3rd Person POV:
Bang! Bang! Bang!
Magkasunod na tumama sa sentro ng target ang bala na nagmula sa baril na hawak ni Lian. Kasalikuyan siyang nasa loob ng target shooting arena at inilalabas ang stress na nararamdaman.
Sa loob kasi ng ilang linggo niyang pamamalakad niya sa mafia ay may natuklasan kaagad siyang mali sa mga nasasakupan lalo na sa may matataas na posisyon.
Nais niyang magpatawag ng isang malaking pagpupulong pero wala ni isa mang sumulpot sa mga inimbitahan niya.
Bang! Bang! Bang!
Muli ay magkasunod na inasinta niya abg gumagalaw na target. Lahat ng mga ito ay sapul sa ulo kahit pa malayo ang distansya mula sa kanyang kinatatayuan.
"Excuse me, Uno. Nasa labas na po si Ayako.." pagbibigay alam ng isang tauhan ni Lian.
Si Ayako Kuamura ang isa sa knights ni Lian bilang Uno. Ito rin ang naatasan niya upang siyasatin ang mga katiwalian sa loob ng mafia.
May sarili na kasi siyang knights dahil ang Serenity Gang ay pag-aaei ng queen ng North Korea.
Ibinaba ni Lian ang hawak na baril at tinanggal ang salamin sa mata saka lumabas ng silid na iyon. Kaagad namang tumayo si Ayako at nagvow pagkakita sa kanya.
"Narito na ang iyong mga kailangan, Uno.." usal ni Ayako at inabot ang isang folder kay Lian. Kaagad naman niya itong tinanggap at pinasadahan ng tingin.
Napangisi siya matapos mabasa ang nilalaman ng folder.
Kagaya pa rin ito ng mga misyon ko dati..
Muli niyang isinara ang folder.
"Ipatawag mo ang knights at may pag-uusapan tayo." utos ni Lian..
Kaagad namang sumunod si Ayako at lumabas na ng gusali.
Nagtungo naman si Liansa kayang opisina sa mafia mansion.
So, this is it! Magwawalis na tayo ng kalat...
***
3rd Person POV:
Mula sa madilim na iskinita ay nakaabang ang apat na kalalakihan. Bawat isa ay nakapwesto at handa sa anumang magaganap ng gabing iyon. Tanging mga mata at kamay lang nila ang nag-uusap.
Sa gabing ito, tatapusin nila ang kanilang misyon.
Maya-maya pa ay may dumating na isang sasakyan at pumarada sa building na katapat ng pinagtataguan nila.
"Walang kwenta talaga ang mga gagong iyon.. Ambilis nating napatumba ng walang kahirap hirap.. Nasa atin na naman ang kanilang negosyo... Hahahaha..." malakas na sambit ng isa at humugot naman ng sigarilyo sa bulsa saka inilagay sa bibig. Mabilis namang nag-abot ng lighter ang tauhan nito at sinindihan ang sigarilyo niya.
"Boss, paano pag natuklasan ito ni Uno? Malalaman niyang dinobke cross natinang kapwa mafia at nakipagsabwatan pa tayo?" tanong ng lalaking nagsindi sa kanyang sigarilyo.
Ngumisi naman ang tinawag na boss..
"Wala siyang malalaman.. Baguhan pa lang si Uno at madaling bilugin ang ulo.." usal nito at tumawa pa ng malakas.
Naghalakhakan naman ang kanyang mga tauhan at lumakad na sila patungo sa dereksyon ng apat.
Nang makitang papalapit na ang mga ito ay pasimpleng lumabas ang isa sa apat na lalaki. Nakasuot ito ng purong itim at nakatakip pa sa mukha nito ang hood ng jacket.
BINABASA MO ANG
ILYMG Final Book: The New Queen
AcciónSecond Half: Clash of Empires. I love you, Mr. Gangster book 3 continuation kaya pakibasa nalang po muna sa 1st half.. Mobsters, Mafia and Gangsters.. Three different Empires. Seven different leaders. One Goal.. To rule the world.. Who will win the...