Alexis POV:
Tuloy tuloy ang labanan at tila walang kapaguran si Uno sa pakikipagsabayan sa mga humaharang sa amin.
Pero ramdam ko na ang mabigat na paghinga niya dahil sa pagod. Nakasunod lang ako sa kanya at binabantayan ang kanyang likuran.
My queen... Mula ng makilala ko si Lian, walang araw na hindi ko hinangaan ang kanyang mala anghel na kagandahan. Pero mas lalo akong humanga ng makita ko ang bagsik na nakatago sa likod ng maamo niyang mukha.
Napatalon ako paatras ng bumagsak sa harapan ko ang bubong ng tunnel na kinaroroonan namin.
Isang bangkay pala ang lumusot doon. Nag angat ako ng paningin at nakita ko ang nakasmirk na mukha ni Monique.
Saglit lang itong sumulyap sa akin at muling binalingan ang mga kalaban.
This one's a devil too.
Nilagpasan ko nalang ang bangkay at muling sumunod kay Lian.
Isang malakas na sipa ang ibinigay ko sa unang kalabang bumungad sa aking harapan. Kaagad na gumanti na rin ito kaya pinaulanan ko na ng kumbinasyong kamao at paa.
Tumalsik palayo ang katawan ng lalaki at bumalandara sa dingding bago bumagsak sa lupa.
"Dos!" sigaw ni Lian sabay hagis ng isang 45 kaliber pistol sa akin. Kaagad na tinalon at sinalo ko ito at mabilis na ikinasa. Magkatalikod kaming dalawa na pinagbabaril ang mga kalabang papalapit.
"Uno! Naririnig ko na ang ingay sa labas! Siguradong malapit na tayo sa labasan! Mauna ka na at icocover up kita!" utas ko kay Lian.
"Okay!" Tanging sagot nito at mabilis na tinakbo ang dulo ng tunnel.
Paatras naman akong sumunod sa kanya dahil may mga nagtangka pa ding pigilan ang pag-alis namin.
Louie's POV:
Nasapo ko ang ulo ko ng may isang matigas na kahoy ang tumama rito. Hindi ko pala namalayang may pumalo sa akin.
"Bwesit! Pag nagasgasan nito ang gwapo kong mukha dudurugin talaga kita!" angil ko at sinalo ang kahoy na tangka na naman nitong ihampas sa akin.
Buong lakas na hinila ko ito at sinalubong ng kamao ko ang mukha ng may hawak ng pamalo. Binasag ko sa pamagitan ng kamao ang mukha nito at di ako tumigil hanggang sa di na ito gumalaw pa at nangisay nalang ng bitiwan ko.
Muli akong tumakbo papunta sa dereksyon nina Lian.
Hindi pa rin maubos ubos ang mga tauhan ni Supremo. Kahit na marami din ang dala naming tauhan ni Monique ay tila mas nakakahigit pa din ang bilang ng mga kalaban. Idagdag pang narito din ang platoon ng mga Ragon na nabilog ni Chase.
Puta talaga ang babaeng iyon! Nakuha pang bilugin ang utak ng mga nasasakupan ko! Pweee!
Monique's POV:
Agad na sinugod ko ang mga mafia na nasa aking harapan. Wala akong ginagamit na anumang sandata bukod sa aking mga kamay at paa. Hanggat maaari ay iniwasan ko na ang pagpatay gaya ng sinabi ko kina appa.
Ang iba ay binabalian ko nalang ng buto at nilumpo upang di na muli pang makalaban.
Napayuko ako ng makarinig ng magkasunod na putok ng baril sa dereksyon ko at kitang kita ko ang mga butas sa sahig na nasa malapit sa akin. Kundi marahil ako maagap na nakaiwas ay baka tinamaan na ako.
Sinipa ko sa dibdib isang lalaki na nagpayuko rito. Sinamantala ko ang pagkakataon at tinalon ang balikat nito saka ginawang tungtungan.
Mula sa balikat nito ay sinipa ko ang nasa likod at saka hinawakan ang damit nito upang makapunta ako sa likuran ng lalaki sa loob lamang ng isang iglap.
BINABASA MO ANG
ILYMG Final Book: The New Queen
AçãoSecond Half: Clash of Empires. I love you, Mr. Gangster book 3 continuation kaya pakibasa nalang po muna sa 1st half.. Mobsters, Mafia and Gangsters.. Three different Empires. Seven different leaders. One Goal.. To rule the world.. Who will win the...