Rave's POV:
Nakapangalumbaba kong pinagmasdan ang makukulay na ilaw ng syudad mula sa penthouse ng aking opisina. Itinukod ko ang siko sa aking tuhod at pinaglaruan ang aking labi.
It's almost a week now.. Nasaan na kaya siya?
Nasanay na yata ang asawa ko na umalis ng di sinasabi sa akin.
Humugot ako ng malalim na buntong hininga. Kahit sino ay walang makapagsabi sa akin kung saang lupalop nagpunta si Lian.
Maging ang kambal ay nagtatanong na. Ang dami na rin kasing nangyari. Nick's family has been ambushed. Mabuti nalang at gising na sina Jaya at Gian.
Sa lalim yata ng iniisip ko ay napaigtad pa ako ng biglang tumunog ang cellphone kong nakapatong sa aking mesa.
Sinulyapan ko ang screen kung sino ang tumatawag at nanlaki ang mata ko ng makitang si Lian ito. Halos mahulog pa ang cp sa pagmamadali kong sagutin ang tawag.
"Hello? Lian?" bigkas ko. Napatikhim pa ako dahil sa konting bara sa aking lalamunan. I was worried like hell. Iniisip kong baka sumugod na naman siya ng di ko alam.
"Hubby... I miss you.." malambing na saad niya sa kabilang linya at kahit di ko makita ang itsura niya ay alam kong nakangiti si Lian sa mga oras na ito.
Ikinunot ko ang aking noo.
"Oh crap! Where are you? Alam mo bang halos mabaliw na ako sa kaisip kung asan ka na naman angel ko?" sagot ko na bakas ang labis na pag-aalala sa aking boses.
Narinig ko naman ang tawa niya sa kabilang linya. Her laugh still sound like music to my ears.
"Chill, Raven.. I'm okay.. Pauwi nako.." tumatawa pa ring sagot niya sa kabilang linya.
Naihilamos ko ang palad ko sa aking mukha.
"Where exactly are you?" tanong ko at kumalma.
"Airport.." tanging narinig kong sagot niya at tila may narinig pa akong kumakausap sa kanya. Di ko gaanong marinig ang usapan nila dahil maingay.
"What!? Airport!? Saang airport?" halos mapasigaw na ako sa pagtatanong pero mukhang hindi na nakikinig pa si Lian.
Fvck! Anong nangyari? Nasaan ba siya?
Mas kinabahan akong lalo ng marinig kong lumagpak ang telepono ni Lian. Nailayo ko pa ito ng bahagya sa aking taing.
Fvck! Fvck! Angel ko!
Static nalang ang tunog sa kabilang linya hanggang sa maputol ito kaya halos itapon ko na rin ang hawak kong cp.
Nagmamadali kong dinampot ang susi ng aking sasakyan at mabilis na umalis sa opisina.
I need to find out where Lian is..
Palagay ko ay nasa panganib na naman siya. Fvck!
---
Lian's POV:
"Uno, nakahanda na ang private plane na maghahatid sa atin." usal ni Ayako na nasa aking tabi. Nasa airport na kami at kailangan ng mag-on board.
"Si Dos? Hindi ba siya sasama?" tanong ko at nilinga ang paligid. I have this feeling na tila may nakamasid sa amin at binabantayan ang aming mga kilos. I was cautious.
"May aasikasuhin pa daw siya. He'll follow after." sagot ni Ayako.
Tumango ako at tuloy pa din sa paglalakad. Kinuha ko ang cp ko sa bulsa at idinayal ang numero ni Rave.
BINABASA MO ANG
ILYMG Final Book: The New Queen
ActionSecond Half: Clash of Empires. I love you, Mr. Gangster book 3 continuation kaya pakibasa nalang po muna sa 1st half.. Mobsters, Mafia and Gangsters.. Three different Empires. Seven different leaders. One Goal.. To rule the world.. Who will win the...
