Ilang minuto rin bago naibalik ni Rome ang kanyang composure. Umupo siya sa sa kamang kalapit kung saan nakahiga at patuloy pa ring natutulog si Veronica. Matagal na tumitig si Rome sa natutulog na dalaga. Ngayon ay muling sumagi sa isip niya kung bakit pamilyar na pamilyar ang mukha nito sa kanya. Batid ng binata na matagal nan niyang kilala ang babaeng ito bago pa man sila magkita sa university.
"Gaano katagal tayo maghihintay bago matapos ang pagsusulit? Kailangan bang abangan pa natin na magising silang lahat?" tanong ni Mitch sa propesor.
"Kagaya dito sa Aurora, kapag namatay sila sa second level ng panaginip, hindi na magigising ang kanilang katawan sa waking life." Ani Prof. Jay, "That's the price to pay habang lumalalim ang level ng ating panaginip."
"Nabanggit sa amin ni Veronica ang tungkol sa bilangguan ni Icelus," wika ni Jasper.
"Ang hari ng bangungot." Tugon ng propesor. "Kadalasan, kapag namatay ka sa first level ng panaginip, doon ka talaga mapupunta. Subali't wala na ring kasiguraduhan na makakabalik kapa sa totoong mundo oras na makulong ka roon."
Nakatingin pa rin si Rome kay Veronica at nagtanong, "May nakabalik na ba mula sa pagkabilanggo sa Void?"
Lumapit si Prof Jay sa kinauupuan ng binata, "May ilang mga Dream Hunter at Guardians na nagawang makatakas sa Void at makabalik sa waking life kaso.."
"Kaso ano?" halos magkasabay na tanong ni Mitch at Jasper.
"Wala na sila sa katinuan nang magising sila."
Napalunok si Mitch sa sinabi ng propesor. Si Rome naman at patuloy lang na nakatunghay sa natutulog na dalaga. Maya-maya pa ay napansin ni Rome na dahan-dahan nang iminumulat ni Veronica ang kanyang mga mata.
May sasabihin pa sana ang propesor sa tatlo pero nang mapansin niyang gumising na si Veronica, mas pinili na lang niya na huwag itong sabihin sa grupo.
"I was surprised na mas nauna pa silang magising kaysa sa'yo." ani Prof. Jay nang iabot nito sa babae ang isang basong tubig. Pagdaka'y bumangon si Veronica at umupo muna sa kama nang kunin ang basong iniabot sa kanya.
Tahimik lang na nakatingin si Rome sa dalaga habang hinihimay pa rin ng isipan niya ang maaring mangyari sa kanila sa oras na pumanaw sila sa dream world nang hindi nila inaasahan. Hindi niya akalain na ganoon kalaki ang threat sa kanyang buhay habang mas lumalalim pa ang kaalaman at karanasan niya sa pagiging lucid dreamer.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Mitch kay Veronica. Tumango lang naman ang dalaga bilang tugon. Tahimik pa rin na nakaupo.
"Mukhang pumasa tayong lahat sa pagsusulit na ito. Kailangan ata magising lahat bago sumapit ang itinakdang oras." Wika ni Jasper.
Matiyagang naghintay ang apat hanggang matapos ang oras ng pagsusulit. Halos nahati ang bilang ng mga team na nakapasa sa eksam na iyon. Marami sa mga bumagsak at hindi pinalad na makapagpatuloy ang nahirapang gumising mula sa second level ng panaginip. Ang ilan naman ay hindi na nagkaroon pa ng pagkakataon na gumising talaga. Sa madaling salita, mananatiling tulog na ang kanilang katawan sa waking life.
BINABASA MO ANG
The Dream Hunter (SELF-PUBLISHED)
FantasyROME discovers that he is a lucid dreamer. Like many others, he thought he could harness all the powers and abilities in the dream world without limitation and consequences. Little did he know that lucid dreamers are usually prey to mardrums, monstr...