THIRD PERSON POV:
"Sigurado ka bang kaya natin ito?" hinihingal na tanong ni U kay Sakura habang mabilis na tumatakbo sa kakahuyan..
Buhat buhat nito ang walang malay pa rin na si Reen. Kinuha nila ito mula sa mahigpit na pagbabantay ng mga tauhan ni Matt.
"Oo, kailangan natin siyang madala sa Jung." sagot naman ni Sakura.
"Pero mukhang di na tayo aabot doon.." pakli ni Sky na nakasunod sa dalawa.
Silang tatlo ang naatasang magligtas sa prinsisa habang ang dalawa pa ay naghatid ng mensahe sa Jung tungkol sa ginawa nila.
Matagal na din nagtago ang mga knights ng Schiltz sa ibang elders na hindi kaalyado ng traydor na si Matt.
"Kung masusundan nila tayo, wala tayong magagawa kundi ang lumaban.. Kailangan nating mailigtas ang prinsesa.." sagot ni Ayako.
Patuloy sila sa pagtakbo nang biglang umulan ng pana sa kanilang tinatahak na daan.
"Nasundan na nila tayo!" sigaw ni U. Paiwas iwas sila at nagtatago sa mga malalaking puno saka sumabay sa pakikipaglaban sa mga nakasunod sa kanila.
"Sky!" sigaw ni Sakura at agad na kumilos. Inihagis niya ang maliit na dagger papunta sa direksyon ni Sky na agad namang umiwas kaya natamaan ang lalaking nasa likuran nito.
Umikot si Sky at binigwasan ang iba pang papalapit.
Buhat buhat pa din ni U si Reen habang nakipagsabayan na din sa pakikipaglaban.
Tanging pagsipa lang ang nagagawa niya sa mga nagtatangkang makalapit habang patuloy pa din sa pagtakbo at pag-iwas sa mga kalaban.
"U, kami ng bahala dito!" sigaw ni Sakura.
Tumango naman si U at mabilis na tumakbo palayo.
Inihagis ni Sakura ang latigo na nakapaikot sa bewang niya kanina at sinalo naman ito ni Sky saka ginamit na armas.
Kinuha naman ni Sakura ang pana na nakasabit sa likuran niya at mabilis na galaw na pinagpapana ang mga kalaban.
Palipat lipat siya ng pwesto at sinabayan din ng mano manong laban ang mga nasa paligid niya.
Masyadong madami ang sumusugod sa kanila kaya napapalibutan na silang dalawa.
May isang sumugod kay Sakura kaya ginamit niya ang bow ng arrow para ihampas dito. Sapul naman sa ulo ang kalaban kaya napaatras ito.
Tumakbo si Sakura papunta sa isang malaking puno saka tumalon at ginamit na pantulak sa kanyang katawan upang makabwelo ng sipa sa mga kalaban na papalapit.
Bagsak ang anim na lalaki na tinamaan ng paa ni Sakura.
Hindi na niya hinintay pang may susugod pang iba at mabilis na gumalaw pasugod sa mga ito.
Ikinabit niya ang maliliit na kutsilyo sa mga daliri at siya na mismo ang sumugod sa mga kalaban.
Bawat madaanan niya ay ginigilitan niya sa leeg.
Samantala, abala naman si Sakura sa mga kalabang nakaharap.
Bahagyang umatras si Sky upang iwasan ang suntok na tatama sa tagiliran niya saka mabilos na umikot at hinawakan sa ulo ang kalaban saka buong pwersa na ibinalibag paharap.
Ginamit naman niya paa upang sipain ang iba pa.
May umamba ng suntok sa kanya kaya hinablot niya ang kamay nito at saka hinila. Inipit niya abg ulo nito sa kanyang braso saka pinihit.
BINABASA MO ANG
ILYMG Final Book: The New Queen
ActionSecond Half: Clash of Empires. I love you, Mr. Gangster book 3 continuation kaya pakibasa nalang po muna sa 1st half.. Mobsters, Mafia and Gangsters.. Three different Empires. Seven different leaders. One Goal.. To rule the world.. Who will win the...
