TNQ 39: Taking A Break

8.7K 237 13
                                        

Nick's POV:

Napapangiti ako habang pinagmamasdan ang mag-ina ko na nag-uusap sa aming garden.

Nian grown such a beautiful little lady kahit na magpa-5 years old pa lang ito.

"Ang ganda nilang pagmasdan ano? Manang mana talaga kay Nina si Nian. Balang-araw magiging sikat din yan.." sambit ni Ate Mhel na di ko namalayang nakalapit pala sa aking tabi.

Nilingon ko siya at nakangiti naman niyang inabot ang baso ng juice sa akin.

"Salamat Ate.. Sa pagtatyaga mong alagaan ang prinsisa namin.." buong pusong sambit ko.

"Asus wala yun.. Si Nian din naman ang prinsesa ko.." sagot niya.

Napakunot noo naman ako ng may maalala..

"Nga pala, kumusta na ang panliligaw sayo ni Reagan?" pakli ko.

Bigla namang namula ang pisngi ni Ate Mhel pagkabanggit ko sa kanyang manliligaw.

"Ha? Ah... K-kami na.." medyo nahihiya pang sagot nito. "Pero di naman ako aalis dito.. At matagal pa ang planong kasal.." dugtong pa nito.

Napatawa tuloy ako..

"Masyado ka namang defensive Ate Mhel.. Mag-asawa ka na nga at tumatanda kana. Para na din may kalaro na si Nian.." pagbibiro ko..

Sinuntok naman niya ako ng mahina sa tagiliran at saka walang boses na nagsabi ng 'tsee!'.

Tumalikod na siya at tinungo sina Nina at Nian sa garden.

***

Nina's POV:

Napataas kami ng tingin ni Nian ng padabog na naupo si Ate Mhel sa harap namin..

"What's wrong Tita Yaya?" tanong ni Nian. Engrosed kasi kami sa pag-uusap namin kanina at kung saan saan napunta ang topic namin.

"Uu nga Ate Mhel.. Mukhang may sumpong ka ahh.." tanong ko din.

"Kaasar kasi si Nick! Sinabihan ba naman akong mag-asawa na raw at tumatanda na.. Seriously? Matanda na ba talaga ako? Magtetrenta pa lang naman ako ah!" pagmamaktol nito.

Nagkatinginan kami ni Nian at sabay na napangiti.

"Don't worry Tita Yaya.. Your still beautiful even your old.." sambit ni Nian at napahagikhik kaming dalawa..

"Heh! Isa ka pa! Hay naku! Magkakawrinkles ako nito!" sambit ni Mhel at hinawakan pa ang sintido.

"Nga pala Ate Mhel.. Punta kami nina Nick at Nian sa Hongkong sa makalawa.. Baka gusto mong magbakasyon din sa korea.." sabi ko at tinaas baba ko ang isa kong kilay sabay ngiti ng panunudyo..

"Ayoko!" sagot ni Ate Mhel. Pero maya maya ay nakangiti na din siyang humawak pa sa kamay ko. "Pwede ba? Papano si Nian?" tanong niya.

Ngumiti ako at kinindatan ko siya.

"Kami na muna ni Nick ang bahala kay Nian. Tsaka bakasyon naman eh." sagot ko.

Napangiti naman ng malawak si Ate Mhel.

Hulaan ko, excited din yan kahit ayaw magpahalata.. Hahaha..

***

Lion's POV:

Dinala namin si Aileen sa ospital matapos mailigtas mula kay Louie.

Parehas na walang imik ang dalawa habang ginagamot ang kanilang mga sugat. Si Leen lang ang kailangang iadmit dahil grabe talaga ang mga latay nito sa likod. Samantalang si Lian ay konting sugat at galos lang.

ILYMG Final Book: The New QueenMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon