Chapter 22

25 1 0
                                    

"Attention! Ilang minuto na lamang at paparating na ang tren na sasakyan ng lahat ng mga examinee. Mangyaring ang mga hindi pa nakakapagparehistro ay lumapit na sa mga nakalaang mesa upang mabigyan kayo ng ID number. Maraming salamat po." Boses iyon mula sa PA sa istasyon ng tren.

"Tara, baka mahuli pa tayo," yaya ni Veronica sa tatlong protégé niya. May isang mesa na malapit sa pintuan kung saan sila lumabas kaya't doon na rin sila pumila. Mga limang examinee rin ang naunang pumila sa kanilang grupo bago sila humanay.

"Mga bata pa kayo para maging dream hunter." Isang boses ng lalaki ang nagmula sa gawing likuran ni Rome. Siya ang nahuhuli sa kanilang apat sa hanay at kasunod lamang niya ang lalaking nagsalita.

"Ha?!" nakanguso at labas ang mga ngiping hinarap ni Mitch ang lalaking nagsalita, "sinong sinasabihan mong bata?!"

Nakangiti ang lalaking payat at maputla ang mga balat. Kulay dilaw ang kanyang buhok at nakasuot siya ng top-hat. Gaya ni Mitch, nakasuot rin ito ng kasuotang parang pupunta sa mga casino at pasugalan ng mga mayayaman. Singkit na singkit ang mata nito dahil sa kanyang pagkakangiti.

"At sino ka naman ha?!" nilapitan na ni Mitch ang lalaki upang kumprontahin. Pinigilan lamang siya ni Veronica na noon ay nakahawak na sa laylayan ng coat ni Mitch.

"Pabayaan mo na siya. Pumila ka na lang," utos ng babae.

"Ha?! Aray!" isang malakas na pukpok sa ulo ang natamo ni Mitch mula ka Veronica. Napatawa lang ang dalawang kasamahan nila lalo na si Rome dahil hindi lang pala siya ang kayang batukan ni Veronica.

"Kung gusto mung pumasa sa examination na 'to, susunod ka sa sinasabi ko, maliwanag?" nanlalaki na ang mga mata ni Veronica sa inis.

"Ar....ay...opo..boss.." walang nagawa ang malaking si Mitch. Takot na baka mabatukan ulit ng babae.

"Tara, tayo na ang kasunod," sambit ni Jasper na noon ay lumapit na sa mesa kung saan naruon ang mga staff. Mabilis silang inasikaso ng mga ito at nakuha rin nila kaagad ang mga ID na may nakasulat na malalaking numero. 1004 kay Veronica, 1005 kay Jasper, 1006 kay Mitch at 1007 naman kay Rome.

"Di ko akalaing marami pala tayong mga examinee ngayon," sambit ni Rome habang tinititigan ang kanyang ID na tangan.

"Isuot mo na 'yan at baka mawala pa. Isa sa rule para makapasa ka sa pagsusulit eh kailangang ingatan mo ang ID mo hanggang sa huling bahagi ng exam." Paliwanag ni Veronica.

Isinuot na nga ni Rome at ng iba pang kasamahan ang mga ID nila na nakakabit sa asul na lace at saka magkakasamang lumakad patungo sa lugar malapit sa daraanan ng tren. Nang mga oras na iyon ay tatlong minuto na lamang ang natitira sa LED clock na tinignan nila kanina.

Marami nang nag-aabang sa parating na tren. Marami sila pero pare-pareho silang walang ideya kung ano ang mangyayaring pagsusulit. Sumasakit ang ulo ni Rome kapag tinitingnan niya ang dami ng taong palakad-lakad at nag-uusap kaya't itinuon na lamang niya ang kanyang paningin sa riles ng tren.

Gaya ng inaasahan, dumating na ang tren oras na sumapit sa zero ang oras sa LED. Lahat ay namangha sa itsura ng tren. Malaki ito kumpara sa mga tren sa waking like. Hindi nakakapagtaka na kakasya rito ang libo-libong participants ng examination.

Dali-daling pumasok ang lahat upang hindi maiwan ng byahe. Eksakto lang ang bilang ng mga examinee sa bawat car ng tren. Sinubukang hanapin ni Rome ang lalaking nasa pila kanina pero hindi niya ito makita. Malamang nasa ibang car ito ng tren. Si Jasper naman ay tahimik lang na nag-oobserba sa loob. Napansin na niya kaagad na walang upuan o hand rail man lamang ang loob ng tren.

Isang boses ang namutawi mula sa speaker ng tren. "Attention! Paalis na ang tren patungo sa examination area. Mangyari na maghintay lamang mula sa inyong pwesto hanggang sa makarating tayo sa ating destinasyon. Salamat!"

"Grrr..wala man lang upuan. Ibig sabihin nakatayo tayong bi-biyahe?" reklamo ni Rome.

"Malamang," tugon ni Jasper.

Dahan-dahang umandar ang tren. Bahagya pang nawala sa balanse ang mga nasa loob. May ilang natumba kabilang na si Rome at Mitch. Nakatayo lang silang muli nang maging stable na ang bilis ng takbo ng tren.

Nasa kalahating oras na silang bumabyahe nang bumungad sa kanila ang karagatan. Ang kulay noon ay tulad ng kulay ng tubig na dinaanan noon nila Rome at Veronica nang gumala sila sa Aurora. Lahat ng nasa tren ay namangha sa kanilang nakikita. Akalain mo nga naman na may riles sa kahabaan ng karagatan. Mga bagay na sa panaginip lamang maaaring mangyari.

"Attention examinees," muling nagsalita ang isang lalaki sa pamamagitan ng speaker ng bawat car ng tren. "Sa loob ng tren na ito mag-uumpisa ang pagsusulit. Sa loob ng tatlumpong minuto ay sasapit na ang tren sa Alpha, ang lugar kung saan magaganap ang kasunod na exam pagkatapos nito."Tahimik lang ang lahat na nakikinig sa boses sa speaker.

"Sa pagsusulit na ito, kailangan sampung examinee lamang ang matitira sa bawat car ng tren." Nagulat ang lahat sa narinig nila. "Lahat ng pamamaraan ay maaring gawin upang manatili kayo sa loob ng car kung saan kayo naroroon. Kapag lampas sa sampu ang natira sa isang car at sumapit na ito sa Alpha, idedeklarang bagsak sa pagsusulit ang lahat ng nasa loob. Mayroon na lamang kayong 28 minuto para gawin ang pagsusulit. Good luck."

Pagkatapos na pagkatapos magsalita ng nasa speaker ay nagkagulo sa loob ng tren. Nagkasuntukan, nagkatulakan at nagkasakitan. Ang grupo naman nina Rome ay magkakatabi lang na pinrotektahan ang isa't isa.

"Huwag kayong lalaban," utos ni Veronica, "pabayaan ninyo silang magkagulo."

Isang matabang lalaki ang patakbong sumunggab sa kanilang grupo. Hindi na halos makakibo si Rome dahil sa pagkataranta.

"Yaaa!" isang tadyak ang tinamo ng matabang lalaki mula sa sapatos ni Mitch.

"Anong gagawin natin?!" Hysterical na si Rome at hindi alam ang kasunod na hakbang.

"Tumahimik ka lang, gunggong!" si Jasper iyon na alerto lang na nakatayo.

Luminga si Jasper, napansin niyang hindi pa nababasag ng mga nagkakagulo ang salamin ng tren. Nang mawaring hindi nila maiiwasang masangkot sa gulo, hinugot ni Jasper ang kanyang lighter sa bulsa.

"Takpan ninyo ang mga ilong ninyo! Hold your breath!" sigaw ni Jasper. Hinugot rin niya ang isang sigarilyo. Dali-daling isinubo at saka sinindihan. Humithit siya ng pagkalakas-lakas at saka ibinuga ang napakaraming usok sa paligid. Ang usok na iyon ang naging dahilan para makatulog ang lahat ng nasa loob ng car.

Sinenyasan ni Jasper si Mitch na basagin ang salaming bintana ng tren at gayon nga ang kanyang ginawa. Makailang tadyak pa ang kanyang naibigay habang kapit pa rin ng mga daliri ang ilong. Isang ubos-lakas na tadyak at nabasag ang isang salamin ng tren kaya't dagliang bumulusok ang hangin papasok at palabas ng tren na naging dahilan ng pagkatanggal ng usok na ibinuga ni Jasper.

Habol-hininga ang apat nang mawala na ang lahat ng usok sa loob ng tren. Lahat ay nakahandusay sa sahig ng tren at mga walang malay. Silang apat lang ang natirang gising sa loob. Naupo ang apat sa gilid at nagpahinga.

"Paano mo nagawa 'yon? Ang galing nun ah!" tuwang-tuwang wika ni Mitch kay Jasper na tahimik lang na humihingal.

Nagpahinga na lang ang apat hanggang sa sumapit sila sa Alpha, isang malayong lugar sa Aurora. Isang istasyon ang kanilang hinintuan pero di gaya ng unang istasyon kung saan sila umalis, mas simple ito at halos walang tao.

Lumabas na ang apat mula sa tren at tumingin sa magkabilang dulo nito. Gaya ng inaasahan, kumonti sila dahil sa pagsusulit. Nanlaki ang mga mata ni Rome nang bumukas ang pintuan ng car na kasunod nila. Mula roon ay nag-iisang lumabas ang lalaking kasunod nila sa pila kanina. Nakangiti pa rin at halos wala man lamang bahid ng kahit anong klaseng paghihirap.

"Sino ang isang ito?" bulong ni Rome.

The Dream Hunter (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon