*Part 3*
Lara's POV:
~~Still a flashback~~
Nalaman ko na ang Pentagon pala ay isa ding mafia na binubuo ng limang pangulo. Ang 3 kings at ang kambal na si Phantom at Eagle.
I've never seen his twin. Masyado daw itong abala sa loob ng laboratoryo nito.
Naging tahimik naman ang buhay ko sa loob ng ilang buwan kong pananatili sa Pentagon. Di pala ito saklaw sa kapangyarihan ni Supremo kaya di ito basta basta makakapanghimasok upang kunin ako.
Nanganak ako ng isang malusog na sanggol na babae at napuno ng kasiyahan ang aking puso sa kabila ng pagkasuklam ko sa kanyang ama. Labis naman ang tuwa ni Phantom na nanatili sa aking tabi sa kabila ng lahat.
"We'll name her, Ayesha.." saad ko kay Phantom.
"Then, welcome to the world baby Ayesha!" masayang bati ni Phantom na karga karga ang bata sa kanyang mga bisig.
"Promise me Phantom, walang makakaalam kung nasaan si Ayesha.." pakiusap ko sa kanya. Nangako naman ito na itatago ang tungkol kay Ayesha.
Pero akala ko ay tuloy tuloy na anv kasiyahan naming iyon, but we're totally wrong.. Dahil kasabay pala ng pagkapanganak ko ay nilusob ng pangkat ni Supremo ang buong Yoon Empire.
Namatay sa laban ang magulang ko at labis ko itong ipinagdalamhati. Nagbalik ako sa Korea. Ang emperyong dating masigla ay abo na lang ang natira.
Pero isa pala itong pagkakamali ko. Nabihag akong muli ni Supremo.
"Nasaan ang anak ko, Queen?" matigas na tanong nito sa akin. Nakatali ang kamay at paa ko. At nasa loob ako ng torture room.
"Wala na! Pinatay ko na! Hindi ko maatim na buhayin ang bunga ng kahayupan mo!" sigaw ko sa kanya at umani naman ako ng malakas na sampal mula rito. Dumugo ang labi ko sa lakas nito.
Kahit anong tanong nila ay di ko ipinaalam na buhay si Ayesha.. Kahit pa ikamatay ko ito.
Naranasan ko ang pinakamatinding torture sa buong buhay ko. At akala ko iyon na ang magiging katapusan ko. Halos naghihingalo na ako nang tigilan nila.
"Itapon nyo na siya.. Wala na siyang silbi.." utos ng isang babae na di ko na halos maaninag ang itsura. Di na ako makakilos at habol ko na din ang paghinga. Pero ang boses niya, alam kung isa siya sa asawa ni Supremo.. Si Mariz..
Kinalagan ako ng mga tauhan ni Supremo at isinakay sa isang van. At bago ako tuluyang nawalan ng malay ay naramdaman ko ang pagbulusok ng katawan ko at tumama sa mabatong bahagi ng pinagtapunan nila sa akin.
----
Nagising ako na nasa isang silid uli at si Phantom ang una kong nasilayan.
"P-papano akong napunta rito?" tanong ko kaagad sa kanya.
"Tinawagan ako ni Mariz." sagot nito na malungkot ang itsura.
Si Mariz.. Plinano niya ang pagligtas sa akin..
"Nasaan siya?" kinakabahang tanong ko.
"She's dead.. Di nagustuhan ni Supremo ang ginawa niya." usal ni Phantom. Tuluyan na akong napaiyak. Ang daming tao ang nadadamay dahil sa kasakiman ni Supremo.
"Get rest, Lara.. Marami pa tayong gagawin.." sambit ni Phantom sabay tapik sa aking balikat bago ito tuluyang lumabas.
Nagpakatatag ako at nagpapalakas. Itinago namin si Ayesha sa isang elder ng Yoon clan na nakaligtas sa paglusob ni Supremo.
Si Kaeda ang nag-aalaga rito. Pero ang kapalit, di ko na nakakasama ang anak ko hanggang sa paglaki nito. Sabi ni Kaeda, mas makabubuti ito na di niya ako makilala dahil magiging normal ang buhay ni Ayesha sa piling ng nag-aalaga sa kanya.
Pinapanood ko lang siya sa malayo at sinubaybayan ang kanyang paglaki habang unti unti kong winawasak ang pundasyon ng Emperyo ni Supremo kasabay ng muling pagbuhay ko sa Yoon clan.
I became a ruthless assassin at the same time a queen. Tinutulungan ako ni Phantom.
There i met Angelo, his twin Eagle. I fall for him.. Pero takot akong malaman niya ang tungkol sa akin. Pinakiusapan ko si Phantom na itago ang nakaraan ko ang he promise again not to tell..
Pero palagi akonv hinahunting ni Supremo kaya kung anong drama ang ginawa namin ni Phantom. Kesyo magkasintahan kami at aagawin niya ako kay Eagle to hide me from Supremo habang inilihis niya ang mga tauhan nito sa paghahanap sa akin bago niya ako muling ilabas.
Lahat ng iyon ay di alam ni Eagle na nagkaroon ng matinding galit at hinanakit sa kambal.
Di ko naman maipaliwanag sa kanya sa takot ko na madamay siya. Eagle is smart.. In fact his genius. Pero wala siyang alam sa totoong labanan. Hehas his own world inside his laboratory.
Nagbuntis at ipinanganak ko ang kambal. Masaya kami ni Eagle for 6yrs bago ako muling natunton ng mga alagad ni Supremo.
But this time, ma doble na ang takot ko.. I have my twins.. Di ko sila kayang protektahan lahat. Kaya to save them, inilayo ko ang sarili at ipinalabas na kinidnap ako.
Phantom also kidnaped Eagle and put him in cage. Pero mas tuso ang 3 kings. They want to own the power the twins have kaya ipinalabas nilang kalaban ni Eagle ang sariling kapatid at bihag niya ako.
That' where Lian started to became an assassin..
~~end of flashback~~
Matapos kong maisalaysay ang lahat ay tiningnan ko sila isa-isa. Wala ni isa man ang umimik at nagtangkang basagin ang katahimikang namagitan sa buong dining hall..
Parehong blangko ang itsura ng lahat maliban kay Phantom na nakikisimpatiya sa akin at kay Eagle na nakahalf smile at tila ipinaabot ang pag-unawa.
Lian's POV:
So that explains all...
Tumayo na ako at napatingin silang lahat sa akin.
"What? I have heard enough.. But that doesn't mean na mapapatawad ko agad ang babaing sumira sa pamilya ko.." blangkong emosyong saad ko sabay tingin kay Rave na napayuko sa narinig.
I still hate what he did to me..
"Lian.." tawag ni Mommy.
"If you want me to be friend with your "daughter", maybe you should tell her to stop pestering me and get lost.." sambit ko at tumalikod na.
Pero bago ko napihit ang seradura ng pintuan palabas ng dining hall ay napigilan ako ng isang bagay na bumagsak sa aking harapan.
Nanlaki ang mata ko na kaagad na umikot at tumakbo pabalik sa kanila.
"Granada! Dapa!" malakas na sigaw ko at itinakip at itinumba ang mesa patagilid sabay tulak kina Nina.
Boooooom!
******
A/N: woooshhu! So that explains all.. Happy reading everyone!
Lovelots: malditang_nurz
BINABASA MO ANG
ILYMG Final Book: The New Queen
AçãoSecond Half: Clash of Empires. I love you, Mr. Gangster book 3 continuation kaya pakibasa nalang po muna sa 1st half.. Mobsters, Mafia and Gangsters.. Three different Empires. Seven different leaders. One Goal.. To rule the world.. Who will win the...
