A/N: hello readers! Namiss nyo ba ang update? Well patas lang tayo. Ayaw nyo mag cooperate eh. Dapat pag may quota vote agad. Isang pindutan lang naman.
Gab! Wag kana magmarakulyo dyan! Hahaha.. Aawayin mo pa ang mga readers.
So heto na.. Wala ng quota. I hate it.. Choss!
---
*Part two*
~~Still a flashback~~
Naging matagumpay si Lara sa larangan ng pagiging assassin. Kahit ba malayo ito sa pinangarap niyang buhay bilang tagapagmana ng Yoon empire.
Labis din naman siyang nag-enjoy sa gawaing ito. Dahil di lamang siya basta basta pumapatay ng kung sino sino, but she's helping the government.
Nililinis niya ang mga salot sa lipunan, kahit pa sabihing mga kalaban lang ng mafia ang tinatarget niya.
She became famous not only in Philippines but in whole world. Lahat takot sa kanya. Marinig lang ang pangalang cursed queen ay nanginginig na sa nerbyos ang mga tiwaling mayayaman.
Pero lahat ng ito ay itinago niya sa angkan. Alam niyang masusuklam sa kanya ang kanyang magulang sa oras na malaman ang tungkol rito.
---
"Target spotted!" bulong ni Lara sa microchip na nakakabit sa may tainga niya.
Nasa itaas siya ng building katapat ang building ng kanyang susunod na target.
Inayos niya ang pagkakabit ng armas na gagamitin. Mula sa eyepointer nito ay nakita niya ang paglabas ni Mi Yurong, ang chiness businessman na domobol cross kay Supremo.
Papasakay ito ng elevator kasunod ang mga guards nito.
Pero nakahanda na si Lara at pulido na ang kanyang mga plano.
Pagkapasok ng intsik ay kaagad na pinindot ni Lara ang switch na hawak na nakakonekta sa lahat ng wirings sa buong building. Kaagad na nagsara ang elevator kahit di pa nakapasok ang mga guards nito.
Nagulat ang intsik at nagpaikot ikot ng tingin sa buong silid.
Kahit anong pindot niya ay di mabuksan ang pintuan ng elevator. Isa pang switch ang pinindot ni Lara at bumulusok na paibaba ang elevator na tila mahuhulog.
Nataranta ang intsik at halos mangingisay na ito sa takot. Panay ang kalampag nito sa loob.
Ngumisi lang si Lara.
"Queen.. Change of plan!" boses ni Phantom ang narinig sa kabilang linya kung saan nakakonekta ang kanyang earpiece.
"So, whats the changes?" tanong niya.
"Blow the building!" napakunot noo si Lara sa narinig.
"Pati mga sibilyan madadamay.." angil niya.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Phantom bago sumagot.
"Thats an order.." tanging usal nito at naging blangko na ang kabilang linya.
Saglit na nagdalawang isip ang dalaga. But its an order from Supremo. Sa ayaw at sa gusto niya ay gagawin niya iyon dahil ang bawat pagsuway sa utos nito ay may kapalit na kaparusahan.
Iniligpit ni Lara ang baril at inilabas ang laptop. Mula rito ay lumantad sa kanya ang buong blue print ng katapat na building.
May mga bahagi nito na may pulang marka. Kaagad na ini on niya ang lahat ng pulang marka hanggang sa lahat ay naging kulay green.
BINABASA MO ANG
ILYMG Final Book: The New Queen
AcciónSecond Half: Clash of Empires. I love you, Mr. Gangster book 3 continuation kaya pakibasa nalang po muna sa 1st half.. Mobsters, Mafia and Gangsters.. Three different Empires. Seven different leaders. One Goal.. To rule the world.. Who will win the...