Teaser

23.8K 437 12
                                        

Sa Bawat kwento ng buhay, kung sino ang bida ay kadalasang inaapi. Pero sa parte ko, walang sinumang mangahas na umapi sa akin dahil isa aking demonyo kung maituring. Pinapatay ko ang sinumang nakaharang sa aking mga plano. Inaalis ko sa landas ang sinumang magtangkang guluhin ang nilikha kong mundo.

Perp hindi sa lahat ng oras ay ako ang bida. Minsan, mas nagiging kontrabida pa ako dahil sa katayuan ko.. Sa posisyong meron ako. Tila ako pa ang nagpapahamak sa mga mahal ko. Tila ako pa ang nagdulot ng panganib sa kanilang mga buhay..

Kakayanin ko kaya ito? Malagpasan ko kaya ang pagsubok gaya ng mga napagdaanan ko na? Gayong pati usaping puso ay sinusubok na ang katatagan ko..

I'm Lian 'SNIPER' Vena-San Diego..

And now being called UNO..

The New Queen..

****

Third Person POV:

Pagkababa pa lang ng sasakyan ay tila walang pakiaalam na nilakad niya ang kahabaan ng maliit na iskinita ng underground society.

Ang lugar kung saan normal ang kaguluhan..

Bangayan, bugbugan, droga, sugal at maging ang patayan ay tila di na bago sa mga naroon.

Kabi-kabila ang mga bar.. Sa gilid ng kalsada ay may nakahilerang babaeng halos konting tela nalang ang saplot sa katawan, nanghahakina sa mga napapadaang parokyano upang sila'y magkapera.

Ito ang lugar ng mafia.

Kung saan isinagawa ang mga ilegal na pagtitipon at pagnenegosyo..

At ngayon nga ay narito siya, kasunod ang dalawang knights.. Hindi upang makipag-ayos, kundi, upang baguhin ang sistema na naaayon sa kanyang patakaran..

"Hoy! Bumalik ka ritong hayop ka! Wala kang kwenta! Sayang ang ibinayad ko sa'yo!" sigaw ng isang boses ng lalaki at mula sa kung saan ay may sumulpot na babaing nakatapis lamang ng kumot. Wala itong saplot maski ano sa ilalim ng kumot, puno ng pasa ang naka expose nitong balat at may paso pa ng sigarilyo.

At dahil di ito nakapukos sa dinaanan ay di sinasadyang nabangga siya nito.

Napaluhod pa ito sa harapan niya. At sa di kalayuan ay sumulpot ang isang matabang lalaki. Nakasuot ng boxer shorts at punong puno ng tattoo ang katawan. Humihingal ito at nagsisigaw. Nagmura pa ito..

"Tulungan niyo ko!" pagsusumamo ng babae.

"A-araaayyyy!!! Tama na! A-ayoko na!" hiyaw ng babae..

Napatigil naman siya sa akmang paghakbang nang biglang hilain ng matabang lalaki ang buhok ng babaeng nakaluhod sa kanyang harapan.

Napatingin siya sa dalawa.

"Ikaw! Bakit ka nakatingin! Gusto mo rin bang matulad sa kanya!?" singhal ng lalaki sa kanya.

Wala namang emosyong nakatingin lang siya rito.

Ikinagalit naman ito ng matabang lalaki. Kaagad itong nagbunot ng baril at itinutok sa kanyang ulo.

Akmang kikilos ang knights pero napigilan niya ito sa isang kumpas lang ng kanyang kamay.

"Tss!" tanging lumabas sa bibig niya kasabay ng isang mapang-asar na ngisi.

"Aba't hinahamon mo talaga--"

Subalit bago pa nito makalabit ang gatilyo ng baril ay nasiko na niya ito kaagad sa dibdib sabay hawak sa isang kamay nito na nakahawak sa baril at sa isang kisap mata ay naglaglagan ang mga bala sa semento.

Nagulat ang lalaki sa bilis ng galaw niya pero kaagad itong nakabawi at sumuntok pero tanging hangin lang ang tinamaan nito dahil kaagad siyang nakaiwas. Mula sa harap ay napunta siya sa likuran ng lalaki at magkasunod na nagpakawala ng suntok at tadyak na tumama sa likod batok at tuhod ng lalaki. Napaluhod ito at napahiyaw sa sakit. Nanlaki ang mata nitong nakatingin sa kanya.

Maging ang mga nanood sa kanilang monting palabas ay namangha sa bilis ng galaw niya.

"S-sino k-ka!?" nahintakutang tanong ng lalaki.

"The Demon.." simpleng sagot niya. "Never mess with the demon coz she provides.. DEATH!" sambit niya at sa isang iglap ay nailabas at naikasa niya ang baril saka walang pakundangang ipinutok sa bao ng ulo ng lalaking di man lang nakahuma sa labis na pagkabigla.

Bumagsak ito sa semento at naligo sa sariling dugo.

Tila walang anumang nangyari at itinuloy niya ang paghakbang paalis.

"S-salamat.." sambit ng babaeng niligtas niya.

Sinulyapan niya lang ito saglit at tinuloy ang pag-alis.

Napaatras ang mga nagkumpulang nanonood.

Tila nahintakutan sa kanya.

Derederetso naman siya sa paglalakad at tumuloy sa loob ng isang gusali.

"I'm the New Uno.. And never mess with ME.."

***

A/N: merry christmas guys! Enjoy your vacation and lets start the war next year..

Love: malditang_nurz

ILYMG Final Book: The New QueenMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon