TNQ 60: The Man Behind the Chaos

8K 250 10
                                    

Lian's POV:

Tahimik lang ang byahe namin papunta sa Supreme Empire na nasa pinakagitna ng syudad ng NY. Hindi ko nga mawari kung bakit nasa ganoong lugar nakatayo ang isang gusali ng mafia ni Supremo. But i know that they were doing good in business.

Walang imik din ang mga nakabantay sa akin at tila lagi talaga silang alerto sa akin.

Nag smirk ako ng makita ang pagsulyap ng driver sa akin.

"Your too small for a leader.. Are you sure your the real Uno?" matalim ang tingin niya sa akin.

I chuckled.. At mas lalo akong napahalakhak ng magtiim pang lalo ang kanilang mga bagang.

Hindi ako sumagot na mas lalo pa nilang ikinainis.

Tss... Mahina naman kayo kumpara sa akin..

I just watch the city as we pass by. Napakaganda talaga ng syudad na ito. Someday, i will live her with Raven and the twins.

Naramdaman ko ang pagtigil ng aming sasakyan kaya umayos na ako ng upo.

"Get out!" singhal ng isang kasama namin. Tinaasan ko lang siya ng kilay at bumaba na ako sa kotse.

So this is the Empire..

Napakatayog ng gusali na nasa limampu yata ang bilang ng palapag. Maraming tao din ang labas masok sa malaking salaming pintuan. May malaking SE pa ang nakalagay sa pinakagitna ng gusali.

Pumasok na kami sa loob at kita kong marami pala talagang opisina sa buong lugar. May nakalagay sa isang bahagi ng wall kung ano anong kumpanya ang matatagpuan sa buong gusali at napakarami nito.

I wonder kung kasapi din ba sa mafia ang mga nakapwesto sa building.

Ang VenaCorp kasi ay di naman ganito katayog. Limang palapag lang ang buong building at kami lang ni Lion ang namamahala.

Samantalang ang buong Crimdin Academy and Mafilos ang front ng mafia ko.

Ang San Diego Corp. ang sadyang malaki dahil nasa 30 ang palapag nito pero kasama na doon ang Underground Arena.

"Get inside!" utos ng lalaki na kanina pa tumutulak sa akin. Sarap balian ng kamay.

Pumasok kami sa isang elevator pero nagtataka ako ng imbes na paangat ay pababa kami.

Nang tumigil ang elevator at bumukas ito ay bumungad sa akin ang isang madilim dilim na kweba.

Naglakad pa kami ng ilang metro hanggang sa marating namin ang maliwanag na bahagi. May palapag pa pala sa ilalim ng empire! At mas malawak yata ito kesa sa itaas.

Pinanatili kong blangko ang aking itsura kahit pa sobrang namangha ako sa aking nabungaran.

Naroon ang lahat ng tipikal na lugar ng isang mafia!

May pagawaan ng armas, droga at iba pang illegal na negosyo. May arena din sa isang bahagi. At isang silid na may iba't ibang gamit na tila torture room..

Kung ganun ay malupit talaga ang isang Supremo..

Pumasok pa kami sa isang silid at bumungad sa akin ang sampung kababaihan na halos hubad na at palakad lakad sa buong silid.

May iilan pang sinuri ako ng tingin saka umismid. I don't give a damn! Pinanatili kong blanko ang mukha.

I'm not cheap like you duh!

"Oh! So you're here!" isang malakas na boses ang narinig ko at tumoon ang tingin ko sa malaking sofabed na nasa gitna ng silid. Maraming naglalampungan doon na babae at pinapalibutan siya.

ILYMG Final Book: The New QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon