TNQ 41: Alliance

8K 221 13
                                    

Welcome to the Philippines our beautiful admin Mhel (mhaldita78) ;)

---

Wala po itong action..

----

Lian's POV:

Mabilis ang pag-alis namin sa mansion gamit ang kotse ni Rave na ito pa mismo ang nagmamaneho. Hindi ko alam kung saan ang punta namin pero tahimik lang ako at nakikiayon sa kanyang mga plano.

Bakas naman sa mukha ng kambal ang excitement sa aming bakasyon. Nagkukulitan pa ang mga ito na nakaupo sa likuran namin.

"Xavier! Turuan mo akong lumangoy ha?" nangungulit na boses ni Xyra. Sa edad nitong mag aapat ay medyo bulol pa itong magsalita.

"Tss.. No! Youre supposed to learn that in school.." angal naman ni Xavier.

Napapangiti nalang ako. Ginagap naman ni Rave ang isang kamay ko and he intertwind our fingers.

"Manang-mana talaga sayo si Xavier.. Nakapamainitin ng ulo.." pabirong bigkas ni Rave. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"I'm not! Im just silent type.." sagot ko.

He just chuckle..

Ipinikit ko ang aking mata. Inaantok na talaga ako at magkahalong pagod at puyat pa ang dinanas ko kagabi.

Saka ko nalang sasabihin kay Rave ang nangyari kay Aileen..

Di ko namalayang tuluyan pala akong nakatulog. Nagising ako sa marahang haplos sa aking pisngi.

Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Rave.

"Were here.." usal niya. Umayos ako ng upo at tiningnan ang kambal. Mahimbing din ang tulog nila.

Bumaba na si Rave sa kotse at ipinagbukas ako ng pintuan. Pagkababa ko ay saglit kong inilibot ang tingin sa paligid.

Medyo mataas na ang sikat ng araw pero may mga turista pa rin sa tabing dagat.

Napakunot noo ako ng makita ang beach house.

Familiar sa akin ang lugar na ito..

Bumaling ako kay Rave.

"Welcome back to Pangasinan.." tila tourist guide na saad ni Rave. Natatawang naiiling nalang ako at binuksan ang backseat.

Kinarga ko si Xyra habang kinarga naman ni Rave si Xavier.

Pumasok kami sa beach house na pag-aari ni Rave. Inayos muna namin ang kambal bago binalikan ang gamit sa kotse.

Napangiti ako habang pinagmasdan ang kabuohan ng beach house.

So many memories.. Sweet and nice to remember...

---

Jaya's POV:

"Love saan tayo? Your place or my place?" tanong sa akin ni Gian. Ngayon kasi ang labas ko ng ospital at ayaw niyang iiwan akong mag-isa sa bahay. Di pa kasi ako maayos na nakakalakad at may cast pa ang kaliwang paa ko na naipit sa kotse.

"Sa pad mo nalang.. Masyadong malaki sa bahay at mahihirapan akong maglakad paakyat baba.." sagot ko. Binitbit ko ang isang bag na medyo magaan upang mabawasan naman ang mga dalahin ni Gian.

Kaagad naman niya itong kinuha.

"Love ako na.. Hirap ka na ngang maglakad ng maayos magbubuhat ka pa. Tsaka dito kalang at kakargahin kita. Ilalagay ko lang to sa kotse." bilin niya. Napasimangot naman ako sa kanya.

"Hindi ako lumpo noh! Kaya kong maglakad!" asik ko kay Gian.

Napangisi naman siya at pinisil ang tungki ng ilong ko.

"Ayaw lang kitang mapagod at papagurin pa kita mamaya.." bulong niya sa akin na kaagad na ikinapamula ng pisngi ko.

"Pervert!" impit na singhal ko at hinampas siya sa balikat. Tinawanan niya lang ako ng malakas..

---

Darius POV:

Kaagad kaming lumuwas patungong Forks ng malaman kong nanganak na si Monique. Laking pasasalamat ko at ligtas at maayos siyang nakapanganak kahit sa bahay lang niya nailuwal ang bata.

Tuwang tuwa naman si Darrene na pagmasdan ang baby na nasa loob pa ng nursery. Halos ayaw na nga nitong humiwalay sa bintanang salamin.

"Papa, ang cute ni baby.. Kasama na ba natin sila sa Korea pag nakalabas na sila dito?" tanong ni Darrene na di pa rin inalis ang mata sa baby.

Natatawa naman si Reen at ginulo ang buhok niya.

"Syempre depende yun kay Tita Monique mo.. Maganda kaya ang bahay nila dito!" usal ni Reen.

"Mhie, labas lang ako saglit.. May tatawagan lang. " paalam ko sa mag-ina ko. Nagsitango naman sila kaya lumabas nako ng ospital. Sa may garden ako pumwesto at tinawagan si Phantom.

[Darius napatawag ka?]

Nasa pamamahala ko na ang Schiltz empire.. Pero may mga nawawalang papeles doon. Kailangan kong makasigurong di iyon mapupunta sa ibang emperyo. Si Queen ba kumikilos na?

[Sa palagay ko kailangan nyo munang magkausap ni queen.]

Okay... Pagkagaling namin dito sa Forks babalik ako ng Pinas.

Matapos ang pag-uusap namin ni Phantom ay binalikan ko na sila sa loob. Gising na rin si Monique at nakipagkulitan kay Darrene kaya nakisali na din ako.

---

Chase POV:

Matapos ang nangyari sa pagitan namin ni Gian ay umalis ako ng bansa. I just couldn't believe it na napalitan na ako sa puso ni Gian ng ganun kadali. We've had 7 years of relationship pero madali lang niya akong napalitan at kinalimutan in just a month or two?

That's bullshit!

Naibato ko ang hawak na magazine sa inis. Tumayo na ako at lumabas ng hotel. Tinungo ko ang bar na madalas kong tambayan dito sa Macau.

I love this place. Pwede kong kalimutan kung sino ako sa lugar na ito.

I sat in one of the barstools and order my favorite drink.

Matapos maiabot ang order ko at may ibinulong ang bartender sa akin. Kilala na niya ako dahil pabalik balik ako sa lugar na ito everytime my frustrations arises.

"Someone wants to talk to you." bulong nito sa akin at ininguso ang nasa may likuran ko.

Umikot ako upang tingnan kung sino ang tinutukoy nito. Itinaas naman ng lalaki ang hawak nitong kopita.

Well.. Well.. Well.. Look whos here..

Nakangiting tumayo ako at nilapitan ang lalaking nakaupo sa couch.

Kaagad namang itong tumayo at simpatikong ngumiti pagkalapit ko.

"Its nice to see you here, Queen of Ragons.. I am trully blessed upon coming here.. Coz i finally met you.." bati nito at iginiya ako paupo sa tabi nito.

Ngumisi ako. So alam pala niya na ako ang reyna ng mga Ragon.

"What is it? Just go directly to your point.." i said bluntly.

I hear him chuckle.

"So fierce, just like her.." natatawang sabi nito at sinimsim ang alak sa kopitang hawak.

Nagsalubong ang kilay ko sa narinig. Ayaw na ayaw kong ikukumpara sa iba.

"Tss.. Don't compare me with whoever she was! Im difinitely different... Supremo!" singhal ko na sinuklian lang niya ng malutong na halakhak..

Damn this man and his arrogance!

ILYMG Final Book: The New QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon