TNQ 42: She's Dead

9.4K 237 19
                                    

Enjoy.. Vote.. Comment..

Lian's photo in Pangasinan @ the multimedia.

----

Alexis POV:

Binantayan ko si Leen hanggang sa tuluyan na siyang makalabas ng ospital. Di ko na rin hinayaan pa siyang bumalik sa kanyang bahay at doon ko na uli siya pinatira sa condo ko.

"Lex, gala naman tayo!" biglang sabi ni Leen sa gitna ng panonood namin ng tv. Sinulyapan ko siya at saka muling ibinalik ang atensyon sa pinapanood.

"Lex sige nah! Tutubuan nako ng ugat dito sa condo mo eh!" reklamo niya at niyugyog ang braso ko.

"Tss.. Leen, kalalabas mo lang kaya ng ospital.. Baka mabinat ka!" tanggi ko. Pero ang totoo, ayaw ko lang na magbar kami at tiyak na manlalalaki na naman ito.

Ewan ko ba, simula ng tuksuin ako nina Kendra ay nagbabago na ang nararamdaman ko kay Aileen. It seems that im jealous with other guys..

"Hoy Alexis! Baka nakalimutan mong malakas ako? Sumabak na nga ako sa gyera kahit pa kagagaling ko lang sa bugbog noh!" litanya niya at humalukipkip sa tabi ko. Natatawa ako dahil nagkandahaba pa ang nguso niya tanda ng pagmamaktol.

Tss.. Ang hirap mong tanggihan Aileen Park..

"Okay.. Tara bihis kana.. Kundi lang kita..." agad kong pinutol ang sasabihin ko sana. Tinaasan naman ako ng kilay ni Leen.

"Ano? Kundi lang ako ano?" tanong niya.

Umiling ako at nauna ng tumayo mula sa pagkaupo sa sahig at pinatay ang tv.

"Wala.. Bihis kana bago pa magbago ang isip ko!" sambit ko. Napangisi naman siya at laking gulat ko ng bigla niya akong dambahan ng yakap sa likod. Nakayapos ang dalawang braso niya sa bewang ko at nakasandal ang baba niya sa likod ko.

I feel my body stiffin.

"Thank you Lex.. The best ka talaga!" masayang sabi niya. Tss... Tinanggal ko ang braso niya at humarap ako.

"Bihis kana bilis.." usal ko at ginulo ang buhok niya. Agad naman niyang tinabig ang kamay ko at patakbong tinungo ang silid niya.

Leen.. Am i falling for you?

***

Lion's POV:

Alam kong nagtatampo si Kate sa akin dahil sa pagtatalo namin sa ospital. Pero di ko talaga matanggap na pagbintangan niya si Angela. She still my daughter at inosente pa ito.

Pero nasaan na nga kaya si Angela? Ilang araw na kaming nakauwi pero hindi ito nauwi. Baka natakot kay Kate.

Lumabas ako ng library na nagsilbing opisina ko rito sa bahay at hinanap ang aking mag-ina. Nakita ko naman sila sa may veranda. Nilalaro ni Kate si Baby.

Uu nga pala, malapit na ang birthday ng kambal ni Lian. At mag iisang taon na din ang aming munting angel.

Nilapitan ko sina Kate. Agad namang nawala ang ngiti ng aking asawa pagkakita sa akin.

"Hi baby Kathleen.. Daddy's here.." magiliw na sambit ko at nilalaro ang maliliit niyang kamay.

"Mahal, sorry na.. Nasigawan kita. Nabibigla lang naman ako eh.." buong pagsuyo kong kinuha ang kamay niya at dinala ito sa aking bibig saka ginawaran ng halik.

Saglit namang napatitig si Kate sa akin na tila inaarok ang aking kalooban bago marahang tumango.

"Yeah.. Im sorry too.. Sana nga mali lang ako Lion. Ayokong may mapahamak sa sinuman sa pamilya natin.." usal niya.

ILYMG Final Book: The New QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon