***
Third Person's POV:
Magkasunod na pumarada ang kotse ni Gian at Nick sa isang bahay na bonggalo. Kulay itim at puti ang pintura ng nasabing bahay at may malawak itong bakuran na kasya pa ang isa pang bahay.
"Sigurado ka bang dito talaga?" tanong ni Gian ng makababa sa kotse.
Parehas silang nakatayo sa harap ng bahay at nakakunot-noong nakatingin dito.
"Ensakto naman yung address.. Siguro nga eto na iyon.." sagot naman ni Nick.
Pumasok na sila sa loob ng bahay at pinagkasya ang sarili sa pagtitingin sa loob.
Wala man lang maski isang larawan dito.. Bulong ni Nick sa sarili.
Napatingin sila ni Gian ng bumukas ang pintuan at pumasok sina Darius, Brad at Monique.
"Nakatanggap din kayo ng imbitasyon?" takang tanong ni Gian. Tumango naman si Darius at ipinakita ang isang sobre.
"Sa palagay nyo sino ang nagpadala nito? Mukhang wala namang party ah.." nakakunot noong usal ni Monique at inilibot ang tingin sa paligid.
"It's Lian.. Sa kanya ang bahay na ito.." biglang sabat ng isang boses mula sa likod ng malaking divider.
Bumungad sa kanila si Lion hawak ang isang baso ng juice.
"Feel free to serve yourselves.. Maraming stock sa ref.." nakangising usal ni Lion at ininguso pa ang bandang kusina.
"Tsk! Di naman siguro tayo pinapunta rito upang makikain ano?" mataray na usal ni Monique at naupo sa sofa.
"Ang laki na ng ipinagbago ng lugar. I don't recognize the place.." saad ni Brad at inilibot din ang tingin.
"Sadya talaga niyang ipinabago ang buong bahay. Idk whats her plan. At bakit niya tayo pinapunta dito.." sagot ni Lion at naupo sa katapat na sofa ni Monique.
"Is she already here?" tanong ni Rave na kapapasok rin lang. Napakunot noo naman sina Nick at Gian kung sino ang tinutukoy niya.
"Who?" halos sabay na tanong ng dalawa.
"Lian.. She's been away for almost a month now.. Ni wala kaming balita kung nasaan siya.." sagot ni Lion.
Napaawamg naman ang labi ni Monique habang napatiim bagang sina Brad at Darius.
Tahimik ang lahat at walang sinuman ang nagbukas ng usapin. Kapwa iniisip ang dahilan ng pagpunta nila sa lugar na iyon.
***
Nick's POV:
Pinagmasdan ko isa-isa ang mga kasamahan ko sa loob ng bahay. Kung wala lang sanang gulo ay malamang puno ng kasiyahan ang lugar na ito. Pinagsama-sama ang barkdahan. Tanging ang mga babae bukod kay Monique ang wala rito.
"Hubby?" sabay kaming napalingon ng magkasunod na pumasok sina Nina, Jaya at Kate.
Agad akong napaayos ng tayo at mabilis na nilapitan ang aking asawa.
"Wifey, anong ginagawa niyo rito?" takang tanong ko kay Nina. Nagsilapit naman sina Jaya at Kate kina Gian at Lion.
"Pinapunta kami dito hubby.. Ang sabi narito kayo.." sagot ni Nina.
"Anong meron mahal?" tanong naman ni Kate kay Lion.
"Idk. Wala pa si Lian.." sagot naman ni Gian.
BINABASA MO ANG
ILYMG Final Book: The New Queen
AksiSecond Half: Clash of Empires. I love you, Mr. Gangster book 3 continuation kaya pakibasa nalang po muna sa 1st half.. Mobsters, Mafia and Gangsters.. Three different Empires. Seven different leaders. One Goal.. To rule the world.. Who will win the...
