TNQ 12: Doubts

9K 249 41
                                        

Gian's POV:

Napapangiti talaga ako sa tuwing maalala ang kakulitan ni Jaya. Ive never thought na aabot kami ng two months sa kabila ng pagiging aso't pusa namin sa tuwing kami'y magkasama.

And now im here in the SC mall. Bibili ako ng gift para sa nalalapit na naming monthsary.

First time kong mag effort ng ganito dahil noong first month namin ay nagmmaktol talaga siya at nakalimutan ko daw. Malay ko bang may mga ganyan na palang celebration ngayon.

Flashback..

"Hi love, wala ka bang regalo para sa akin? Di mo ko idedate?" naglalambing na tanong ni Jaya sa akin at nakayakap pa sa aking bewang. Dinalaw ko siya sa kanila at nasa terace nga kami ng kanilang bahay.

Napakunot noo ako.. Date? Gift? Birthday ba niya at nakalimutan ko?

Binalingan ko siya at pansin ko nga na bihis na bihis at magandang maganda si Jaya.

"Bakit? Birthday mo ba love?" tanong ko at pilit na inalala kung anong okasyon.

Nanlaki naman ang mata niya at maya maya ay nagkandahaba na ang kanyang nguso.

Patay! Mukhang aawayin na naman ako nito..

"Gian Ford! Akala ko ba nagkanobya kana! Bakit ang tanga mo pa din!? Monsary natin! O baka naman di mo naalala ang bagay na iyon? Hmp!" asar na sambit niya at saka nagwalk out.

Monsary?! Meron ba nun?

Kaagad na hinabol ko siya at halos umabot kami ng isang oras na suyuan bago ko naiwala ang tampo niya sa akin.

End of flashback..

Kaya ngayon, habang may oras ako ay inasikaso ko na talaga ang bagay na iyon.. Pambawi na din sa kapalpakan ko nun..

Aabutin ko na sana ang isang damit nang may isa pang kamay na kumuha dito.

Napatingin ako sa babaeng katabi.

Chase?

"Oh, don't tell me, pambabae na ang hilig mo Gian.." nakangising sabi ni Chase.

"Nah! Im just buying a gift for my girlfriend.." pasimpleng sagot ko.

Nakita ko ang paggalaw ng kanyang mga panga.

"Oh! How sweet of you.. Mukhang nag-iba na yata ang paraan mo sa pag-aalaga ng nobya.." may halong pang-uuyam na usal niya.

Ngumisi din ako sa kanya..

"Matagal na akong sweet Chase.. Di mo lang ako binigyan ng chance na ipakita ito.." sagot ko at natigilan siya sa sinabi ko. "So, excuse me.. May hinahanap pa ko.." paalam ko sa kanya at tumalikod na.

Sayang Chase, kung di ka sana naobsess kay Sniper, maybe we are celebrating together like this.

****

Nina's POV:

Derederetso akong pumasok sa loob ng bahay. Nagpupuyos ang damdamin ko matapos malaman ang lahat ng panloloko na ginawa ni Nick.

Nang makita ko kasi siya kanina with that girl ay dumeretso ako sa kompanya nila at inalam ang mga detalye ng travel niya abroad.

And i guess right. Di official travel ang mga trips niya. At iisa lang ang palagi niyang pinupuntahan.

That girl..

Ni hindi ko magawang ngumiti sa mga katulong na nakasalubong ko.

Buti nalang at wala pa si Nian pagdating ko ng bahay. Hindi ko kasi alam kung kaya ko bang pigilan ang damdamin ko ngayon.

ILYMG Final Book: The New QueenMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon