TNQ 24: Ambush

9.1K 231 9
                                        

3rd POV:

Nakita nang lahat ang pagkulay ng pulang dugo sa kanang balikat ni Aileen, ngunit hnd doon nagtapos. Agad hinugot ni Aileen ang baril na nasa bewang ni Nick at gamit ang dalawang baril ay inasinta nito Ang west and north wing direction, at mula doon ay bumagsakang mga sniper.

Agad matapos ang kaganapan na iyon ay agad nagsilapitan sina Brad,Darius,Phantom, Rave at Eagle upang akayin sina Lian at Lara papasok ng bahay habang nag simula nang magdatingan ang mga armadong lalaki na nakasakay sa sasakyan.

At mayamaya lang ay ulan na ng putok ng baril. Agaran naging alerto ang bawat isa, at maging ang mga knights ng Queen ay nakisabak na rin sa pakikipagpalitan ng putukan ng baril. Aakayin sana ni Nick si Aileen ngunit tinabig lamang ito.

"I can handle myself Nick. May paparating pa, Sige na, ako na ang bahala kay Nina, just cover us up." sambit ni Aileen kahit patuloy pa rin ang pagdaloy ng dugo sa balikat nito.

Tumango na lamang si Nick at dinampot ang baril na nasa isang kamay ni Leen. At nakipagsabayan na rin ito ng putok habang nakaharang ito. Binibigyan ng daan sina Leen at Nina na makapasok ng bahay. Hnd naman nag-aksaya ng panahon si Aileen at agad niya hinawakan ang kamay ni Nina para maakay ito papasok ng bahay ng mga Vena, Sinalubong naman ito ni Lion at inalalayan si Leen.

Habang sa kabila naman ay patuloy na nakikipagpalitan ng putok ng baril sina Darius,Brad, at Rave. They all protecting Lian. Kahit pa na nakikipagsabayan na rin ito sa pakikipagpalitan ng baril.

"We are out numbered Kendra" mabining sambit ni Waisley.

Napatingin naman si Kendra sa direksyon ni Queen at napansin nya sumensyas ito na move out. Tumango naman ito, at agad kinuha ang canon gun na nasa gilid ni Waisley at biglang inasinta sa mga sumusugod.

Booogggsssshhh!!!

Nagpakawala ito ng apat na sunod-sunod na tira kaya napuno ng usok ang buong lugar. Agad nagsipag-atras ang grupo nina Lian papasok ng mansion. Tumakbo si Lara sa pindutan ng secret passage at agad yung binuksan. Lahat sila ay mabilisan pumasok habang ang 4 na knights ay nakamasid sa labas ng passage. Inalalayan nina Nick at Lion si Leen. Nakasunod naman si Nina sa mga ito. Sa dulo ng passage ay may mga sasakyan ng nakaparada kaya nagkanya-kanya na sila ng sakay sa kotse at agad dumiretso sa hospital.

(a/n: sorry guys lame ang ambush scene :( medyo toxic sa trabaho eh.. sorry)

*******

Nina's POV:

Matapos na isugod si Leen sa O.R ay lahat sila ay nakaantabay sa labas ng naturang silid. Pinagmamasdan ko ang hitsura ni Tita Lara at Nick na bakas na bakas ang pag-aalala. Tanggap ko na, that Aileen is part of Nick's life. Ang sabi nga ni Nick, bestfriend niya ito, nakatulong din sakin ang kaalaman ko sa totoong rason ng galit at paghihiganti nito. Kaya medyo nauunawaan ko ang kanya pinagdadaanan. Ngunit para sakin hnd pa rin sapat na dahilan iyon upang manira sya ng pamilya. Pero sino ba naman ako para manghusga? Hnd ko naman napagdaanan ang pinagdaanan niya.

Maya-maya pa ay nakita na namin ang paglabas ng doktor na nagopera kay Aileen. Agad lumapit dito sina Nick at Lara, habang napuna ko naman na biglang tumiin ang tingin ni Rave, si Lian naman ay nananatiling blanko ang mukha.

"Kumusta na ang anak ko dok?"tanong ni Tita Lara.

"Stable na ang pasyente. Maya-maya lang ay puwede na sya ilipat ng silid."saad ng doktor at tuluyan na itong umalis.

"Thank ghad? She's ok." maluwag na paghingang saad ni Tita lara.

Agad naman lumapit si Daddy dito at niyakap si Tita Lara.

ILYMG Final Book: The New QueenMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon