rave. Maaliwalas ang itsura nito pero banaag ang maawtoridad na aura sa suot na black suit. Nakaluhod ang isang paa niya habang nakatingin sa akin.
"What are you thinking?" tanong ko ng mapansin ang pagtitig niya.
Muling bumahid ang matamis na ngiti sa kanyang labi.
"I'm just so happy that you are mine.." sagot nito at nauna ng tumayo. Inabot niya ang kanyang palad upang patayuin na din ako kaya tinanggap ko ito at hinila naman niya ako patayo.
Pinagpag ko muna ang mga kumapit na damo sa aking damit bago ikinawit ang aking braso sa kanyang bewang.
"Tara hubby. Baka mainip na naman yung dalawa at maisipang magtaxi." aya ko at sabay kaming napatawa.
Yeah.. Mainipin ang kambal namin at kaagad na nagpapatawag ng taxi kapag natagalan sa pagsundo. Di na natakot na baka kung anong mangyari sa kanila gayong theyre both only 4yrs old.
Sabagay.. Hidden bodyguards are always alert naman at di iyon alam ng kambal. Di kasi namin pinapalapit sa kanila upang di sila masanay na magtiwala sa di nila kakilala.
At gaya nga ng inasahan namin, nakabusangot na ang mukha ni Xyra habang nakaupo sa bench. Wala namang reaksyon si Xavier na naglalaro lang sa kanyang ipad.
"Hi baby..." bati ko sa dalawa at hinalikan sila isa isa.
"Youre late.." nakasimangot na sambit ni Xyra.
"Sorry.. May inasikaso lang.." natatawang sagot ni Rave at kinindatan ang anak.
"My, darating ba ngayon ang mga Tito at Tita kasama ang mga babies nila?" tanong ni Xavier.
"Yup.. They're already there.." sagot ko.
Bumahid ang manipis na ngiti sa labi nito. Tila may ibang naiisip.
Kambal man sina Xyra at Xavier ay kakitaan mo talaga ng pagkakaiba. Xavier's like a male version of me and Xyra is like Rave too. Both kids are bubbly, and should i say.. Deadly.
Pagkapasok namin sa gate ng mansion ng mga Vena ay pansin kaagad ang magrabong ilaw at dekorasyon sa paligid.
Parinig na din ang maingay na tugtugin mula sa loob.
Nasa may garden sa harapan sina Darius at Brad kaya pagkababa pa lang namin ng kotse ay kaagad na silang nakalapit.
"Good evening young lady.. Its good to see you again, queen..Rave pare.." nakangiting bati ni Darius. Nakipag fist bump din siya kay Rave.
BINABASA MO ANG
ILYMG Final Book: The New Queen
AcciónSecond Half: Clash of Empires. I love you, Mr. Gangster book 3 continuation kaya pakibasa nalang po muna sa 1st half.. Mobsters, Mafia and Gangsters.. Three different Empires. Seven different leaders. One Goal.. To rule the world.. Who will win the...
