"Maligayang pagdating sa Alpha Island."
Nagtinginan ang lahat sa nagsalita sa sa malaking screen na naroroon sa istasyong kanilang binabaan. Si Professor Jay iyon at mukhang mag-uumpisa kaagad ang kasunod na pagsusulit matapos ang pakikipagsapalaran nila manatili lang sa tren at makarating kung nasaan sila ngayon.
"Binabati ko kayong lahat na nakapasa sa dalawang pagsubok. Bilang grand examiner sa pagsusulit na ito, tungkulin kong ipaalam sa inyo na ang mga susunod na pagsusulit ay magiging mas mahirap sa naunang dalawa."
"Hmph, hindi ko akalaing mas mahirap maging dream hunter. Sana hindi na lang ako sumali sa exam na ito. Hayy, ayoko ng mga ganitong nakakapagod na Gawain. Mas gusto ko sa bahay o nakaupo lang sa casino," reklamo ni Mitch.
"Pwede ka pa naming umayaw, Mitch." Sambit ni Veronica. "Sayang nga lang ang effort mo sa tren kanina kung ngayon ka pa aayaw."
"I'll take my chances here. Baka sakaling dito na ako yumaman," hopeful na sagot ni Mitch.
Patuloy pa rin sa pagsasalita si Prof. Jay sa screen habang si Rome ay hindi pa rin mapalagay. Panay ang tingin niya sa lalaking mag-isang lumabas sa car ng tren. Maraming tanong ang gusto ni Rome na magkaroon ng kasagutan tulad ng ano ang nangyari sa mga taong kasama ng lalaki sa tren? Tahimik lang naman ang lalaking nakikinig sa sinasabi ni Prof. Jay at nakangiti pa rin ito gaya ng ngiti nya noong nasa pila pa lamang sila.
"Magkakaroon tayo ng isang araw na break para sa mga susunod na pagsusulit. Maaari na muna kayong gumising at bumalik sa waking life. Pagkatapos ng isang araw, inaasahan ko ang inyong pagbalik rito sa Alpha island." Pagkatapos ng mensahe ng propesor ay naging itim na ang screen.
"Paano nga pala tayo gigising kung hindi pa tutunog ang ating alarm clock sa waking life?" tanong ni Mitch kay Veronica.
"Marami sa atin ang maghihintay na lang na magising. Wala naming sinabi na bawal maglakad-lakad sa isla kaya malamang na ganoon ang gagawin ng karamihan hanggang sa magising sila." Tugon ng dalaga.
"Teka," sabat ni Rome, "di ba may ginawa-"
"I suggest na mag-plano na muna tayo kung paano tayo makakapasa sa kasunod na pagsusulit." Pinutol ni Veronica ang sasabihin sana ni Rome. Babanggitin sana ni Rome sa grupo na kayang gisingin ni Veronica ang isang fellow lucid dreamer sa pamamagitan ng pagpitik sa noo pero mukhang ayaw ni Veronica na banggitin iyon ni Rome sa grupo.
"Anong pagpaplanuhan natin eh hindi natin alam kung ano ang kasunod na test?" tanong ni Jasper.
"Tama ka. Kahit ako ang mentor ng grupong ito eh hindi ko rin alam kung ano ang kasunod na pagsusulit." Sagot ng dalaga. "Pero maaaring sa kasunod na pagsusulit ay kakailanganin natin ng mas organisadong teamwork."
"Ok," tipid na tugon ni Jasper.
Pinangunahan ni Veronica ang paghanap ng lugar kung saan pwede silang mag-usap ng walang nakakarinig sa kanila. Malawak ang isla at puro luntiang puno at damo ang nakapalibot sa kanila. Naupo sila sa malawak na damuhan na malayo sa ibang examinee at doon nag-usap. Marami sa mga examinee ay naglakad-lakad kabilang na ang lalaking kanina pa pinagmamasdan ni Rome. May kutob si Rome na may hindi magandang ginawa ang lalaking iyon sa mga kasamahan nito sa loob ng tren. Base na rin sa mga ngiti nito nang lumabas ito sa pinto, tila isang diyablong katatapos lang kumain ang kanyang nakita.
"Anong mangyayari sa isang lucid dreamer kapag namatay siya sa panaginip?"
Natahimik ang tatlo sa tanong ni Rome. Tila alam na nina Mitch at Jasper ang sagot at si Rome na lang ang naiwan sa pagiging inosente sa bagay na iyon.
"Tinanong kita before pero hindi mo ako sinagot." Ani Rome kay Vica.
"Sumugod ka at nag-exam nang hindi alam ang bagay na iyan?"
"Tumahimik ka, Jasper. Hindi ikaw ang kausap ko," pagalit na sambit ni Rome.
"Ganito 'yan," ani Veronica, "sa mga normal dreamer, kapag namatay sila o napatay sa panaginip, magigising sila sa waking life habang ang kanilang pakiramdam ay tila tunay ang mga nangyari. Sa ating mga lucid dreamer, however.."
"However?" atat na si Rome na malaman.
"Kapag namatay tayo rito sa panaginip sa kung ano mang dahilan, mata-trap tayo sa bilangguan ni Icelus."
"Icelus? Sinong Icelus?" tanong ni Rome.
"Oo nga, sinong Icelus?" hindi rin alam ni Mitch kung sino ang nasa likod ng pangalang binaggit niya.
"Hindi ko rin alam," sagot ng babae.
Toink! Halos pare-pareho ng naging reaksyon ng tatlo sa tugon ni Veronica. Kung nakaupo lang sila sa upuan ay malamang sabay-sabay silang nahulog mula sa pagkakaupong iyon.
"Sa ilang taon kong pagiging Dream Guardian eh hindi ko pa rin alam kung sino siya. Ang alam ko lang eh kapag namatay ang Lucid Dreamer dito, mapupunta siya sa Void at ang katawan niya sa waking life ay mananatiling tulog." Paliwanag ni Veronica.
"Tandaan mo bata," panunuyang sabi ni Jasper kay Rome, "rule number one: don't get killed."
"Ang yabang mo talaga, ano bang problema mo?" Uumangan na sana ng suntok ni Rome si Jasper pero biglang naglaho ang ikalawa at takang-taka si Rome sa nangyari.
"Masyadong maagap ang alarm clock ni Jasper," ani Veronica.
"Maya-maya siguro tutunog na rin 'yung alarm ko sa cellphone ko," wika naman ni Mitch.
Mga bente minutos rin ang lumipas bago tuluyang naglaho si Mitch sa kanilang paningin. Si Rome at Veronica na lang ang naiwan sa kanilang apat. Eto na ang pagkakataon ni Rome para usisain ang dalaga kung bakit ayaw nitong ipaalam sa iba ang ginawa sa kanya dati.
"Bakit ayaw mong-"
"Huwag na huwag mong sasabihin kahit kanino na kayang kong gumising ng lucid dreamer mula rito kung ayaw mong mahampas kita ulit ng libro sa ulo." Tila galit na pusa ang itsura ni Veronica.
"Bakit ba kasi? Hindi mo nga ako nagising noong inatake tayo ng Shadow Beast noon di ba?" Magulo pa rin ang isip ni Rome. Halos araw-araw, magulo ang isip ni Rome sa mga nangyayari.
"Basta," tipid na sagot ng dalaga.
Nilapitan ni Veronica si Rome at pinitik si Rome sa noo gamit ang daliri. Dahilan ng pagkagulat at pagkagising ni Rome sa sahig ng kanyang kwarto. May konting amoy pa rin mula sa dream perfume na ginamit ni Rome pero ayon na rin kay Veronica, isang beses lang eepekto ang iyon bago matulog.
"Nakakainis talaga 'yung babaeng 'yun. Akala mo palaging siya ang bida."
Alas kwatro na ng umaga. 5am naka-set ang alarm clock ni Rome pero dahil sa ginawa ni Veronica, mas maagap siyang nagising. Inayos na lang ni Rome ang kanyang mga gamit at saka nagtungo sa kusina upang maghanda ng almusal.
BINABASA MO ANG
The Dream Hunter (SELF-PUBLISHED)
FantasyROME discovers that he is a lucid dreamer. Like many others, he thought he could harness all the powers and abilities in the dream world without limitation and consequences. Little did he know that lucid dreamers are usually prey to mardrums, monstr...