TNQ 13: Pretty Little Liar

9.1K 216 11
                                    

Lion's POV:

Abala ako sa pagscan sa mga papeles na nakaentry sa laptop ng biglang bumukas ang pintuan ng aking silid.

Di ko man ito lingunin ay sigurado akong siya iyon. Her aura is so overwhelming na kahit ako ay nagkakagoosebumps din paminsan minsan.

I wonder kung bakit siya tumigil sa pagiging assassin..

"How are you son? Minsan nalang yata tayo nagkikita this past few days.." usal ni Mom. Narinig ko ang tunog ng pag-upo niya sa aming kama.

Yeah my mom is a former assassin. A ruthless one as we say. Mas malala pa siya kay Lian.

Tinigil ko ang pagtatype at humarap sa kanya.

"Been busy but im fine.. May konti lang proposal na pinag-aralan.." sagot ko.

Ngumiti naman siya at kinuha ang frame na nakapatong sa beside table. Mga larawan namin ni Kate at baby ang nakalagay dun but she get the picture of me and Lian.

May konting lungkot na nabanaag sa kanyang mukha.

"Ive missed her. Masyado pang maraming bagay ang dapat naming rather nating pag-usapan.." usal nito na tila sarili lamang ang kausap.

Napakunot noo ako.

Whats with her? May problema ba?

"Then lets talk about it.. You want me to call Lian and ask her to have dinner with us?" seryosong tanong ko..

Umiling naman siya.

"No not now, marami pa tayong dapat asikasuhin.. Btw, ako na ang nag-asikaso for baby's christening.. Naibigay ko na kay Kate ang details para macheck niya kung may nais pa siyang idagdag.. Kayo na lang ang bahalang mag-imbita.."

"Thank you ma, we really appreciate it.." usal ko.

Ngumiti lang si mama at tumayo na.

"Well, i need to go.. May kakausapin pa ko. Bye son.." paalam ni mama at lumabas na ng silid.

Sinundan ko nalang siya ng tingin habang papalabas ng silid.

There's something bothering her. I can sense it..

***

Brad's POV:

'Kamusta na kayo riyan?'

'Were fine.. Kayo ni Mon kamusta?'

'Okay lang kami.. Ayun aliw na aliw sa pagbuburda ng lampin..'

'Burda? Hahaha.. So nagmature na pala ang baby princess namin?'

'Maybe..'

Napangisi ako at ibinaba ang tawag. Mon, ask me to call her family kaya tinawagan ko si Darius. Masyado na kasing abala si yugurt sa paghahanda para sa pagdating ng aming baby gayong wala pang isang buwan siyang buntis.

Naiiling na natatawa ako at binuksan ko ang laptop. Namiss kong maghack sa system ng mafia. Kaagad na tumipa ako at binuksan ang site nila.

Scan lang naman sana ang balak ko pero naagaw ang atensyon ko sa isang parte ng mafia society na may nakalagay na blupront ng isang lugar somewhere malapit sa Jung Empire.

Schiltz clan... Iyon kaagad ang pumasok sa utak ko at pinalaki ang bluprint.

Tahimik lang ang clan na ito at neutral pero sila ang dating sandigan ng mga mafia sa buong mundo. They own the biggest laboratory of powerplants and nuclears..

ILYMG Final Book: The New QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon