TNQ 32: Verdict

8.2K 231 10
                                        

A/N: Sorry sa delays ng updates.. Medyo busy busyhan lang ang inyong magandang otor(ahem! Ako yun! ^_^)

So eto na guys enjoy..

Vote and comments afterwards..

****

Angela's POV:

Pasimple kong pinagmasdan ang katulong na naghahanda ng hapunan. May nabuo na akong plano kung paano sisirain ang mga taong kinamumuhian ko.

And i'll start it by making them suffer.

"Manang tulungan ko na po kayo.." presenta ko sa kusinera na abala sa paghahalo ng kanyang niluluto.

Ngumiti naman ito na bumaling sa akin.

"Aba'y kung hindi ba nakakahiya sa inyo mam edi sige po.. Malapit na din kasi ang hapunan at di pa ko natatapos dito." masayang sabi nito.

Lumapit ako sa kanya at kinuha ng sandok na hawak niya.

"Ako na po ang maghahalo.." sambit ko.

Hinayaan naman ako ni Manang kaya napangisi ako ng lihim. Hinalo-halo ko kunyari ang sabaw pero sinulyap sulyapan ko ang katulong at ng makitang abala na ito sa paghihiwa ay kaagad na inilabas ko ang maliit na botelya mula sa bulsa ng aking damit at ibinuhos ang laman sa kumukulong ulam.

Napangisi ako at saka ito hinalong muli.

"Anong ginagawa mo jan, Angela?" biglang sambit na nakapagpagulat sa akin. Muntik ko pang nabitiwan ang botelyang hawak sa loob ng kaldero.

Hinamig ko muna ang sarili bago humarap sa nagsalita. Pasimpleng inilapag ko ang sandok at inilagay ang kamay sa bulsa upang maitago ang maliit na botelyang hawak ko.

"Ahhh... Tinutulungan ko lang po si Manang.. Di pa kasi siya natatapos." sagot ko at nginitian si Kate.

Lumapit naman siya sa tabi ko at tinitingnan ang nakasalang na ulam.

"Manang pagkaluto niyo maghain na din kayo at baka gagabihin pa si Lion.." bilin nito sa kusinera.

Tumango naman si manang at itinuloy na ang ginagawa.

"And Angela, huwag ka na jan at baka mapaso kapa.." pakli nito sa akin.

"Yes tita.. Susunod na po ako.." sagot ko at nginitian ito. Pero pagkatalikod nito ay napaismid ako.

Akala mo kung sino kung makaasta.. Di naman siya ang nararapat na nagrereyna reynahan dito. Kung di lang nila pinatay ang mama ko, malamang na kami na ang nakatira sa mansiong ito. Mang-aagaw ka Kate! Kaya ikaw ang uunahin ko!

Napakuyom ang kamao ko at saka mabilis na lumabas ng kusina. Di nila dapat mapansin ang mga bugso ng aking damdamin.

Di pa dapat nila ako mahalata. Kailangang makakilos ako ng husto bago sila maghinala..

***

Darius POV:

"Papa!" nagmamadaling tumakbo palapit sa aking si Darrene at saka mabilis na yumakap sa bewang ko.

Napangiti naman ako at ginulo ang buhok niya.

"Sobra yata akong namimiss ng binata ko ah.." natatawang saad ko.

Pero imbes na matawa ay iba ang nakita ko sa itsura niya. As if he's worried.

"Papa, si mama nawawala.." mahinang sabi nito pero tila bomba itong sumabog sa aking pandinig.

ILYMG Final Book: The New QueenMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon