Chapter 39

9 1 0
                                    

Sabay na umilag si Mitch at Jasper nang sumunggab sa kalila ang dambuhalang Shadow Beast. Magkahiwalay silang lumundag papalayo sa halimaw. Siyang pagbato ni Mitch ng mga poker chips sa halimaw. Hindi na ito ordinaryong poker chips dahil yari ito mismo sa radiance o dream aura ni Mitch. Tumagos iyon sa isang malaking binti ng halimaw na nagdulot sa pag-angil nito nang malakas. Maririnig rin sa lugar ang sunod-sunod na putok ng revolver ni Jasper na pinatama sa mukha ng Shadow Beast.

Dahil sa sugat na tinamo, histerikal na nagwala ang halimaw bago patuloy na sumuggab at umatake sa dalawang lucid dreamer. Nakakapabuntong-hininga ang mga tagpong iyon dahil sa konting pagkakamali lamang ng dalawa ay maaaring madurog ang kanilang katawan oras na matiyambahan sila na matapakan ng higanteng halimaw na ito.

"Aim for the head!" sigaw ni Mitch.

"Ano pa bas a tingin mo ang ginagawa ko?" iritableng sigaw ni Jasper habang patuloy pa rin ang labanan.

Isang malakas na swing ng tentacles ng Shadow Beast ang tumama kay Mitch dahilan para tumilapon ito sa malayo. Wala na siyang malay nang bumagsak siya sa sahig.

"That fool might get stuck in the void," sambit ni Jasper. "I guess one-on-one na lang tayo."

Muling bumalik sa pagiging lighter ang hawak na revolver ni Jasper. Mabilis na dinukot niya sa bulsa ng kanyang chaleko ang isang sigarilyo, isinubo iyon at saka sinindihan. Nang muling sumunggab ang Shadow Beast sa kanya ay bumuga si Jasper ng napakaraming usok. Halos mapuno ng usok ang buong bahagi ng maze na kinaroroonan nila. Halos zero-visibility ang buong area kaya't natigilan ang Shadow Beast sa pag-atake.

Umungot-ungot pa sa paghuni ang halimaw habang patuloy na hinahanap si Jasper. Tahimik naman na nakakapit ang binata sa kutsilyo siya na nakatarak dakong itaas na bahagi ng malaking pader. Naghihintay ng tamang pagkakataon upang tapusin na ang buhay ng halimaw.

Bahagyang nabawasan ang usok nang umihip ang malakas na hangin. Natanawan ng Shadow Beast ang walang malay na si Mitch kaya't muli itong sumunggab. Siya namang pagbitaw ni Jasper sa punyal na nakatarak sa pader dahilan upang tuluyan siyang mahulog pababa.

Ilang metro na lang ang layo ng Shadow Beast kay Mitch nang bumagsak si Jasper sa mismong ulo ng halimaw. Hawak ang kanyang pilak na revolver, nagningning ang kanyang radiance, itinutok ang baril sa ulo ng halimaw at isang malakas na putok ang umalingawngaw sa buong paligid.

Bumulagta ang halimaw malapit kay Mitch. Lumundag si Japsper papalapit sa kasama upang gisingin ito. Tinapik-tapik ni Jasper ang pisngi ni Mitch at sa ilang sandali pa ay nanumbalik ang kanyang ulirat.

"Huh? Jasper, anong nangyari?" litong tanong ni Mitch.

"I just saved your ass, tara," tinulungan ni Jasper na tumayo si Mitch upang magpatuloy sila sa pag-solve ng maze. Muling tinunghayan ng dalawa ang bangkay ng higateng Shadow Beast habang unti-unti itong eevaporate hanggang sa tuluyan itong maglaho.

"Di ako makapaniwalang kinaya mo 'yon ng mag-isa," bati ni Mitch sa ginawa ni Jasper. Pilit na ngiti lang naman ang itinugon ng ikalawa.

Muling tumakbo ang dalawa sa isang bukana nang pader at patuloy na binagtas ang mga daaanan nang walang kasiguraduhan kung mararating nila ang kabilang dulo nang ligtas.

The Dream Hunter (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon