TNQ 56: Blow

7K 235 12
                                        

Darius POV:

Kaagad kaming lumipad papuntang NY ng mabalitaan namin mula kay Nicnic ang nangyari kay Gab.

Kailangang damayan ko si Nic dahil labis ang pagsisisi niya na wala siyang nagawa para sa nag-iisa niyang pinsan.

Di pa namin nakausap si Louie kaya si Mon at Carlos lang ang nag-aasikaso sa lahat.

I swear i really felt bad of what is happening lately.

Ang daming napapahamak na wala namang kinalaman sa kaguluhan ng mafia.

They are just victims of selfishness and revenge..

"Dhie.. Hindi ba natin ipapaalam kay Lian at Brad ang nangyari? They should know this, right?" tanong ni Reen sa akin.

Yumakap siya sa bewang ko habang nakatayo kami sa terrace ng hotel na kasalukuyan naming tinitirhan dito sa NY.

Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga bago sumagot.

"I'll call them.. And mhie... I need to go to Philippines.. You and Monique should go back to Korea.. Kahit di niya sabihin, alam kong may misyon siya mula kay Lian. But i can't let her do that anymore.. Ayokong may mapahamak na naman ng wala ako.. Kaming nagagawa.." usal ko.

Napatango naman si Reen. Alam kong naintindihan niya ang sitwasyon namin. At maging siya ay nag-aalala din sa nangyayari.

----

Rave's POV:

Mula sa pagkayuko sa binabasa kong papeles ay napaangat ako ng pabalag na nabuksan ang pintuan ng aking opisina.

What the..?

Gulat na napatingin ako sa sinuman na pumasok.

"Daddy...!" tili ni Xyra na patakbong pumasok.

"Xyra! I told you not to do that!" sigaw naman ni Xavier na kasunod ding pumasok.

Nasapo ko ang noo ko.

Tsk! Akala ko kung ano na..

"Daddy! Dito muna daw kami.." masayang usal ni Xyra at nagpakandong na sa akin.

Humalik naman si Xavier sa pisngi ko at naupo sa sofa sa tapat.

"Mom says we can't stay in her office coz she will be out for a while. I told Xyra that we should go home but she insisted to come here.." sabat ni Xavier.

Napakunot noo ako. May lakad si Lian? Where?

Pinat ko ang ulo ni Xyra bago hinalikan sa noo.

"Okay, you both can stay here.. But don't be noisy and just play over there okay? I'm a bit busy.." saad ko sa kambal. Nangislap naman ang mata ng dalawa at kaagad na pumwesto sa may sofa saka nilabas ang kanilang baon na mapaglibangan.

Napangiti nalang ako habang saglit na pinanood ang kambal.

They reminds me of how Lian and i grow together before she forget me..

Xaviers a child version of Lian. Strict but sweet.

Dinampot ko ang cellphone at sinubukang tawagan si Lian pero di ko siya makontak. Kaya naisipan kong tawagan si Lion. This twins knows each others secret activities.

[Yo, wazzup?]

"Bro, asan si Lian? The twins are here.. Umalis daw si Lian.."

ILYMG Final Book: The New QueenMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon