TNQ 50: Fight

8.1K 274 28
                                        

Life is an everyday battle. If you wouldn't dare to fight, you will surely miss the thrill of being alive..

***

Third Person POV:

Biglang natahimik ang lahat ng makilala kung sino ang nangahas na harapin si Rob. Walang sinuman sa kanila ang nagnanais na makaharap pa ito dahil tuso at mapanlinlang ito sa laban at ayaw na nilang makaharap ito gaya nang nangyari noon.

"Goodluck Red!" narinig niyang boses ni Lian mula sa suot niyang earpiece. Di mahulaan ni Nick kung para saan ang salitang iyon.

Alam na niya ang istilo ni Rob at pinag-aralan na niya ito kasama si Rave sa loob ng dalawang linggo.

Fuck this man for claiming what supposed to be our territory!

Napangisi naman si Rob pagkakita sa kanya sa harapan nito.

"Ang tapang mo para harapin ako.. Hindi mo ba alam na ako na ang namumuno ngayon dito?" maangas na saad ni Rob.

Pinagalaw pa nito ang naglalakihang muscle sa katawan at pinalagutok ang mga buto sa daliri.

Tila isa itong WWE fighter na handang handa na sa laban.

Nick just give a smirk.

"Sa palagay mo, matatalo niya si Rob?" narinig ni Rave na tanong ng kanyang katabi.

Kagaya ng porma ni Nick, silang lahat ay nakasuot ng kani-kanilang gangster attire at nakapwesto sa iba't ibang panig ng arena.

"Hindi ako mapalagay.." nakangising sagot ni Rave. Di siya gaanong nakikilala dahil bukod sa nakasuot siya ng cap ay may half mask din ang kanyang mukha na natatakpan ang kanyang bibig at ilong.

Inilibot niya ang tingin sa buong paligid. Mukhang iilan lang ang nakokontrol ni Rob sa mga gangsters na naroon. May mga grupo kasing normal lang kung kumilos pero mukhang walang kaalam alam sa naganap na pananakop.

Yung malalakas lang ang pinili ni Rob upang di mahalata.

Napatingin si Rave sa itaas na bahagi ng arena kung saan nakapwesto ang mga nasa rank dati. Nakangisi ang mga ito sa pagkatingin sa ibaba. May mga kasama pang babae na halos wala ng tinatakpan sa iksi at nipis ng suot nilang damit.

Tsk! Binababoy ni Rob ang Arena..

Naiiling na muling itinutok ni Rave ang tingin sa gitna.

Tiningnan ni Alexis ang iba pang miyembro ng BPG kung saan nakaupo ng magkahiwalay. Mukhang kampante sila sa kakayahan ni Nick.

Alam niyang kanang kamay ito ni Rave at utak ng kanilang grupo pero di pa niya nakikita ang kakayahan nito bilang isang fighter.

But Lian is so sure of him na ito pa ang pinantapat niya kay Rob..

Naguguluhan man si Alexis sa mga plano ni Lian ay hanga siya kung paano nito naresolba ang lahat.

Una ay ibinigay niya ang misyon kay Nina na pagkuha sa mga kakailanganin nilang detalye kay Rpb gayong mahina ito at di naman marunong lumandi. But she did it at nakakagulat man ay napahanga niya si Alexis.

"Watch the game Lex and you will see.." naalala pa ni Alexis ang linyang iyon ni Lian.

Yeah, i will closely watch every move they make..

Umingay bigla ang arena ng damputin ni Roko ang mikroponong nakalapag sa tabi. Siya ang magsisilbing announcer ng laban.

"Woooohhhh! Ang init bigla ahhh! Excited na ba ang lahat?" masiglang tanong nito. Si Roco ang isa sa rank 4 ng grupo ni Rave na nasakop na ni Rob ngayon.

ILYMG Final Book: The New QueenMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon