Gian's POV:
Blaggg!
Napatingin ako sa baso na hawak hawak ko lang kanina at ngayon ay basag na at nagkapino-pino sa sahig.
Isang pangalan kaagad ang pumasok sa aking isipan at naghatid sa akin ng matinding kaba.
Jaya..
Kanina pa ko pabalik balik sa bahay niya pero wala akong nadadatnan. Mukhang di pa siya nakauwi.
Nagvibrate ang cp ko sa bulsa kaya dali dali ko itong kinuha.
Napakunot noo ako ng makitang si Nina ang tumatawag. Hindi naman kasi ito tumatawag sa akin unless mahalaga ang pakay.
"Nin? Napatawag ka?" bungad ko agad pagkasagot ko sa cellphone.
"Gian... Si Jaya.." basag ang boses ni Nina na halata ang pag-iiyak.
"Jaya?? Nasaan si Jaya? Napaano siya? Andito ako sa bahay niya.." sunod sunod na tanong ko.
Napahikbi naman si Nina at panay pa ang sigok nito.
Mas lalo tuloy akong kinabahan.
"Si Jaya.. Andito siya sa ospital.. Naaksidente siya Gian!" sambit ni Nina at muling napahagulhol ng iyak.
Muntik ko ng mabitiwan ang cp ko sa narinig.
F*ck! Kaagad na lumabas ako ng bahay at tinungo ang sasakyan saka mabilis na pinasibad ang kotse papunta sa ospital.
Damn! Kung may masamang nangyari kay Jaya, di ko mapapatawad ang sarili ko..
***
Nina's POV:
Kanina pa ako iyak ng iyak matapos malaman ang nangyari kay Jaya. She's still in ICU at di pa nagigising.
Lubos na akong nag-aalala sa kanya.
Buti nalang at sinigurado na ng doktor na nasa mabuting kalagayan na nag aking kaibigan.
"Friendships!" tawag sa akin ng humahangos pa na dumating na si Kate. Kaagad na nagyakap kaming dalawa.
"Buti tinawagan mo ko.. Kumusta na siya?" tanong ni Kate ng maghiwalay kami sa pagkayakap at saka sumilip sa malaking salamin ng ICU.
"Sabi ng doktor okay na daw siya. Hihintayin nalang na magising bago ilipat sa silid niya." sagot ko.
"Si Jaya!?"
Sabay kaming napalingon ni Kate kay Gian. Kaagad na lumapit ito sa pintuan at pinihit ang knob kaya pinigilan ko siya.
"Isuot mo muna ito.." sambit ko sabay abot ng blue ICU gown sa kanya. Isinuot naman niya ang ibinigay ko at tuluyang pumasok sa loob ng silid.
Binalingan ko si Kate.
"Tara muna sa silid na kinuha ko kay Jaya, hayaan muna natin sila.."
***
Gab's POV:
Naasar ako kay Louie.. Nakauwi nga kami sa Pinas pero di naman kami namamasyal sa mga kaibigan namin dito.
Namimiss ko na sila.
Kahit pa sabihing di naman kami gaanong close ng grupo ni Nicnic pero maganda naman ang pakita nila sa akin at masaya silang kasama.
Wala naman akong makontak sa kanila dahil bago na ang cp ko at wala na ang dating simcard nito.
Si Monique naman ay wala dito sa pinas. Kaya ang sister, mag-isa akong nag gagala dito..
Haaaayyy... Such a boring life..
BINABASA MO ANG
ILYMG Final Book: The New Queen
AksiSecond Half: Clash of Empires. I love you, Mr. Gangster book 3 continuation kaya pakibasa nalang po muna sa 1st half.. Mobsters, Mafia and Gangsters.. Three different Empires. Seven different leaders. One Goal.. To rule the world.. Who will win the...
