Hi guys! Kumusta mga gangsters??? Namimiss nyo na ba ang update? Sorry talaga at maysyadong busy si MALDITANG_NURZ. Ngayon ko lang naisingit na mga ud..
Anyways, sa mga nag-aabang, eto na po!
Vote / comment / be a fan and share please!
------
Mabilis ang galaw ko habang papalabas ng sikid ni Supremo. Mukhang di pa nila namalayan ang nangyayari sa loob.
Sumandal ako sa dingding habang pasilip silip sa hallway. Nakakalat pa din ang mga tauhan niya dito sa labas.
I wonder kung may ibang daanan pa ba bukod sa pinasok namin kanina.
Fvck! Kung bakit naman kasi ngayon pa ako nakabestida. Buti nalang talaga at di ako fan ng mga high heeled shoes..
Nakachuck taylors lang kasi ako kahit pa dress ang suot ko. Minsan pa nga ay boots.
Wala din akong armas bukod sa limang dagger knife na nakaipit sa hita ko. Naubos na kasi kanina sa laban namin ng mga tauhan ni Supremo.
Napaatras ako ng konti ng marinig ko ang mga yabag na papalapit. May konting tinig din akong nauliningan na nag-uusap.
Pinalibot ko ang tingin sa paligid at naghahanap ng maaaring mapagtaguan.
Nakita ko ang makapal na kurtina mula sa kisame na nakalugay pababa ng hagdan.
Di yan pwede.. Masyadong malayo pa sa kinaroroonan ko.
Muli akong sumilip sa mga papalapit. Lima sila. Kayang kaya ko yan.
Humugot ako ng malalim na buntong hininga at saktong tumapat sila sa akin ay hinila ko ang isa saka pinilipit ang leeg.
Nagulat sila sa biglang pagsulpot ko kaya di kaagad nakahuma.
Sinuntok ko ang mas malapit sa akin saka inundayan ng sipa ang ang papalapit.
Humandusay ang dalawa. Nakabawi naman sa pagkabigla ang iba kaya nagsisuguran na din.
Agad na sumugod ang tatlo pang lalaki sa akin. May nag-umang ng baril pero sa bilis ng galaw ng kamay ko ay nagawa kong idismantle ang hawak niyang baril at ihulog sa sahig.
Akmang sasaksakin naman ako ng nasa kaliwa pero sinipa ko ang kamay niya kaya tumilapon paitaas ang patalim na hawak nito. Umikot ako at isa isang pinatamaan ng paa ko ang bawat kalaban saka buong liksi na sinalo ang kutsilyo bago pa tuluyang bumagsak sa sahig.
Sumugod na sila ng sabay sabay. Binaligtad ko ang hawak sa patalim at ang dulo nito at nakatuon palabas. Ginamit ko din ang isang kamay ko upang masangga ang braso nila.
May sumaksak sa akin sa gilid kaya ikinurba ko ang katawan pakabilang dereksyon upang iwasan ito saka ko isinagga ang patalim sa espada. Umikot ako kasabay ng pagsipa at natamaan ko naman ito sa tyan na nagpatilapon dito palayo.
Sumuong naman ako sa ilalim ng isang akmang sasaksak din sa akin at saka hinawakan ko ang braso niya at inangat siya sa ere saka itinapon sa mga kasama nila.
Sabay ang tatlong napahiga sa lupa matapos tamaan ng lalaking inihagis ko. Kaagad namang nakabangon ang isa at sinugod ako kaya sinabayan ko ang ataki niya at tumalon ako kasabay ng pagsipa sa dingding upang maihagis ko ng mabilis ang katawan patungo sa kalaban. Iniumang ko ang patalim at deretsong sinaksak sa dibdib ang kalaban. Napasuka ito ng dugo.
Bumulwak naman ang dugo nito sa dibdib ng bunutin kong muli ang patalim. Kaagad itong nangisay at nawalan ng buhay. Sumugod naman ang iba pa pero nahirapan ng makalapit dahil sa mabilis kong galaw.
BINABASA MO ANG
ILYMG Final Book: The New Queen
AksiSecond Half: Clash of Empires. I love you, Mr. Gangster book 3 continuation kaya pakibasa nalang po muna sa 1st half.. Mobsters, Mafia and Gangsters.. Three different Empires. Seven different leaders. One Goal.. To rule the world.. Who will win the...
