A/N: Sa lahat po ng nagtatanong kung bakit ganito ang nangyari kay Gab kahit wala ito sa kwento nila ni Louie, isa lang ang sagot ko riyan.
The story of Gab and Louie happens before they came back to Philippines. Exactly before Lian and Louie's second face off fight and before Gab's kidnapping incident.
At wag nyo rin akong tanungin kung bakit ganun ang sinulat ko coz i don't know the answer. It just pop out in my mind..
I hope naliwanagan na kayo sa konting explaination ko, di kasi talaga ako mahilig mag elaborate. So if magulo pa rin ang utak niyo, at di niyo na magets ang likaw ng utak ko, i advice you to read another story..
Thank you..
***
Lion's POV:
Napatakbo kaming lahat palabas ng marinig ang malakas na sigaw ni Kate. Inilabas ko ang baril ko at nauna ng pinuntahan ang aking asawa.
Deretso naman sina Rave sa labas ng gate upang siyasatin ang paligid.
Naabutan ko si Kate na nakaupo sa semento malapit sa may gate at nanginginig.
Horror was written in her face.
Mabilis akong lumapit at niyakap siya ng mahigpit.
"M-mahal.. I-i.. I-im scared.." mahigpit ding yumakap si Kate sa akin. Ramdam ko ang panginginig niya.
"Ssshhh.. Andito ako mahal.. Breath! Just breath.." utos ko kay Kate.
"Oh Jesus..!" rinig kong usal ni Nina. Nakita kong napasubsob din siya sa dibdib ni Nick.
Kaagad na pinapasok ni Lian ang mga bata kasama ang mga yaya nila. Naiwan kaming sa labas.
"Sinong nagbigay ng box na iyan?" tanong ni Phantom kay Kate. Umiling naman ang asawa ko.
"H-hindi ko naabutan. Basta nakita ko lang yan dyan sa labas ng gate. Sinilip ko... At.. At... Nakita ko ang..." hindi na natapos pa ni Kate ang sasabihin. Muli siyang sumubsob sa aking dibdib at umiyak.
----
Jaya's POV:
Nahintakutan kami ng makita ang laman ng box. Tumalsik kasi ito ng mabitiwan ni Kate sa labis na pagkabigla.
It's the head of their favorite german shepperd dog.
Hindi ko maintindihan kung bakit ginawa iyon sa aso, pero naisip ko baka kalaban ng pamilya ang may gawa nito at sinadyang takotin kaming lahat.
"Wala kaming naabutan. Maybe nakaalis kaagad ang may dala niyan.." pagbabalita nina Rave at Louie nang makabalik mula sa pagsiyasat sa labas.
Napangiwi ako ng damputin ni Lian ang box.
Kakaiba talaga ang babaing ito, ni hindi man lang nandiri sa dugo..
"Common, babe let's get back inside.." usal ni Gian at iginiya ako papasok sa bahay.
"Sa palagay mo, sinong may gawa niyon?" tanong ko kay Gian.
Umiling naman siya.
"Someone who's really angry with us.. Dahil tinaon talaga na narito tayong lahat. And that dog is our pet.. Tsk!" seryosong saad ni Gian.
Napatango ako.. Tama siya, mukhang kilala talaga kami ng kung sino man ang may pakana nito..
---
BINABASA MO ANG
ILYMG Final Book: The New Queen
AçãoSecond Half: Clash of Empires. I love you, Mr. Gangster book 3 continuation kaya pakibasa nalang po muna sa 1st half.. Mobsters, Mafia and Gangsters.. Three different Empires. Seven different leaders. One Goal.. To rule the world.. Who will win the...
