TNQ 4: Rosette (A Rose with Chain)

12.8K 268 17
                                        

Lian's POV:

"How come, na ang kilalang si Dark Moon ng mafia ay sya na ngayon King ng Jung mobster clan?"narinig ko bigkas ni Kenji.

Naririto ako ngayon sa likod ng pinto ng back entrance ng opisina ko rito sa mafia society, gusto ko marinig ang pinag-uusapan ng mga knights ko habang hnd nila alam na nakikinig na pala ako sa kanila. Nakakapagtaka naman kasi talaga na ang dating kilalang mahusay na magnanakaw ng mafia society at right hand ng isa sa mga malalaking pinuno ng mafia na si Phantom ay magiging Hari na ng isang kinatatakutang angkan sa bansang korea. Darius is really a big time person now, bago pa man ito magsadya sa aking opisina ay tumawag na ito sakin. Nagulat pa nga ako na napaaga ng 2 araw ang uwi nya rito, pero ng sinabi niya gusto nya magkausap muna kami bago maganap ang party iniorganisa ng mga knights ko ay naisip ko na gustong makipag-alyansa ni Darius sa akin.

"Sa pagkakaalam ko, He the adopted son of the Late King Inha of Jung clan. Kaya sa kanya naipasa ang throne matapos mamatay ang amahin nito.."wika ni Ryuka.

"At nakapagtataka, bakit pinasok nya noon ang mundo ng mafia kung meron naman pala sya emperyong paghaharian balang araw? Hnd kaya mayroon sya masamang balak?.." saad ni Ayako.

"Ikaw Ayako, gumana na naman yang pagiging freak mo.. Halika nga rito halikan mo ko..' at ngumuso pa si Kenji para asarin si Ayako, ngunit umani lamang ito ng irap sa huli.

Nakakatawa talaga ang dalawang ito, laging nagbabangayan. They remind me of my brother Lion and sister-in-law Kate. Pumasok na ko ng tuluyan sakin opisina kaya napatingin na sakin ang mga knights ko at yumukod. Umupo naman ako sa aking swivel chair at humarap sa kanila.

"Darius was my butler before. And I can assure na mapagkakatiwalaan sya tao, kaya hnd mo kailangan mangaba Ayako."sambit ko.

"Pero Uno, hnd pa rin sya dapat pagkatiwalaan basta. He seems a mystreous guy for me. At nakakaasar sya. Lahat ng mga iba't-ibang pinuno ng sekta ng underworld ay meron mga knights na nangangalaga. At hnd lang isa ang sinasama kundi daan-daan pa, but him? Isang mukhang bata pa na babae lamang ang kanya sinama? Minamaliit ba nya ang kakayahan namin mga knights mo?"wika nito.

Sasagot na sana ako nang..

"I'm not a child kung yung ang pinupunto mo, I already married at i can assure you na magkasing Edad lamang kami ng pinuno nyo, regarding naman sa knights, marami silang inaasikasong trabaho sa emperyo namin kaya hnd sila naisama ng aming hari. Yes I'm one of his knight.. Ngunit kung magkakaroon man ng double cross dito, I can make sure, na kayang-kaya ko protektahan ang kapatid ko sa inyo lima, kung demonyo yang pinuno nyo, ay halimaw naman ako..."seryosong sambit ni Monique.

Nanglaki ang mata ko sa katuwaan ng makita ko sya. Agad ako tumayo at lumapit sa kanya saby niyakap sya ng buong higpit.

"Monique!!, Kelan ka pa dumating?"nakangiti ko sambit matapos ang yakapan namin.

"Kanina lang, kasabay kami ni Oppa bumalik rito sa pinas frndship.."wika nito.

"Kami? You mean?.."

"Yes frndship, kasama ko ang pogi kong asawa.. Hahaha!!"nakatawa saad nito. At sabay bukas ng pinto ng aking opisina, magkasunod na pumasok si Darius at Brad.

"Yow, kumusta ka na Lian?.."nakangiti bati ni Brad sakin.

"Brad!.."nakangiti ko bati sa kanya at yumakap na rin ako.

Ganun din ang ginawa ko kay Darius. Nakakatuwa lang makita sila ulit, kahit kung tutuusin ay isang buwan lang naman ang nakalipas ng huli ko silang makita.

ILYMG Final Book: The New QueenMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon