Darius POV:
Masayang sumalubong sa akin sina Reen at Darrene ng makababa ako ng sasakyan sa harap ng Jung mansion. Tila kanina pa nila ako inaabangan.
"Dhie! I miss you.." nakangiting usal ni Reen at bahagya pang tumingkayad upang halikan ako sa labi.
"Ako rin Papa namiss kita.." singit ni Darrene.
Napangiti ako at ginulo ang kanyang buhok. Bahagya pa itong napasimangot at inayos ang buhok.
"I miss you too guys..." sagot ko sa kanila.
Pumasok na kami sa mansion at panay ang pangungumusta ni Darrene kay Nian.
"Mukhang di naman ako ang namimiss mo ah kiddo! Si Nian yata." kunyari ay patampo kong sabi.
"No papa, i miss you also. But i miss Nian. Di ko pa kasi siya nakakausap. Its been a week na.." depensa ni Darrene. Humagikhik tuloy si Reen.
Tinaasan ko sila ng kilay.
Ito talagang mag-ina ko, mukhang nagsabwatan pa sa lovelife ng aming binata..
"Dhie bihis ka muna.. Darrene, sabihin mo kay manang maghanda na ng makakain. Baka gutom na papa mo.." pakli ni Reen.
Hinapit ko siya sa bewang at binulungan.
"Tara sa kwarto at gutom na nga ako.. Sayo.." sambit ko at hinalikan ko siya sa pisngi.
Namula naman agad si Reen at kinurot pa ako ng pino sa tagiliran.
"Ikaw talaga.. Ang aga aga pa eh.." sagot niya. Pero sumama na rin sa akin sa kwarto.
Saka ko nalang sasabihin sa kanya ang ipinagagawa ni Lian. Ayoko sanang bigyan ng alalahanin ang asawa ko, pero tama din naman si young lady, kailangan naming bantayan ang aming mga emperyo..
***
Brad's POV:
Mag-isa lang ako ngayon sa loob ng computer Lab ni Lian at abala ang lahat sa paghahanda. Ngayon nila isasagawa ang nabuong plano ni Lian.
I was amazed on how she handle her plan well. Ni walang ideya ang sinuman sa amin sa susunod na ipagagawa niya.
Hindi ko aakalaing makagawa siya ng ganito kalaking plano sa loob lamang ng maikling panahon gayong nagluluksa pa siya sa pagkawala ng kanyang ina.
"A penny for your thought?" isang tapik sa balikat ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
Nilingon ko si Aileen na humila ng upuan sa harap ng computer.
"Wala.. May iniisip lang ako.." sagot ko. "Ikaw ba ay may ideya sa pinag gagawa natin?" pakli ko kay Aileen.
Ngumiti lang siya at umiling.
"I've never known Lian until now. Masyadong misteryoso ang pagkatao niya." sagot ni Leen.
Tumango tango naman ako. Tama si Leen. Mas malalim na ang pagkatao ngayon ni Lian mula ng iatang sa kanya ang responsibilidad ng mafia.
"But i trust her now.. Nakikita ko kung gaano siya kapulidong magplano at nagagawa niyang lusutan ang bawat butas ng kanyang misyon." dugtong ni Leen.
Napangiti na lang ako.
"Well then, we should start now at baka tayo pa ang maging dahilan ng kapalpakan." natatawa kong saad.
"Oh no! No! That wouldn't happen." nakangising sagot ni Leen at kapwa na kami humarap sa aming computer.
I ran fastly to the keyboard pero di ko mapigilang wag sulyapan si Leen. Ive never seen her work. Ngayon lang kami nagkasama sa iisang misyon.
BINABASA MO ANG
ILYMG Final Book: The New Queen
AcciónSecond Half: Clash of Empires. I love you, Mr. Gangster book 3 continuation kaya pakibasa nalang po muna sa 1st half.. Mobsters, Mafia and Gangsters.. Three different Empires. Seven different leaders. One Goal.. To rule the world.. Who will win the...